Chapter 11

1.4K 133 17
                                    

This chapter is dedicated to lazyshasharee.
~

That was so epic. Ilang araw na ang nakalipas ngunit malinaw pa rin sa akin ang mga pangyayari noong magalit sa akin si Silas. I didn't know that he's that mad! Naalala ko pa kung paano nagdilim ang kanyang paningin sa akin. I can't help but shiver at that. Hindi ko pa rin nalilimutan ang mga sinabi niya sa akin.

Huminga ako nang malalim habang niyayakap ang unan ko sa kama. Ilang araw na lang, pasahan na ng project. Napapikit ang madiin doon. Bumangon ako upang magtipa ng message kay Beatrice. Hindi ko na lamang iisipin si Silas. The hell with him! Ampon lang naman siya dito, eh. Akala ba niya magpapaapekto ako sa kanya? No way!

Umahon na naman ang panibagong galit sa dibdib ko. I tried to be friendly with him when that is not so me.

Ako:

May project ka na? Pwedeng favor? Gawa mo ako :(

Ilang sandali pa ay nagreply na siya sa akin. Pinindot ko ang mensahe niyabat binasa. Napakunot ang noo ko.

Beatrice:

Ako lang ang gumawa. I don't want to disappoint you, Laurie. Alam mo namang hindi ako magaling sa drawing, eh. Kaya mo na 'yan!

Napahilot ako sa sentido ko sa mensahe niyang iyon. Well, she has a point. Ngumiwi ako nang maalala na hindi talaga siya marunong sa drawing or painting.

Humiga muli ako sa kama at natulog na. Kinabukasan, maaga akong nagising para makapagready na sa school. Nang makalabas ako ng banyo ay isinuot ko na ang aking uniporme.

I just tied my hair into ponytail. I also apply my face with a powder and a liptint. Kinuha ko ang backpack ko at isinukbit iyon. Napangito ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Mabilis iyong nawala nang maalala si Silas. I pouted at that. It really annoys me everytime I remember that day. He annoys me.

Damnit! Pagkababa ko ay naabutan ko sila Mommy na kumakain na. And as usual, naroon si Silas. Nawalan ako bigla ng ganang kumain.

"Dad, mauna na po ako sa school. May activity po ako kasing hindi natapos," pagsisinungaling ko habang nakatingin kay Dad.

Napalunok ako nang maramdaman ang mga titig ni Silas sa akin. His stares are piercing deep into my body. My knees became jelly as I embrace the intense stares of him. Tumikhim ako nang mapansing tumingin si Mommy kay Daddy at parang nangungusap ang mga mata. Kumunot ang noon ko doon.

"Hindi mo ba mahihintay si Silas? Ilang araw na siyang nagco-commute," Mommy explained as she put down her spoon and fork in her plate.

Napalunok akong muli doon. Anong gagawin ko? Eh, ayoko nga siyang makita at makasama. Nakakainis.

"Your Mommy is right. At saka napapansin naming madalas ay hindi na kayo nagpapansinan," Dad said.

Kung sana ay madali lang na sabihin ang nangyari ay ginawa ko na pero hindi iyon ganoon. I do not have the courage to tell them what happened. At gusto ko na rin sanang sabihin sa kanola na napakamaldito nitong si Silas.

"Ayos lang po kung hindi kami magsasabay. May dadaanan din po kasi ako diyan sa kanto," singit ni Silas.

Nakita ko ang pagtango ni Mommy. Gosh! 'Pag sa kanya talaga napakadaling sumang-ayon nila Mommy at Daddy.

"Sige po. Aalis na ako," malamig kong saad bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay.

Tulala ako habang nakaupo sa aking upuan. Si Beatrice naman ay panay ang tanong sa akin kung maganda ba o ayos lang ang kanyang gawa. Umirap ako doon.

Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon