Chapter 8

1K 23 5
                                    

Tatlong araw ang lumipas matapos ang nangyari sa kanila. Hindi na muling nagpakita si Hunter sa opisina. Minsan ay sa labas ito nakikipag meeting ngunit kadalasan ay nasa opisina ito ni Vera San Inez, ang Vice President of Production. Isang linggo pa lang sa kompanya si Hunter ay napapabalita na ang closeness ng dalawa. They were like a love team. Ayun sa mga naririnig niya ay kinikilig ang mga empleyado kapag nakitang magkasama ang dalawa. Bagay na bagay sila sa isa't-isa. Parehong maganda at guwapo, parehong mayaman, at malakas ang chemistry ng dalawa. It was one thing hearing the rumors, but it was another seeing them together. Nararamdaman niya ang kurot sa puso niya kapag naririnig ang usap-usapan ng mga empleyado; ngunit hindi niya inaasahan ang sakit na mararamdaman sa oras na makita niya ang mga ito. And that time came, 3 days after the incident in her office. 

Henry literally dragged her out of her office for lunch. Sinuntok-suntok pa niya ito dahil matagal-tagal din itong nakahawak sa kanya. Nakasanayan na kasi niyang magbaon dahil hindi uubra sa kanya ang cafeteria. Masyadong maraming tao at hindi maiiwasan na mahawakan siya. But Henry was a stubborn one. Alam nito ang pinagdaraanan niya kahit hindi na ito magtanong. She has been unusually distant even with him at kapag ganoon ay alam na kaagad na may problema siya. So to cheer her up, inilabas siya nito sa opisina upang makahinga naman daw siya. Sa isang restaurant malapit sa opisina sila nagtungo. Hindi masyadong matao at masarap pa ang mga pagkain.

"Hi, Carmela."

Bigla siyang napaigtad ng may humawak sa balikat niya. Nakita din niya ang pag-aalalang gumuhit sa mukha ni Henry. Agad niyang nilingon ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nararamdaman na niya ang pangingilabot at kung maari ay gusto niyang maging casual na alisin ang kamay nito sa balikat niya. Ayaw niyang maging bastos. Vera's smiling face greeted her. Tila may sumuntok sa sikmura niya ng makita sa likuran nito si Hunter. Ang isang kamay nito ay nasa likuran ng babae at nakaalalay. They look good together. Kung sa ibang pagkakataon ay siguradong kagaya din siya ng ibang empleyado na kikiligin kapag nakita ang mga itong magkasama. Nag-alis siya ng bara sa lalamunan.

"Good morning, Miss Vera, Sir Hunter." Tumayo siya upang maalis ang kamay ni Vera sa balikat niya. Bahagya lang niyang tinapunan ng tingin si Hunter. Tumitig ito sa kanya. She saw a glint of emotion in his eyes, but she couldn't put a name on it. 

"Mind if we join you?" Si Vera ulit. 

"Join us." Sagot ni Henry. Maging ito ay tumayo rin.

Pinandilatan niya si Henry ng mga mata, ngunit kinibitan lang siya ng mga balikat nito. Umalis ito sa puwesto at lumipat sa tabi niya.

Iniiwasan ni Hunter si Carmela. Ayaw niyang maulit muli ang nangyari sa kanila noong unang araw nito bilang sekretarya niya. Noon lang siya nawalan ng self-control. It has been a tormenting 3 days for him. Walang sandali na hindi sumasagi sa isipan niya ang babae. He missed her, kaya naman nang makita niya ito kasama si Henry ay sinundan niya ang mga ito. With Vera tagging along. The decision to follow them was on impluse. Para siyang sinuntok sa sikmura nang makita ang dalawa. Sa loob ng restaurant ay pinagsawa niya ang sarili sa pagtitig dito. Pabor pa sa kanya dahil umiiwas ng tingin si Carmela kaya malaya siyang pagmasdan ito. Napapansin niya na dumadako ang tingin nito sa kanya ngunit miminsan lang iyon at agad din naman siyang nagbabawi.

Vera and Henry are talking about business at nakikisabay lang siya. Wala naman talaga siyang naco-contribute sa pag-uusap, ang atensiyon niya ay kay Carmela. Sa nakalipas na kalahating oras ay hindi nito kinakain ang in-order nito. She is merely moving the food with her fork. He can immediately tell that she is uncomfortable. Maya-maya pa ay inilapag nito ang tinidor sa gilid ng mesa. She took a deep breath and placed a hand over her chest. Bago pa man siya nakapagsalita ay naunahan na siya ni Vera.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon