This chapter is dedicated to daniduazo. Enjoy reading!
~I woke up at 8 am just to make sure that my things are all fixed and arranged. Gustuhin ko mang dalhin ang iba ko pang gamit ngunit hindi na talaga kakayanin ng maleta ko. I really want to make sure that I'm really ready for this short vacation.
Mamayang gabi pa ang aming flight kaya I have all the time to arrange my things. I have travelled places and tourist attractions in other countries because Dad allowed me to go with him when he has something to do there. Actually, mas marami akong natravel sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas. So, I'm really hyped and excited because I can finally see other sceneries.
Naglista na rin ako sa isang notebook na mga puwede komg bilhin doon at gawing pasalubong kapag bumalik na ako. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit, pagod akong napaupo sa aking kama at minasahe ang aking balikat.
Nagutom ako kaya lumabas ako ng kwarto upang maghanap ng makakain. Hmm... I suddenly want to drink Milk Tea. It was a tiring morning for me but I still have my cravings. I was currently tying my hair with a hair tie while I made my way in the stairs since. Sobrang init kaso at pinagpapawisan na ako umaga palang. Nakababa na ako ng hagdanan nang maamoy ko ang nakakatakam na aroma mula sa kusina.
I unconsciously licked my lips. Parang hindi naman ganoon kapag nagluluto ang mga maids namin dito sa bahay. I slowly walked towards our kitchen. I almost gasped when I saw Silas there. Gumilid ako ng kaunti malapit sa pader upang hindi niya ako kaagad mapansin. So, he can cook?
Talagang marunong siyang magluto dahil suwabe ang paghawak niya sa knife at humihiwa doon. It was satisying for me to see this side of him. Marami pa pala talaga siyang kayang gawin. It was such a shame for me to think that he's just nothing because he came from a Province. But now here he is, nakakagulat na marami pala siyang kayang ipakita.
"Gutom ka na, 'no?" muntik an akong mapatalon nang bigla siyang nagsalita. Napaawang ang bibig ko dahil akala ko'y hindi niya ako mapapansin.
Tuluyan na akong lumapit doon at humatak ng upuan para makaupo. Nag-angat siya ng tingin mula sa kanyang ginagawa. My heart suddenly beats loudly. Nanliit ang mata niya habang nakatitig sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.
"Yes, kapagod kasi mag-ayos ng gamit," napanguso ako.
He chuckled before he continued to chop the carrots. Marami pang ibang gulay doon sa sink na mukhang nahugasan na niya. Tumayo ako para lumapit doon.
"Mas excited ka pa yata sa akin," wika niya.
"Of course who wouldn't be! I heard that your hometown is very beautiful and perfect for a vacation," sabi ko at sumandal doon sa sink.
"Matagalan mo kaya ang buhay doon? Hindi 'yon katulad dito sa Maynila," Silas explained and poured the sliced vegetables in the pan.
Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Wait... Iniisip ba niyang maarte ako? Baka naman iniisip niyang hindi ko makakayang manatili doon dahil nga probisnya at malayo sa siyudad. But that's what I'm looking for! A beautiful and relaxing place. Malayo sa lahat, malayo sa ingay, polusyon, stress at iba pa.
"What are you implying? I'm sure na mage-enjoy ako roon. At saka hindi ako maarte!" deklara ko sabay irap sa kanya.
Hindi siya sumagot ngunit naroon ns naman ang mapaglarong ngisi sa labi niya.
"Silas! Narinig mo ba 'ko?! Sabi ko hindi ako maarte!" lumapit pa ako sa kanya ng kaunti.
Huminga siya nang malalim bago ako hinarap. Ibinaba niya ang spatula sa gilid ng sink at humakbang pa sa akin. I bit my lower lip as I glared at him. Nanlambot ang tuhod ko nang itinukod niya ang isang palad niya sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomanceCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...