Hindi ko alam kung paano ko natiis ang kumain ng breakfast kasama siya. Meanwhile, Beatrice is curious about what's happening earlier. Tahimik lamang ako at hindi sinasagot ang mga tanong niya. I don't even know what will I say to her.
Paano ko ba kasi ipapaliwanag na magaling mang-akit si Silas? Gosh! Hindi ko siya dapat makitang ganoon.
While eating, Beatrice is throwing me some stares and I can see her one eyebrow shot up as she scanned the guy beside me. Yes! Katabi ko si Silas. What a great start to my morning.
"Who was that?" Beatrice's voice is laced with curiosity as she rolled in my bed. Dito na kami dumiretso pagkatapos naming kumain ng breakfast.
Patuloy ako sa pags-scroll sa cellphone ko habang nakaupo ako sa sofa ng kwarto ko. Hinaplos ko ang buhok ko at iniipit sa gilid ng tainga ang mga takas na buhok.
Tamad ko siyang tinignan bago sumagot.
"Who? 'Yung kanina? Don't mind him. Ampon lang siya dito sa bahay ni Daddy," sabi ko at binalik muli ang tingin sa cellphone.
Napabangon siya sa kama at ramdam ko ang mga titig niya sa akin. I know na gustong-gusto na niyang malaman ang bawat impormasyon sa kaniya.
"Ampon? The hell! He looks like an Olympian god. Saan siya galing?"
Tinaasan ko siya ng kilay sa narinig ko. Olmypian god? No way! Yeah, he got his looks. From his jet black hair that has a little bit of curls at its end, his long eyelashes, how his jaw clenched when he's serious and his soft delectable lips that I envy. I'm just being honest with how I see him. Ganoon ang description ko sa kaniya pero ayaw kong aminin na pang-Olympian god ang itsura niya.
"Dad said that he's going to study in our school starting from Monday," I said making her gasp. Her eyes widen a bit. Ngumisi ako.
"Don't tell me you like him?" I glared at her. Straightforward talaga ako at ayaw ko ng marami pang sinasabi.
Suddenly, she laughed making me frown. Napailing-iling pa siya habang tumatawa na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. I rolled my eyes at her. Huminto siya sa pagtawa ngunit hindi nawawala ang pagkaaliw sa mga mata niya.
"What? I've never seen you acting this way, Laurie. Ikaw ang magtanong niyan sa sarili mo?" she said while staring at me.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Hinagod ko ang braso ko at umismid sa kaniya. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at sa kasamaang palad ay nakita ko ang bwisit na lalaki. Kanina nagdidilig, ngayon naman nagcu-cut ng damo!
What the! Gardener na ba siya ngayon?
"Oh... I can see. Sa bagay, guwapo naman siya. Ano nga ulit pangalan?"
Wala na naman siyang pang-itaas. Kitang-kita ko mula rito ang kakisigan niya. Para siyang sana sa mga ganoong gawain. I wonder kung saan siya galing. Mukhang alam niya lahat ng gawain kung titignan mo siya.
"Silas," I answered. Inalis ko ang tingin sa bintana at tumitig kay Beatrice.
"Hmm..."
Huminga ako ng malalim. Ano ba 'yan? Bakit ba namin siya pinag-uusapan? Dapat magmall na lang kami ngayon o kaya magshopping, hindi iyong napupunta ang usapan sa lalaking 'yon. Napangisi ako nang mapagtantong may silbi naman pala siya dito sa bahay.
But still, hindi ko mapapalagpas ang sinabi niyang bata ako.
Sa huli, inaya ko si Beatrice sa mall at nagpahatid kay Kuya Fred. Parang mas lalo lamang ako naboring sa mga ginagawa namin. Napahinto ako sa paglakad nang may nadaanan akong mga hindi ko dapat isiping bilhin.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomanceCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...