Chapter 22

814 26 8
                                    

Halos hindi humihinga ang mga tao sa court room habang ipiniplay ang video. It was an evidence to the crime. Kahit na napakalaking balita ang nangyari kay Carmela ay hindi pinahintulunan ang local o national press na i-cover ang trial sa korte. Kaunti lang ang taong pinapayagan sa loob. Hunter could've opted himself out of that courtroom at hayaang ang abogado ang humarap sa kaso, but he owes this much to Carmela. 

6 years ago

"Ano kayang title natin sa video na 'to?" Tanong ng babae habang ipino-focus ang camera sa harap. Sa ibabaw ng dashboard ang nakakalat ang mga drug paraphernalia. Nag zoom-in ang camera upang ang windshield ang ma-focus at makita ang kalye na hindi masyadong matao.

"Parang school project lang ah?" Sabat ng isang lalaki at nagtawanan sila.

"Remind me again why we are doing this?" Tanong naman ng isa na namumungay pa ang mga mata. High pa ito sa drugs na ginamit.

"For my satisfaction." Walang pagdadalawang-isip na sagot ng babae. "And yours as well." Sinundan iyon ng isang nakakalokong tawa.

"Akala ko ba kaibigan mo si Carmela? Bakit natin 'to gagawin sa kanya?" The question is asked out of curiosity.

"I just don't like to see her happy..." Sadya nitong ibinitin ang huling mga salita. "...with someone else."

Natahimik ang nagtatanong. A soft girly chuckle was heard. "Yes, my dear. I swing that way."

"Pero -" Hindi na naituloy ng lalaki ang tanong nang magsalita si Marco.

"I see her." Si Marco na siyang nagda-drive ng van.

Natahimik ang lahat ngunit ramdam ang tensiyon na namumuo sa loob ng sasakyan. Nagfocus ang camera sa isang babae na kakalabas lamang mula sa isang bridal shop. Biglang umikot ang camera at natambad ang mukha ng may hawak nito. It was Angeline. She smiled excitedly and inilabas pa ang dila at nag-peace sign. Maya-maya ay ibinalik nito ang focus sa may windshield kung saan makikita si Carmela na nag-aabang ng masasakyan.

"Lilipat ako sa likuran para mas madali kayong makagalaw." Turan ni Angeline sa dalawang lalaki na katabi niya. "Huwag ninyong kalilimutan ang panyo na itatakip sa ilong niya." Pahabol pa niya. 

Nagsuot silang lahat ng bonet na tumatakip sa buong mukha nila upang hindi sila makilala ng kanilang biktima. Ilong at bibig lang ang nakalabas. Dahan-dahang pinaandar ni Marco ang van palapit kay Carmela. Nang huminto ito ay mabilis ang kilos ng dalawang kasamahan nila na lalaki at dinampot ang babae. Nagsisigaw ito at nagpupumiglas. Maya-maya pa ay nawalan na ito ng malay nang itakip sa ilong ang panyong may masangsang na amoy.

Naipikit ni Hunter ang mga mata. Napanood na niya ang parteng iyon ng video hanggang sa parte na nakunan si Carmela. No one could've measured the pain he felt at that moment. Tila kinuha ang hangin sa paligid niya. Hindi siya makahinga at tila pinagtutusok ng maliliit na karayom ang puso niya. He was supposed to be a father at sa isang iglap ay kinuha iyon sa kanya... sa kanila ni Carmela ng ganoon na lang.

Nagyakap ang mag-inang Haley at Stella. Pawang tumutulo ang luha. Nagsalita ang prosecutor at halos walang naintindihan si Hunter. Galit ang maintinding emosyon na umuukupa sa kanya. Nasa kabilang sulok lang ng silid na iyon ang mga nasasakdal. Their faces are void of emotions lalong-lalo na si Angeline. Naghikab pa ito na tila ba inip na inip sa mga nangyayari. Naikuyom niya ang mga kamay at tiim bagang na tinitigan ang mga ito. Papatayin niya ang mga ito kung siya ang masusunod. 

"Kuya..." Inagaw ni Haley ang atensiyon niya. Napahawak ito sa nakakuyom nyang kamao. "Justice will be served. Hindi kailangang dungisan ang kamay para makapaghiganti." Wika nito na tila nababasa ang iniisip niya.

And justice did prevail that day. Nahatulan ng guilty ang mga akusadong sina Marco, Angeline at Salvador. Kasama din nilang makukulong ang tatlong tauhan na naabutan nina Hunter sa bahay-bakasyunan ng mga Salvador. Tumayong witness laban sa ama at kapatid si Henry. Hunter knew how much he has suffered. Hindi niya lubos maisip kung siya ang nasa katayuan nito. Napatunayan sa trial na iyon na hindi si Edmundo Aragon ang pumatay kay Mario Ledesma. Nakita sa video na naka-save ang pananakot ni Salvador kay Edmundo gamit ang kalagayan ni Carmela. Si Henry ay nagpatunay din na tinakot siya at si Carmela ni Salvador na kung magsasalita sila ay ang mga mahal nila sa buhay ang mananagot.

It was an exhausting 2 weeks of trial. But Hunter couldn't complain. Kung sa iba iyon nangyari ay siguradong aabot ng taon bago mabigyan ng hatol ang mga salarin. Malaki ang nagagawa ng pera para umusad ang kaso na iyon.

Tiningala ni Carmela ang bahay niya. She just got discharged from the hospital. Tatlong linggo na ang lumipas nang mailigtas siya sa kamay ni Marco. Dalawang araw siyang walang malay sa ICU at ang mga natitirang araw ay inilaan niya sa pagpapagaling at pagpapalakas. More than 3 weeks ago she really thought she would die and put the house up for sale. Si Atty. Rodriguez ang pinaasikaso niya sa pagbebenta ng bahay at lupa. Ang pagbebentahan ay sinabi niyang kay Yaya Anna ibibigay. The house is not hers anymore. May nakabili na niyon ngunit napakiusapan naman na mananatili muna siya doon ng ilang araw habang hindi pa siya nakakahanap ng malilipatan. Well, hindi niya kailangan ng malilipatan. Kailangan lang niya ng ilang araw upang maghanda.

"Anak, halika na. Magpahinga ka." Si Yaya Anna na nauna ng pumasok sa kabahayan. Sumunod siya dito at umakyat sa silid niya. 

Hindi siya iniwan ng matanda habang nasa hospital siya. Pinabayaan niya ito dahil alam niya na sobra itong nag-alala. Pangalawang ina na niya ito. Sinabi niya dito kaninang paglabas na hindi na siya kailangan pang samahan nito. Bago pa mangyari ang muling pagtatagpo nila ni Marco ay tumawag na ito at ipinaalam ang planong magretiro. Sinabi niyang pag-uusapan nila iyon na hindi na nga nangyari dahil sa muling pagkakadukot niya. Nang mabalitaan nito ang nangyari ay hinimatay daw ito at nang mahimasmasan ay agad na sumugod sa hospital. Nagpilit itong sumama sa bahay at aalagaan daw siya hanggang sa makaalis siya.

Aalis siya. She has decided to take on the scholarship that she received from Berkeley. Kailangan lang muna niyang maghanda. Berkeley is a big leap for her lalo na sa estado ng mental health niya. She has improved tremendously. Hindi na niya nararamdaman ang hysteria sa tuwing may hahawak sa kanya ngunit hindi pa rin siya komportable sa skin contact. Ang kaalamana na nakakulong na ngayon si Marco, Angeline at Salvador ay malaking tulong upang  mag.improve siya psychologically. 

Humugot siya ng malalim na hininga at inihiga ang sarili sa kama. Kung may pagpipilian lang siya ay hindi niya gustong umalis. But she has sold her house and she has literally nowhere to go. Isang katok ang nakapigil sa pag-iisip niya. 

"Pasok." Bumangon siya at naupo sa kama.

Bumukas ang pintuan at sumungaw doon si Stella. Pumasok ito at sumunod si Haley. Agad siyang sinugod ng kaibigan sa kama niya. 

"Carmela..." Mahigpit siyang niyakap nito.

"Parang hindi tayo nagkita kahapon ah." Natatawang niyakap niya din ito.

Bumisita ang mag-ina bago siya nakalabas ng hospital. They were her constant visitors. At sa tuwing bibisita ang mga ito ay hinihiling niya na makita din niya si Hunter. Sa tuwina ay nabibigo siya. Hindi nagpakita ang lalaki sa kanya. At kahit na miss na miss na niya ito ay naisip niya na para na din sa ikabubuti ng lahat kung hindi sila magkikita. Magpapakasal na rin naman ito. Aside from Haley and Stella, paminsan-minsang bumibisita si Henry sa kanya. Her friend is a total mess. Hindi nito lubusang matanggap ang pagkakasangkot ni Angeline sa mga nangyari noon. Ito mismo ang mastermind ng mga pangyayari. Idagdag pa ang kalagayan ng asawa nitong si Monica. She is ill at halos mag-iisang buwan na sa hospital. 

"Sabi ni Hunter bibisita daw siya." It was Stella. Nakuha nito ang pansin niya. Ngumiti ang matandang babae sa kanya. " She is just busy, Carmela. Bukas ay kasal -"

"Okay lang iyon, Tita Stella. Naiintindihan ko naman." Putol niya sa sasabihin pa nito. Tila kay bilis ng mga nangyayari. Bukas na pala ang kasal nito kay Vera.

It is stupid of her, pero umasam siya na pupunta si Hunter ng araw na iyon. Nagkapag-asa siya sa sinabi ni Stella, ngunit nakaalis na ang mag-ina ay hindi pa rin ito nagpakita. Natapos ang araw na iyon na umaasam pa rin siya at muling nabigo.


=============================

The next one might be the last. :)

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon