Chapter 4

1.9K 199 63
                                    

I wanted to roll my eyes but not infront of my Dad. Ano ba naman, 'yan! Minsan talaga naiinis na ako sa kabaitan ni Dad. It's too much. Pati ba naman ang mga katulad niya ay tutulungan pa. That's the reason why Daddy is always out of the country.

He's handling a big foundation offering help for the poor but has a passion in studying. Masyadong malawak ang mga ari-arian namin.

Mendoza is known for the biggest company and contractor when it comes in Architecture and Engineering here in the Philippines. At habang tumatagal, nakikita kung paano patakbuhin ni Dad ang company. Sometimes, I dreamed to become an Architect in the future pero kapag naiisip ko ang hirap ng pagdadaanan ko, parang ayaw ko na lang gawin iyon.

I just wanted to live this life full of glimmering diamonds which scream how luxurious I am.

"So, how's school?" tanong ni Dad habang kumakain kami.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil masyadong nakatutok ang mga mata ko sa lalaking kumakain na para bang nasa bahay niya lamang siya. What a shameless guy! He's calm as he eats his food.

Humanda talaga siya sa 'kin!

"Laurie, anak," marahang bulong sa akin ni Mommy nang mapansin na hindi ako nakasagot.

Huminga muna ako ng malalin at pumikit ng mariin. Gosh! My blood is boiling kahit na wala naman siyang ginagawang masama.

"Okay naman po ako, Dad. Aside from academics, I also enjoy some school activities these past few weeks," I answered honestly.

Tumango-tango naman si Daddy sa aking sinabi. Nagpatuloy kaming kumain at minsa'y nag-uusap. Hindi ko pa naman naririnig magsalita ang lalaking kinaiinisan ko. Ewan ko ba, mainit na talaga dugo ko sa kaniya.

Lihim akong napasinghap nang magtama ang mga mata namin. Walang emosyon sa mukha niya habang ako naman ay hindi alam kung anong magiging reaksiyon. I probably looked like I'm some criminal caught in the act.

I faked a smile at him. Tumaas ang isang kilay ko nang mapasin ang namumula niyang labi. Para bang mas masarap iyon sa pagkain ko. Wait... What?! No, no, no. Erase that. His lips are so delectable that I could lick that all the time. What the fuck!

I bit my lower lip to stop my inner thoughts.

"Nakahanda na nga pala ang mga gamit ni Silas para sa lunes. I also bought him a new set of uniform," Mommy said looking at Dad.

Nakita ko kung paano napahinto si Silas sa kaniyang pagkain. Tumingin siya kay Mommy.

"Maraming salamat po, Mrs. Mendoza. Asahan niyo po na pagbubutihin ko pa ang pag-aaral ko," his raspy voice made me think of something malicious.

Again, seryoso man ang mukha nito ngunit parang laging may kung ano sa mga mata niya na kahit hindi siya magsalita ay makikita mo na ang gusto niyang iparating.

Ngumiwi na lamang ako sa naiisip ko. Eh, parang magaling din ito sa pang-aakit, eh.

Ngumiti si Mommy sa kaniya bago nagsalita.

"You're too formal, Silas. Tita Imelda na lang. Besides, matagal ka naman naming makakasama dito sa siyudad, I think it will be better if we would be comfortable to each other. Don't worry, we'll treat you as a part of the family here," nakangiting sabi ni Mommy.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Gosh! I think we have an adopted stranger here in the house. At anong magiging part of the family siya, I'll treat him as a stranger here.

Wala na talaga akong maisip habang kumakain kami kundi kung paano siya pakikitunguhan sa loob ng bahay. I think mas lalong humahaba ang mga sungay ko kapag naiisip na dito na talaga siya titira.

Gumulong-gulong ako sa kama ko habang malalim na nag-iisip. Hmm... It's already eight in the evening and I wanted to sleep early. Ngunit mukhang hindi yata ako makakatulog kapag may ibang taong kasama sa bahay. So, I went out of my room and made my way to the kitchen.

I forgot to drink a milk earlier. Kumuha ako ng baso at inilabas ang box ng milk mula sa refrigerator. Nagsalin ako sa baso bago ininom iyon. Dala ko ang cellphone ko kaya ibinaba ko muna iyon sa lamesa.

I licked the side of my lips and drank again.

Nahinto lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makit ang isang mensahe ni Beatrice.

Beatrice:

Uy, may assignment ka na ba? Ako wala pa! Pakopya, ulit.

Muntik ko ng ibalibag ang cellphone ko sa walang kuwenta niyang mensahe.

This girl! Wala na ba talaga siyang gagawin kundi ang mangopya?

Huminga ako ng malalim at handa na sanang umalis sa kusina nang may napansin akong nakatayo sa isang corner ng kusina.

Napatili ako roon.

"Ah!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang makita na si Silas iyon. Galit akong tumungo sa harap niya. I glared at him angrily.

"What the hell are you doing!" I angrily shout at him.

The nerve of this guy! Magsasalita pa sana ako nang humakbang siya palapit sa akin. Parang biglang umatras ang galit na naramdaman ko kanina. Lumunok ako nang bahagya.

"Gabi na. Huwag kang sumigaw," sabi niya sa akin at mas lalong lumapit.

Wala akong magawa at umatras na. Hindi bukas ang lahat ng ilaw at ang tanging ilaw lamang mula sa isang chandelier ang bukas.

I bravely looked at him to express my anger towards him.

Sino siya para pagsabihan ako? Eh, ampon lang naman siya.

Nang lubos kong makita ang mukha niya ay nanigas na ako ng tuluyan. He has this snobbish aura that made me shiver. Magkasalubong na ang makakapal niyang kilay habang nakatitig sa akin.

"Why don't you mind your own business?" mahina ngunit madiin na sambit ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Unti-unti ay umangat ang gilid ng labi niya. Ngumisi siya sa akin na para bang natutuwa siya.

"May gatas ka pa sa labi mo..." he said with so much amusement in her eyes.

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Damnit! Nakakahiya. I was about to wipe it off and regain my confidence when he suddenly chuckled.

Kumunot ang noo ko.

"Bata..." bulong niya at saka tumalikod na.

What did he say? Ako? Bata? Bwisit! Makikita niya. I will show him that I am not a child anymore.

Get ready, Silas.

Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon