Chapter 17

909 19 7
                                    

Nagising si Carmela sa tunog ng kanyang telepono. Iginala niya ang mga mata sa madilim na paligid at napagtanto na nasa loob siya ng kanyang silid. Napa-ubo siya nang sinubukan niyang lumunok. Nananakit ang katawan niya. Ang lalamunan niya ay tila namamaga. Kinapa niya ang cellphone sa may side table at binuksan iyon. 

Napasinghap siya sa attachment na nakita sa email niya. It is a video attachment. Hindi niya nakilala ang babae noong una. Nagulat lang siya sa nakikita niya. Isang babaeng nakahiga sa kama in a fetal position. Nakatali ang mga kamay sa likod at ang mga paa ay ganoon din. Ang may hawak ng camera ay lumalakad palapit sa babae at ipinapakita ang kalagayan nito. Huminto ito at ifinocus ang mukha ng babae.

"Oh my gosh!" Naitakip niya ang kamay sa bibig nang makilala ang babae sa video. 

"Yes, Carmela..." Anang nagdadala ng camera. The voice was distorted kaya hindi niya makilala kung sino iyon, pero may hinala na siya. "Your dearest best friend, Carmela."

"Ano to?!" Her voice is hoarse. Tila may papel de liha sa lalamunan niya kapag nagsasalita. Hindi na niya mapigilan ang pag-iyak. Bakit ganoon ang sitwasiyon ni Haley? Hindi pa man siya nakakarecover sa pag-atake ni Marco ay ganito naman ang matatanggap niya.

"Save her, Carmela. Bibigyan kita ng tatlong araw para isauli mo ang kinuha mo." Sigurado siya na si Marco iyon. Sino pa ba ang naghahanap ng kung ano man ang nawawala sa bahay nito.

Frustrated, ibinato niya ang cellphone at tumama iyon sa pader ng kwarto niya. Bago namatay ang cellphone ay narinig pa niya ang sinabi ni Marco, "Walang makakaalam, Carmela, kung gusto mong iligtas ang kaibigan mo."

Hindi niya naiintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay sa kanya. She has been living like a rock. Hindi mo mapapansin kapag hindi ka pa natalisod. Ang naiisip lang niya ngayon ay baliw si Marco at siya ang napili nitong sentro ng kabaliwan.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Andrew. Nagulat pa siya nang makita ito. 

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito. Kinuha nito ang cellphone niya na bumagsak malapit sa pintuan at sinuri iyon.

Agad na pinunasan niya ang mga luha. Bigla ay ayaw niya na may makaalam sa pinagdaraanan niya. Sabi nga ni Marco, walang dapat makaalam kung gusto niyang iligtas si Haley. 

"W-wala. Isang masamang panaginip lang." Paos pa rin ang tinig niya. Umubo pa siya. "Ano pala ang ginagawa mo dito? Ilang oras akong nakatulog?"

Tiningnan nito ang wristwatch. "Alas diyes na ng gabi. More than 12 hours kang tulog. At nandito ako dahil utos ni Hunter. Baka puntahan ka ni Marco dito."

Nanayo ang balahibo niya pagkabanggit nito sa pangalan ni Marco. "S-salamat. Puwede mo naman na akong iwanan. Nasaan pala si Hunter?" Na curious siya dahil si Andrew ang kasama niya at hindi ito.

Umiling ito. "May inaasikaso lang si Hunter at hindi kita maaaring iwanan. Malaki ang posibilidad na balikan ka ni Marco dito. Alam niya na wala kang kasama."

May punto naman ito kaya lang ayaw naman niyang makaistorbo. Nagbuntong-hininga siya. "Pasensiya ka na, Andrew. Hindi mo siguro inaasahan na ganito ang daratnan mo sa probinsiya namin." Pagak siyang tumawa. Naubo pa siya sa ginawa niya. Namamaga talaga yata ang lalamunan niya.

"Take it easy." Sabi ni Andrew na sumandal sa may hamba ng pintuan. "Tiningnan ka ng doktor kanina. Namamaga ang lalamunan mo." Kompirma nito sa hinala niya. 

Tumayo siya at tinungo ang vanity mirror na malapit lang sa pintuan. Nakabihis na siya. T-shirt at shorts. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin at hinaplos ang kanyang leeg. Iyon ang parteng pinakamasakit. Nagsisimula na rin iyong magkulay ube. 

"Andrew," Humarap siya sa lalaki. "Alam mo ba kung nasaan si Haley? Hindi ko pa siya nakikita." Walang bahid ng kahit na ano ang tinig niya. Kahit si Andrew ay hindi nakitaan ng kakaiba ang tanong niya.

"Pagkakaalam ko ay kanina dumating si Haley galing sa America pero mananatili iyon ng ilang araw sa Maynila upang hintayin si Stella. Sa susunod na linggo pa darating ang mama nila." Sagot nito. Lumakad na ito palabas ng kwarto niya. "May pagkain sa ibaba. Hindi ka pa kumakain simula kanina."

Pinigil niya ang pagguhit ng pagaalala sa mukha niya at sumunod dito sa ibaba. Hindi pwedeng malaman ni Andrew at kahit na sino ang mga nangyayari. Kumulo din ang tiyan niya pagkabanggit ng pagkain. Kakain muna siya saka mag-iisip kung papaano lulusutan ang problema niya na walang ibang nasasaktan.

Marco filled his wine glass with San Valley Merlot wine. It was a cheap wine, gifted by a colleague. It tastes bitter with a hint of sweetness. Nilagok niya iyon at umupo sa malapit sa kamang kinalalagyan ni Haley. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang dalaga. 

Desperado siyang makuha ang tablet mula kay Carmela. He considered himself lucky na nakatakas siya sa security na sumaklolo kay Carmela kaninang umaga. Dumating din doon si Hunter ngunit mas inuna nitong asikasuhin ang babae kaysa mahuli siya. Lumuwas siya ng Maynila upang magtago muna. Kapag kumalat ang laman ng tablet na iyon ay siguradong katapusan na nila ni Salvador. Hindi naman niya balak na isali pa ang ibang tao, ngunit nang makita niya si Haley sa supermarket ay bigla-bigla ang desisyon na ginawa niya.

Nilapitan niya ito. Of course, Haley knew him. Asawa siya ni Angeline, isa sa malalapit nitong kaibigan. Naging malapit siya kay Haley at maging kay Carmela noong maging magkasintahan sila ni Angeline. Ngunit lingid sa kaalam ng mga ito ay may lihim talaga siyang pagtingin kay Carmela. 

 Gaya ng hinala niya ay walang ka-ide-ideya si Haley sa mga nangyayari. She so willingly invited her to her apartment for dinner. Nilagyan lang niya ng pampatulog ang ininom nitong juice. 

"Sigurado ka bang magiging maayos ang lahat?" Tanong ng kasama niya. Nakatayo ito sa hamba ng pintuan at pinagmamasdan din ang natutulog na dalaga.

Tumango siya. "I distorted my voice para hindi makilala. I'm sure alam ni Carmela na ako iyon, ngunit alam ko din na mas gugustuhin niyang isakripisyo ang sarili kaysa madamay pa ang ibang tao. Especially Haley. Para na silang magkapatid nito."

"Mabuti kung ganoon." Lumapit ito sa kama. "Tanggalin na natin ang mga ito." Sinimula nitong tanggalin ang tali sa paa ni Haley. "Ayaw nating magising ang babaeng ito na nakatali pa siya."

Tulog pa rin ang dalaga nang iwanan nila ito. Ni hindi nito alam kung gaano sila nito natulungan.

Si Carmela ay hindi na dinalaw ng antok. Si Andrew ay nasa salas natulog. Sa halip na magmukmok ay nag-isip siya ng paraan kung paano maililigtas si Haley gayong ang gusto ni Marco ay wala sa kanya. Napagdesisyonan na niyang kakausapin si Alex bukas ng umaga. Ipapalipat niya ang shares niya sa pangalan ni Hunter. Pinanood niya muli ang video na pinadala nito. Inilipat niya iyon sa laptop niya. Baka sakaling may makita siya na makakapagdiin kay Marco na nakaligtaan niya noong masyado pang mataas ang emosyon niya.

She played the video and focused. Sinuri niya ang silid na kinalalagyan ni Haley. Tila iyon isang kwarto ngunit alam niya na hindi iyon ang silid nina Marco at Angeline dahil napasok na niya iyon at magkaiba ang ayos. Napapikit siya nang magsimulang magtubig ang kanyang mata. Humahapdi na rin iyon sa kakatitig niya sa screen. Akmang tatayo siya upang kumuha ng tubig nang may mahagip ang kanyang mga mata. Sa kanang bahagi ng kama ay ang vanity corner. Sinubukan ng videographer, na sa tingin niya ay si Marco, na huwag mahagip ang salamin niyon, ngunit may kaunti pa ring bahagi ng salamin ang nakuha. Sa may paanan siguro ng kamang iyon ang pintuan ng kwarto at kitang-kita iyon sa salamin. Bahagya lang nakikita si Marco dahil natatabunan ang mukha nito ng camera, ngunit sa hamba ng pintuan ay may isa pang tao at klarong-klaro sa video iyon. Napasinghap siya at marahas na napatayo. Naitutop niya ang mga kamay sa bibig. 

"No." Mahinang usal niya nang makilala ang babaeng iyon.

Sa nakikita niya, kasabwat ni Marco ang babae. Her face is void of any emotions. Wala na ang sweetness at mga ngiti na lagi nitong pinapakita. All of a sudden, pakiramdam niya ay hindi niya ito kilala.


Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon