Chapter 2

1.9K 33 0
                                    

6 years ago.

Kumatok si Carmela sa study room. Kadarating lang niya mula sa eskwela at sigurado siyang naroroon ang ama. Ilang araw nang doon ginagawa ng ama ang mga trabaho dahil sa pag-atake ng arthritis. 

"Papa, I'm home..." Natigil siya sa pagpasok ng mapansin na may kasama ito sa silid. 

Lumukso ang puso niya ng mag-angat ng mukha ang panauhin. Deep, mysterious eyes stared at her. Naramdaman niya na nag-init ang mukha niya sa pagkakatitig nito. Para nitong nababasa ang iniisip niya. Alam kaya nito na para ng jelly ang mga tuhod niya sa kilig. She had a huge crush on Hunter Ledesma. Unang kita pa lang niya sa lalaki ay humanga na siya dito. Sa lahat ng gwapo, mabait at matalinong tao na nakilala niya, ito lang ang bukod tanging nakakapagpatibok ng puso niya ng husto. 

She haven't seen him in years. Namalagi ito sa America nang tatlong taon para pag-ukulan ng pansin ang master's degree nito sa business. Bilang anak ni Mario Ledesma, si Hunter ang magmamana ng Ledesma Fruits, isa sa pinakamalaking fruit export companies ng bansa. 

"Good afternoon, Carmela." Bati ni Hunter saka ngumiti. He has the most gorgeous lopsided smile. 

Naramdaman niyang mas lalo siyang nagblush kaya tipid siyang ngumiti dito at itinuon ang pansin sa ama na nakatingin sa kanya. Makahulugan ang mga ngiti ni Edmundo Aragon sa kanya. Kunot-noong humalik siya sa pisngi nito. 

"Kumusta na ang arthritis mo?" Itinulak niya ang swivel chair nito paatras upang inspeksiyunin ang namamagang tuhod. Lumuhod siya saka hinilot nang dahan-dahan ang nasa kaliwa. "Hindi mo ba nakalimutan ang gamot mo?" Nag-aalala siya para sa ama. Ilang linggo nang dinadaing nito ang sakit, ngunit sa kabila ng mga gamot ay tila hindi ito nakakaramdam ng ginhawa. 

Hinawakan ng ama ang kamay niya. "I am fine, Sweetheart." Tatawa-tawa itong bumaling kay Hunter. "My daughter is such a darling, Hunter. Maswerte ang magiging boyfriend nito." 

"Pa..." Saway niya sa ama. Hindi niya alam kung papano titingnan si Hunter. 

"I agree, Tito Ed. She's been sweet and caring ever since." Pagsang-ayon naman nito sa papa niya. "Maswerte ang boyfriend mo, Carmela." Dugtong pa nito. 

Oh, how she loves the sound of her name when he said it. Hindi sila close ni Hunter. Hanggang "hi" at "hello" lang sila kapag nagkikita sa mga pagtitipon na dinadaluhan ng kanilang pamilya. That was the longest sentence he had ever said to her. 

"Wala pa akong boyfriend." Sagot niya na totoo naman. Ayaw ng mga magulang niya na nakikipag relasyon siya habang nag-aaral pa. 

"Good." Si Hunter. There's a glint of relief in his eyes pero mabilis itong nawala. 

Lumunok siya at nag-iwas ng tingin dito. Hindi niya mawari kung ano ang ibig-sabihin ng nakita niya sa mga mata nito, ngunit nakaramdam siya ng kasiyahan. Patuloy siyang tinititigan nito kaya naman mas lalo lang nag-iinit ang pisngi niya.

"Do you, gentlemen, need refreshments?" Tanong na lang niya. Lihim siyang nagpasalamat na hindi nanginig ang boses niya.

"Fresh orange juice would be nice, anak." Sagot ni Edmundo na ibinalik na ang paningin sa mga papeles sa harapan. 

"Bibihis lang ako at gagawa ng orange juice." Nginitian niya si Hunter bago lumabas sa silid.

Dumaan ang mga araw at hindi na muling nakita ni Carmela si Hunter sa bahay nila. Biyernes ng araw na iyon at papunta na siya sa paaralan. Dumaan siya sa silid ng mga magulang upang magpaalam, ngunit wala na ang mga ito doon. Pababa siya ng hagdan ng maulinigan ang mga boses ibaba. 

"Carmela." Nakangiting tawag ng mama niya nang makita siya. Katabi nito ang papa niya sa upuan at katapat ng mga ito ang kanilang bisita. 

Nakatalikod ang lalaki sa kanya ngunit kilala niya ito. Kahit ang likod ni Hunter ay kilala niya. She can feel that familiar beat of her heart when he's around. Napakapit siya ng mahigpit sa kanyang bag ng lumingon ito sa kanya. He's not in his usual polo and slacks. Naka puting V-neck ito na pinaresan ng pantalong maong. Sa mga paa ay low cut Calvin Klein shoes na itim. He looked so much younger. Very casual yet oozing with so much appeal. 

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon