Carmela stirred. May naririnig siya ngunit hindi niya malaman kung ano iyon. Nag-inat siya at binuksan ang mga mata upang ipikit lang din muli nang tumama ang sikat ng araw sa mga iyon. Unti-unti ng lumilinaw sa kanyang isip kung ano ang tunog na iyon. Ringtone iyon ng cellphone niya. Kinapa niya ang bedside table at sinagot ang tawag.
"Hello." Her voice is hoarse with sleep.
"Good afternoon, Sleeping Beauty." Hunter's voice is full of joy and humor.
"Afternoon?" Takang tanong pa niya. Inilayo niya ang cellphone sa tenga upang tingnan ang oras. 1:30 PM. Napabalikwas siya ng bangon. "Hindi mo man lang ako ginising." Akusa niya sa kausap.
Hinanap niya ang oversized T-shirt at naalalang sa kusina niya ito hinubad nang nagdaang gabi. She blushed as she remembered the passionate night they shared. Napakunot-noo pa siya nang mapagtanto na nasa kwarto na siya. Ang huling alaala niya ay sa living room sila nakatulog.
"Tatlong oras pa din naman ako dito sa opisina, Darling." Natatawang sagot nito. "At nagpunta lang ako dito para i-cancel ang mga appointments ko. Babalik ako sa iyo."
Naghalungkat siya ng ibang damit sa closet at isinuot iyon. "Bakit? Importante ang mga meetings mo ngayon. Malapit na ang board meeting." Nag-aalala niyang tugon.
Pag-uusapan sa susunod na board meeting kung ibibigay ba sa kanya ang chairmanship bilang siya ang anak ni Mario Ledesma. Salvador can challenge his claim easily. Bago pa lang si Hunter sa kompanya at mas maraming kilala si Salvador sa mga board members. He can easily manipulate them.
"Don't worry. Ako ang bahala sa problema ko sa kompanya." Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Palabas na siguro ito ng opisina. "Ano na ang ginagawa mo?"
Pababa si Carmela sa kusina dahil gutom na talaga siya. Nang nagdaang gabi ay hindi na sila nakakain.
"Pababa. You starved me." Nasa bukana na siya ng kusina ng mapansin ang package na nakaligtaan niyang buksan. Tinungo niya iyon at sinimulang buksan.
"Do you want me to bring you something?" Hunter's voice is teasing.
Ang akmang pagsagot ay napalitan ng sigaw ng makita ni Carmela ang laman ng package. Itinulak niya iyon at nahulog sa sahig along with her phone. Something small and dead. There's blood all over the box. At ngayon ay kumalat na ang dugo pati sa sahig.
Napakalakas ng kabog ng dibdib niya. Ibang-iba sa kabog kapag andiyan si Hunter. Ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay ay tila pumipiga sa puso niya. Hindi siya makahinga sa kaba na bumubundol sa dibdib niya. Nararamdamamn niya ang panlalamig ng mga kamay niya kasabay ng pag-init ng sulok ng kanyang mga mata. Someone just sent a threat to her. Wala sa loob na napahagulgol siya ng iyak. Hindi niya mapigilan ang emosiyon at ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak.
Si Hunter ay tinakbo ang kotse niya sa parking lot. Narinig niya si Carmela sa pag-iyak nito at hindi niya maipaliwanag ang kaba na bumundol sa dibdib niya. Mabilis siyang nakapasok sa sasakyan at pinaandar iyon. Papalabas siya ng parking lot nang matanaw ang isang top down BMW. Ang driver ay prenteng nakaupo at mahinang pinupukpok ang steering wheel kasabay ng tila pagkanta. Sa saradong kotse niya ay naririnig ni Hunter ang mahinang tugtog mula sa kotse nito. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang nagmamaneho. Marco Ramirez.
Sa pagkakataong iyon ay hindi napigilan ni Hunter na maalala ang mensahe ni Carmela sa kanya noong bago sila umalis noon. Hindi niya napigilan ang bahagyang galit sa kabila ng pag-aalala kay Carmela. Agad naman niyang naisantabi ang damdaming iyon. Hindi pa panahon para doon. Pinaharurot niya ang sasakyan at wala pang kinse minutos ay nakarating na siya sa bahay ni Carmela. Agad niyang tinakbo ang pintuan at pabalibag na binuksan iyon. Nakita pa niya ang pagkagulat ni Carmela sa paraan ng pagbubukas niya ng pinto. Nakaupo ito sa may hagdanan. Nakasiksik sa isang sulok at basa ang mga mata sa luha. Her T-shirt, although a bit smaller, still hang loose over her shoulders. Tumayo ito pagkakita sa kanya. Medyo mahaba pa rin ang T-shirt nito at bahagya lang niyang nakita ang short-shorts na suot nito. Relief is on her face sa kabila ng pagkagulat. Tinakbo niya ito at niyakap.

BINABASA MO ANG
Marred (Completed)
RomanceDalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa baya...