"Hi."
Napukaw si Carmela sa malalim na pag-iisip ng marinig ang boses ni Hunter. Nakatayo na ito sa hamba ng pinto ng opisina niya, nakatitig sa kanya. A soft smile on his lips. Naglakad ito palapit sa kanya at dumukwang upang halikan siya. Agad naman niyang sinalubong ang mga labi nito.
"Napaaga ka yata?" Tanong niya. Alas siyete pa ito dapat matatapos. Alas singko y media pa lamang.
"Namimiss na kita eh." He smiled boyishly like a teenager.
Nararamdaman ni Carmela ang pamumula ng pisngi. "Ayan tayo eh."
Natawa ito sa pamumula ng mukha niya. "Kinikilig naman." Tumatawa pa rin ito ng pumasok sa opisina nito.
Nangingiti siya habang iiling-iiling. Sa tanda niya ay kinikilig pa rin talaga siya sa lalaking iyon. Nililigpit na niya ang mga gamit nang tumunog ang intercom.
"Yes, Sir Hunter. Anything I can do for you?" Malambing pa niyang sabi.
"Come here. Lock the door pagkapasok mo."
The thickness in his voice made her feel so excited. Hindi naman siguro masama kung isasantabi muna niya ang mga problema. Bago siya pumasok sa opisina ni Hunter ay inilock niya muna ang pintuan niya at pinatay ang ilaw. Pagpasok niya ay nakita niya itong nakaupo sa sofa. He is leaning limply on the sofa. Nakapikit ang mga mata at malalim ang mga buntong-hininga. Nakabukas na ang lahat ng butones sa dressshirt nito. Tila ito pagod na pagod.
"May problema ba?" Tumabi siya dito at yumakap. Nilalaro niya ang mumunting balahibo sa may dibdib nito.
"Nothing I can't handle." Ngumiti ito at tinitigan siya. "Namiss lang talaga kita."
"I missed you too." Hinalikan niya ito sa dibdib. Umani ng ungol ang ginawa niya dito.
"You naughty girl. Ano iyang iniisip mo?" Natatawa itong itiningala siya.
She gave him her most innocent smile. "Kung ano ang iniisip mo."
Sumeryoso ito at tinitigan siya. Bigla siyang nailing sa pagkakatitig nito sa kanya. Hinalikan siya nito sa mga labi ngunit saglit lang iyon.
"Ang iniisip ko ngayon?" Tanong nito na tila ang sarili ang kausap. May kinuha ito sa bulsa. "Iniisip kong ayain kang pakasal, Carmela."
Napasinghap siya ng buksan nito ang kahita. Naroroon ang dalawang singsing. Isinara nitong muli ang box at maingat na tinanggal ang kuwentas niya. Kinuha doon ang engagement ring na ginawa niyang pendant.
Napalunok siya. Bigla niyang naalala ang ama ni Vera. Lumayo siya kay Hunter at tinitigan ang engagement ring niya. Gustong-gusto niyang sagutin ito kaagad pero ayaw niyang ipahamak ang posisyon nito sa kompanya. Alam niya na kung sasabihin niya ang sinabi ni Arnulfo ay haharangin agad ito ni Hunter. Sasabihin na hindi na niya kailangang mag-alala dahil kaya nitong gawan ng paraan ang problema sa kompanya. Ngunit alam ni Carmela na malaking tulong si Arnulfo sa chairmanship ni Hunter. Ito ang isa sa may pinakamalaking shares sa kompanya at kung wala ito, siguradong hindi nito makukumbinsi ang ibang board members. She can give all her shares to Hunter. Sa katunayan ay iyon na ang desisyon niya bago pa man siya kausapin ni Arnulfo, ngunit kulang pa din iyon upang makuha ni Hunter ang controlling share. Kakailanganin pa din ni Hunter ang tulong ni Arnulfo. Hindi kaya ng konsensiya niya na maging makasarili gayong alam niya na masasaktan ito kapag natalo kay Salvador. Before her, may responsibilidad si Hunter sa pamilya at sa kompanya. Tila pinipiga ang puso niya habang dahan-dahan siyang umiling. Gusto niyang umiyak. Masakit na masakit ang loob niya sa mga nangyayari sa kanya.
"Damn it, Carmela! Ano sa tingin mo ang ginagawa natin? Walang lang?" Tumiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Ang kaninang saya sa mga mata nito ay napalitan ng pagkalito at galit.

BINABASA MO ANG
Marred (Completed)
RomansaDalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa baya...