This chapter is dedicated to kurstyn12. Thank you for reading. Enjoy guys.
~Nag-umagahan ako kasama si Aling Rita at ang kanyang apo na si Karlo. Natutuwa akong naalala pa ako ng bata. I looked at his arms trying to reach for me. I chuckled before I get him to place him on my lap while eating.
Pagkatapos niyon, nagpaalam saglit si Aling Rita na may bibilhin lamang siya. Pinabantayan niya sa akin ang busong kapatid ni Karlo na si Danilo.
Tulog pa si Danilo sa kanyang crib kaya tinitingnan ko lamang kung magigising na siya. Nilapag ko naman si Karlo sa isang mahabang upuan, doon siya naglalaro ng mga laruan niya. Napabaling ako sa kuwartong tinulugan nang marinig ang tunog ng aking cellphone.
Nagmamadali kong kinuha iyon upang sagutin.
"Hello? Bakit?" tanong ko. Si Beatrice kasi ang tumatawag.
"Nagkakagulo sila kagabi dito! Your parents also asked me if I know something. Hirap pa lang magsinungaling! Gosh!" pag-imporma niya sa akin.
I knew it. That will be their initial reaction since I left the house yesterday. Kabado ako lalo nang makalabas ako ng bahay ng walang nakakakita sa akin.
"I'm sorry for that. Alam kong nagtataka sila kung bakit ako umalis. I blocked their numbers on my phone," sagot ko habang tinatanaw ang magkapatid.
"Your Dad contacted Tita Reanne. Hinahanap ka na nila ngayon. Ang mga pinsan mo parang wala namang pakielam kung nasaan ka," she said in a serious tone.
I felt guilt. Iyon lamang ang nanaig sa akin ngayong narinig ang balita sa akin ng kaibigan. Kinausap niya ako na mananatiling sikreto kung nasaan ako.
But knowing Mom and Dad, I'm sure they have a lead on where the hell I am. Hindi maiiwasang isipin nila na baka sa Azagra ako nagtungo.
Bumalik si Aling Rita sa bahay. Ipinaalam ko rin sa kanya na aalis ako kasama ang mga pinsan ni Silas.
"Saktong sakto! Bumili ako ng kamote. Ilalaga ko iyon para maibaon mo," wika niya habang inaayos ang mga pinamili niya.
Well, kumakain naman ako ng kamote. Hindi nga lang madalas kainim sa bahay namin.
"Sige po. Magbabaon po ako."
Inaliw ko na lamang ang mga bata habang nag-aasikaso sa kusina si Aling Rita. Tumawag si Silas na pauwi na siya upang makapaghanda sa pag-alis namin. Napanguso ako. Tinotoo niya nga ang sinabi niya sa akin kahapon. Mga bandang alas onse nang naisipan kong maligo at magbihis.
Nagsuot lamang ako ng isang itim na cargo pants at itim na shirt. Kinuha ko ang mas maliit na bag ko upang ilagay ang ibabg gamit na babaunin ko kasama ang ipinabaon sa akin ni Aling Rita na mga kamote. Pinatikhim niya ako niyon. Masarap naman at nakakabusog.
"Hey!" sigaw sa akin ni Elcid habang papalapit sa akin. Kasunod nan niya si Cecil sa likuran.
Ngumiti ako sa kanila.
"Sasakay tayo ng kabayo. Gusto mo sa akin ka na sumakay?" alok sa akin ni Elcid, malawak ang ngiti niya.
Humalakhak si Cecil sa kanyang sinabi. Kumunot ang noo ni Elcid.
"Kay Kuya Silas siya sasakay. Ako na lamang ang sasakay kasama mo," paliwanag si Cecil.
"Marunong ka palang sumakay ng kabayo?" namamangha kong wika.
Elcid smiled at me proudly. Ikinuwento niya na tinuruan siya ng kanyang ama noong bata pa lamang siya. Parehas silang marunong ni Cecil. Napasarap ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomanceCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...