Chapter 9

1K 23 5
                                    

Inihatid si Carmela ni Vera sa bahay nila. Ayaw niya sanang paunlakan ang kagandahang loob nito, ngunit naisip din niya na walang masyadong masasakyan sa lugar na iyon. Nagsisimula na ring sumakit ang ulo niya. Vera has been very understanding of her. Nakikita niya sa mukha nito na marami itong gustong itanong at ipinagpapasalamat niya na nanatili itong walang imik sa biyahe nila. Hinayaan siya nitong magpahinga sa kotse nito. Ang babae na rin mismo ang dumaan sa botika upang bumili ng burn ointment. Pinigilan niya ito dahil hindi naman na masyadong mahapdi ang paso. Ngunit iginiit ni Vera na kailangan pa din iyong magamot. Bumili na rin siya ng paracetamol para sa ulo niya. Iyon ang matinding iniinda niya ngayon. Mina-migraine talaga siya pagkatapos ng pag mga "episodes" niya.

Sapo-sapo niya ang ulo nang buksan ang malaking pinto ng bahay nila. Nagulat pa si Yaya Anna nang makita siya.

"Napaaga ka yata? Sumasakit ba ang ulo mo?" Bakas ang pag-aalala sa tinig nito. "At bakit ganyan ang itsura mo?" Sinisipat nito ang nabasa niyang damit.

"Natapunan lang po ng sabaw." Sagot niya habang papaakyat sa hagdan. "Yaya, magpapahinga lang ako sandali at magbibihis. Babalik din ako sa opisina." Paalam niya dito.

"Teka, Carmela." Sumunod ito sa kanya sa hagdan. "Magpapaalam sana ako na uuwi muna sa anak ko. Manganganak na kasi iyon at kailangan niya ako upang umalalay sa kanya habang ang asawa niya ay nasa trabaho."

"Sige po. Wala naman pong masyadong gagawin dito." Inilibot niya ang paningin sa kabahayan. It was so huge and empty. She felt a little stab in her heart when she remembered her parents. 

"Mga dalawang buwan mahigit akong mananatili doon. Alam kong mas mararapatin mong tumira sa dorm, pero ipapakiusap ko na bisitahin mo itong bahay." Hiling ng matanda.

Pilit siyang ngumiti. " Huwag kayong mag-alala, Yaya. Dito na lang muna ako habang wala kayo."

Ngumiti din ang matanda. " Sige at magpahinga ka na. Mga alas singko ay lalakad na ako. Baka hindi mo na ako maabutan pag-uwi mo mamaya galing opisina."

Ngumiti siya ulit at tumango. Mabilis ang mga hakbang niya patungo sa sariling silid. Habang tumatagal ay tumitindi ang sakit ng ulo niya. Pagkapasok sa kwarto ay ibinagsak niya ang katawan sa kama. She heard a thump as her bag fell on the floor. Tinanggal niya ang mga butones ng blusa niya. Medyo gumaan ang pakiramdam niya ng maramdaman ang pagdampi ng mabining hangin mula sa nakabukas na bintana malapit sa kanyang kama. Unti-unti ay hinihila siya ng antok. 

6 Years Ago

Carmela stared at her reflection in the mirror. Two dead eyes stared back. The dark shadow under them indicates the struggles she has to face every night. She's gotten so thin that her cheeks have sunk and her collar bones are protruding. May pasa pa siyang nakita sa magkabilang braso niya. Nagbuntong-hininga siya at hinubad ang suot na hospital gown. Napapikit siya nang makita ang kabuuan ng kanyang pinsala. She has bruises all over her body. At sa likod ay mga paso ng sigarilyo. She was raped and tortured. She cried hysterically. She's in the darkest place of her life and she's alone. Her father died of a heart attack 4 days ago. Her mother is too sick to even visit her in the hospital. And Hunter... she has not heard of him since she was rescued 2 days ago.

"Ma'am" A woman's voice asked tentatively, 

Hindi siya nag-abalang lingunin ang pumasok sa banyo ng hospital room niya. Gusto niyang iwanan siya nito. And then a hand touched her shoulders. Hindi niya gusto ang pakiramdam ng balat nito sa balat niya kaya marahas niya itong tinabig. She got even more hysterical when she felt another hand grabbed her. Pakiramdam niya ay hindi lang iisang tao ang humahawak sa kanya. Hindi na niya maaninang ang mga ito dahil nanlalabo ang paningin niya sa mga luha. Maya-maya pa ay bumabalik sa kanya ang nangyari sa nakalipas na linggo. Marco raping her and physically abusing her. She shouted, cried, kicked and punched. And then she cried some more.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon