Carmela must've used boomerang on that particular email. Napansin niya ang logo niyon malapit sa subject. Matagal na nitong ginawa ang email at ini-schedule lang na sa araw at oras na iyon matanggap ni Henry.
Henry,
Ikaw ulit ang tatakbuhan ko. I am being unfair pero ikaw lang ang makakatulong sa akin. Ayokong may ibang madamay. Hawak ni Marco si Haley (video attached). I need to save her, Henry. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kanya. I know Hunter wouldn't forgive me either kung mapapahamak si Haley. Ang alam niya ay si daddy ang pumatay kay Tito Mario at ngayon naman ay ako ang magiging dahilan ng kapahamakan ni Haley. I'd rather die, Henry. I've also attached a picture from the video that Marco sent. Please take a look. I know it will break your heart and I am sorry.
Edit: Iiwanan ko ang bag ko sa table ko sa opisina ni Hunter. Kunin mo ang cellphone ko. Nasa saved search sa google map ang tagpuan namin ni Marco. Bring the police. Okay na siguro ang isang oras na palugit para mapakawalan ni Marco si Haley.
This is probably my last communication with you, Henry. I am only regretful na hindi ako makakapagpaalam ng personal sa iyo. Thank you sa lahat, Henry. Thankful ako sa lahat-lahat. And I love you so, my friend.
Always and forever,
Carmela
Kunot na kunot ang noo ni Hunter. Kanina pa binubundol ng matinding kaba ang dibdib niya. Ibinalik niya ang tingin kay Henry. Nakabadya sa mga mata ang maraming tanong.
"Hindi ko naiintindihan. Haley is perfectly fine." Nilingon niya ang kapatid na nadagdagan ang pangungunot ng noo sa pagkakabanggit ng pangalan. "At bakit ganito ang tono ng mensahe niya? Tila hindi na siya babalik."
Hindi nito hinintay na may makapagsalita at agad na binuksan ang attachment ng email. Lumapit na din si Haley, Stella at Atty. Rodriguez. Ganoon na lang ang panggigilalas sa mukha ni Haley ng mapanoon ang video. Si Hunter ay nawalan ng kulay ang mukha. Dinampot niya ang cellphone niya at tinawagan si Andrew.
"Si Carmela?" Bungad niya nang sumagot ang lalaki.
"What do you mean?" Naguguluhan ito. "Akala ko ba nasa opisina? Sabi niya mamayang alas tres pa ang klase niya."
He uttered some profanity that made the others wince.
"Come up here." Utos niya dito. Naghalo na ang pag-aalala, kaba at galit.
Nilagpasan niya ang magkapatid na Henry at Angeline at tinungo ang desk ni Carmela. Naiwan nga doon ang bag ng babae. Inihilamos niya ang palad sa mukha. Dinampot ang bag at bumalik sa opisina niya. Ibinuhos niya ang laman ng bag sa desk niya. Nakita naman kaagad niya ang cellphone nito. Pagbukas niya sa gadget ay natigilan siya. Nakascreen saver doon ang larawan nilang dalawa. Pinigilan niya ang emosiyon at binuksan ang google map. Nakita na niya ang sinasabi nito sa email na address na pagtatagpuan nila ni Marco.
"Call the police." He demanded to no one in particular. Agad na tumalima si Haley.
"You should see this as well." Iniabot ni Henry ang isang tab kay Hunter. "Nakuha ko iyan sa bahay nila Marco at Angeline noong nagpasama ako kay Carmela a few weeks ago."
Dahan-dahang iminulat ni Carmela ang kanyang mga mata. Her head is spinning at ganoon din ang kanyang nanlalabong paningin. Masakit ang likod ng kanyang ulo buhat ng pagkakatama ng matigas na bagay. Sa isang abandonadong building ang tagpuan nila ni Marco ngunit magkakalahating oras na siya doon ay hindi pa rin ito nagpapakita. Kinakain na siya ng takot at kaunti na lang ay aatras na siya nang may maramdaman siyang matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Buhat doon ay nawalan siya ng malay.
Umungol siya dahil sa kirot na nararamdaman. Itataas niya sana ang kamay upang hawakan ang ulo nang mapagtanto na nakatali ang mga kamay niya sa likod. Agad ang kabang sumalakay sa kanya. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya. Tila iyon sasabog sa pinagsamang kaba, galit at kawalang pag-asa. Tumutulo na ang kanyang luha na mas lalo lang nagpalabo ng kanyang paningin. Sa isang bahagi ng kanyang isipan ay hindi niya napigilan na maalala ang pagkakadukot sa kanya may anim na taon na ang nakalilipas. Gusto niyang sumigaw ngunit kagaya noon ay nakabusal ang kanyang bibig. Nanuot ang lamig galing sa sahig na hinihigaan niya.
"I'm glad you're awake, Princess." Boses iyon ni Marco.
Hindi man niya makita ito ay alam niya na nasa likuran lang niya ang lalaki. Gusto niyang itanong dito kung nasaan sila ngunit ingay lang ang lumabas mula sa kanya. Narinig niya ang paglapit nito at ganoon na lang ang pananayo ng balahibo niya. Tinanggal nito ang busal at lumakad sa harap niya. Nakangisi ito. Tila wala sa sarili at nangingitim ang ilalim ng mata. Humaba rin ang buhok nito at ni hindi na yata nadaanan ng suklay.
"N-nasaan tayo?" Ulit niya sa tanong.
Humalakhak ito na tila nababaliw. "My dear, hindi mo na ba naaalala ang lugar na ito?"
Iginala niya ang paningin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na ito din ang lugar na pinagdalhan ni Marco sa kanya noon. Sa bahay-bakasyunan ng mga Salvador. Ibig sabihin ay hindi sa address na ibinigay nito sa kanya. Ibig sabihin mali ang ibinigay niya kay Henry. Walang tutulong sa kanya dito.
Ngumisi si Marco at hinawakan siya sa baba. Pilit niyang pinapakawalan ang sarili mula dito. "I am not that dumb, Carmela. Sa akala mo ba ibibigay ko na lang ang address at panghahawakan ang salita mo na walang ibang taong makakaalam?"
Nanginig ang buo niyang katawan sa takot. She will have to die at walang makakaalam. Handa ka dito, Carmela. Ang importante si Haley. Kumbinsi niya sa sarili.
"S-si Haley?" Hindi niya gusto ang panginginig ng boses niya pero hindi niya mapigilan iyon.
Ngumisi ulit si Marco. Tila ito nasisiyahan sa paghihirap na pinagdaraanan niya. "She's safe, Carmela. Relax lang."
"A-anong assurance ko na safe siya?" Kailangan niyang makasiguro. Tuso si Marco at hindi maaasahan ang salita nito.
Kinuha ng lalaki ang cellphone at iniharap sa kanya. Nandoon ang litrato ni Haley kasama ang mama nito na si Stella. Pumapasok ang mga ito sa Ledesma building.
"Kanina lang iyan." He turned off his phone.
Nakahinga ng maluwag si Carmela. Tama na iyon para sa kanya.
"Now, Carmela, nasaan na ang tab?" Lumakad ulit ito sa likod niya at may kinuha. "This tab is not what I'm looking for." May banta sa tinig nito.
"Iyan lang tab na nasa akin." Sagot naman niya. Binili niya ang tab noong araw na nagpunta siya kay Alex Rodriguez. "S-sinabi ko na sa iyo na wala sa akin ang hinahanap mo."
He uttered an oath at isang malakas na sampal ang iginawad nito sa kanya. Nag-aalab ang mga mata nito sa galit. Hinila siya nito patayo. Napakarahas ng ginawa nito na muntikan na siyang matumba dahil nakatali ang mga kamay at paa niya. Isang sampal ulit ang ginawa nito sa kanya. Mas malakas kaysa nauna na tumama ang kabilang pisngi niya sa pader. Umikot ang paningin ni Carmela at nawalan siya ng malay.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Hiyaw ni Marco habang palakad-lakad sa loob ng silid.
Galit na galit siya na hindi niya nakuha ang tab kay Carmela. May hinala na siya na baka ibinigay ng babae ang gadget kay Henry o Hunter. Sa kulungan talaga sila pupulitin nito.

BINABASA MO ANG
Marred (Completed)
RomanceDalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa baya...