Chapter 27

1.2K 76 16
                                    

TThank you for reading.
~

I stared at Silas for a long time. Is he serious about this? Matalim ko siyang tinitigan nang makalayo ako sa kanya. Hinayaan naman niya ako sa gusto niyang mangyari ngunit nanunuya naman ang tingin sa akin pabalik.

"What are you thinking? Sa tingin mo sasakay ako riyan?! No way!" angil ko sa kanya.

The warm wind gently whisper and I can hear the rustling sound of the leaves from the trees. Silas bowed down as if he's thinking deeply. His brows are furrowed while his one hands brushed his lips. From that position, my eyes can roam freely on his manly body.

His rugged long-sleeved button-down gives me a glimpse of his muscled chest. It was tucked in his jeans. He's also wearing a leather boots that is perfectly matched on his outfit.

"Wala ka pa sigurong karanasan mangabayo, ano?" nanliit ang mga mata niya sa akin.

Marahas akong huminga nang malalim. I rolled my eyes at him.

"What do you think? I've never ride a horse before. Paano kung mahulog ako?" I spat at him.

My chest heaved up from my nonstop words that were coming out from my mouth. I was scared of the horse! I never had an experience on riding it. Paano kung magwala bigla? Damn! I'll probably hurt the innocent horse! Napasama pa ako sa lagay kong iyon!

"Hindi 'yon mangyayari. Saka nandito naman ako. Sa 'kin ka tiyak mahuhulog," he smirked at me.

My cheeks heated at his words. He really likes being like that! Kung anu-ano ang pinagsasasabi na wala namang kinalaman sa pinag-uusapan.

"Ewan ko sa 'yo!"

Tumawa lamang siya bago muling lumapit sa akin. Naramdaman ko ang maingat niyang haplos sa aking siko dahilan upang manghina ng todo ang aking sistema. Dinala niya ang kamay sa aking braso at doon marahang humaplos.

"Ayaw mo yata akong makasama ngayon," tunog pagtatampo iyon.

Napaawang ang bibig ko. It's not like that! Naisip pa niyang ayaw ko siyang makasama. I shut my eyes tightly, clearly affected at his words. Bahala na nga. At saka ito na ang chance para maayos na kami. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap tungkol doon.

He just watched me using his soft eyes. Parang gusto ko na lang ulit matulog kahit napakaaga pa.

"I am just worried about riding a horse. Don't think that way," nakayuko kong saad.

"Ako bahala sa 'yo. Kaya ko ring turuan ka kung paano mangabayo," he suggested.

I lift my eyes unto him and smiled lightly. Tumango na lamang ako. Naglakad na kami patungo sa kanyang kabayo. It's chestnut color is amazing. Mas napatunayan ko iyon nang makalapit na ako.

Silas urged me to touch him. I was hesitant a first but I gave it a try. Malambot ang balahibo nito sa aking palad. Namalayan ko na lamang na maamo nga ito.

"Iaakyat muna kita bago ako sumakay," he instructed me how I'll get up there.

He helped me with his hard arms with force. Napamura ako sa aking isipan nang saglit niyang nahaplos ang aking pang-upo. Malakas ang tibok ng puso ko nang tuluyan ng makaakyat doon.

"I-Is t-this okay?" I said nervously.

My feet are hanging on the sides of the body of the horse.

"Oo tama lang," wika niya.

Napatingin ako sa kanya sa ibaba, halos ang ulo lamang ang naigalaw ko. Inaayos niya ngayon ang sintas ng kanyang leather boots. Ang mga kamay ko ay nakalapag lamang sa aking mga hita.

Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon