Epilogue

799 16 16
                                    

Hindi makapaniwalang nakatingin sa kawalan si Gisela. At 20, hindi niya akalain na magugulat pa siya ng ganoon ka tindi. Nagbuntong-hininga siya at lumakad-lakad sa loob ng silid niya. She is not happy at all. 2 weeks ago her father passed away. Genaro was not her biological father. Her mother married him when she was six years old - 5 years after her biological father died - and adopted her legally. They were not close. He only tolerated her because of her mother. Inaalagaan naman siya nito ngunit hindi iyong uri na itinuturing siya nitong anak. For Genaro, she was an obligation. Ipinagpapasalamat na rin ni Gisela na  kahit ganoon ay hindi siya nito pinakitaan ng masama. Hindi siya sinasaktan kahit noong mamatay ang mommy niya 7 years ago. 2 years after her mother died inuwi nito si Bertha at sinabi sa kanyang pakakasalan nito ang babae. She was against it. Lumaki siya na si Genaro ang kinikilalang ama. Kahit na sabihing sa papel lang ito naging ama sa kanya, sa puso niya ito pa rin ang daddy niya. Hindi ito dapat nagpapakasal sa ibang babae kahit wala na ang mommy niya. Nakaramdam siya ng panibugho para sa mommy niya. Iyon ang unang pagkakataon na nag-away sila ni Genaro. Lumaki pa lalo ang agwat nilang mag-ama na tila naman ikinatuwa ni Bertha. Pinakasalan nito ang babae at hindi na sila naging maayos ni Genaro.

Kahit na ganoon ay masakit pa rin para kay Gisela ang pagpanaw ng ama, at nang basahin ng abogado ang last will ng daddy niya kanina lamang ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. No, her father did not left a last will, ang mayroon lang ay ang sulat umano nito na iniwan kay Bertha. Ayon sa sulat ay halos walang ipinamana ang papa niya sa kanya. Hindi ang halaga ng properties ang habol niya. Ang right niya bilang kaisa-isang anak nito ang ipinaglalaban niya. Her father left everything to Bertha. Her gut is telling her that something isn't right. Kahit hindi na sila nagkasundo ni Genaro, ay hindi naniniwala si Gisela pa pababayaan siya nito. Hindi siya mag-aalburuto kung mabait lang si Bertha. Kung kaya lang nitong pangalagaan ang buong lupain nila. Gaya ng nasabi niya, she doesn't care about the money. Kaya niyang magtrabaho at buhayin ang sarili niya. Mayaman sila kumpara sa nakararami, ngunit kahit ganoon ay working student siya. Tuition fee lang ang binibigay ng daddy niya sa kanya. Ayon dito ay kailangan niyang matutong magtrabaho. She's not complaining ngunit alam niyang sinulsulan lamang ito ni Bertha. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito sa library patungkol doon. Tinutulan ng ama niya ang suhestiyon ni Bertha ngunit sa huli ay nanaig ang babae. Tila naging 'under the saya" ang daddy niya. The woman has been abusing her verbally ever since at nagagalit siya na tila ito reyna ngayon sa pamamahay niya. This was her mother and father's home. Walang karapatan itong umasta na tila ito ang nagpatayo ng bahay na iyon. Mas gugustuhin pa niyang sa charity lahat mapunta ang mga ari-arian nila.

Padbog na kinuha niya ang susi ng kotse niya sa vanity table. Kailangan niyang makahinga at hindi niya iyon magagawa hanggang nandoon siya at nakikita ang madrasta. Ang unang pumasok sa isip niya ay kumonsulta sa ibang abogado. Ayaw man niya ay nararamdaman niya na hindi na niya pinagkakatiwalaan ang abogado ng ama niya. Ipinahayag niya dito na gusto niyang i-contest ang nasa sulat ng ama, hindi siya naniniwalang authentic ang sulat na iyon ng ama, ngunit mariin itong nagpayo na hindi na dapat dahil wala daw kahihinatnan ang gagawin niya. Dini-discourage siya nito gayong alam nilang pareho na may laban siya kahit papaano. Dapat ay magkahati sila ni Bertha. If anything, sa kanya ipamamana ng ama ang bahay nila dahil alam niyon kung gaano kahalaga sa kanya ang bahay na iyon.

Naputol ang daloy ng pag-iisip niya nang may kumatok sa kotse niya. Natauhan siya at iginala ang mga mata sa paligid. Hindi niya namalayan na nasa lupain na siya ng mga Del Mar. Nakaparada ang kotse niya sa mismong harap ng Villa. Tatlong beses na mas malaki ang lupain ng mga ito kompara sa kanila. Ito ang pinakamayamang pamilya sa probinsiya nila. Maraming negosyo ang pamilya at ang mga ito din ang nagmamay-ari ng kaisa-isang private school sa lugar nila. At ang kumakatok sa bintana ng kotse niya ay ang high school teacher niya. Si Victoria Del Mar. Slim, beautiful and regal at the age of 57 Her floral dress swayed as the wind blows. Suot nito ang isang malaking sombrero at sa mga nakagloves na kamay ay hawak ang iba't-ibang uri ng bulaklak. 

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon