Thanks for reading.
~Nangyari na ang mga bagay na kinakatakutan ko. Umuwi kami ng bahay noong gabing iyon. Umaga na nang dumating si Dad sa bahay. Kinausap nila ako tungkol sa pagtakas ko. I felt empty again. Mabilis na nangyari ang lahat.
"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?" Mom's cold voice asked me.
Nakayuko lamang ako sa harapan nila. Nagamot na ang mga sugat ko. Kahit masakit pa ang mga iyon, nagawa ko pa silang kausapin. Ayos na rin iyon para maipaliwanag ko ang lahat.
"And the worst part is you went into that place without informing us! Look what happened, you risk your life just to see that man. At ano itong sinasabi mo? Na mahal mo siya? Bakit? Anong mayroon sa inyong dalawa?" pagpapatuloy niya.
Das was seated in my room's couch. Nasa kama ako at katabi si Mommy. I licked my dried lips.
"We were in a relationship... I'm sorry. Hindi ko po agad nasabi iyon. I knew that I'm wrong, yet I chose to hide it. Sorry po talaga..." sa maliit at nanghihinang boses.
Nagsimula na naman pumatak ang mga luha ko. Hindi ko narinig nagsalita si Dad simula pa kanina. Tanging si Mommy lamang ang kumakausap sa akin. That is already a warning for me that Dad was angry about it. Siya ang pinakanaapektuhan. Mas matindi pa kaysa kay Mom.
And I was so scared that it might lead to worse hings. Natatakot ako para kay Silas at sa pamilya niya. Mom kissed my temple.
"You'll forget about it. Give time to rest, you need it. Huwag mo munang isipin ang ibang bagay. For now, please take a rest okay?" she whispered.
Tumango lamang ako. Narinig ko na naman ang salitang pinaka ayaw ko. Ang makalimot. Siguro nga ay maaga pa para sa lahat. But tquestions were running on my mind. Can I really forget all the memories that we had? Paano kung hindi?
Tumayo sila ni Dad at nagtungo sa pintuan. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanila.
"Dad..." I called him.
He immediately halted and looked at me. His eyes were merciless. Hindi nga ako nagkamali ng hinala.
"I-I'm sorry po..."
"No. Forgive me, princess. These are the things that I can't tolerate you with. Silas needs to leave this house. I'll remove his scholarship for what he have done to you," he said.
Namilog ang mga mata ko. I pursed my lips trying to hide my disappointed look.
"It's not his fault. Please... Let him finish his College. Ako po ang may kasalanan kaya sa akin na lamang po ang parusa. Please..." naiiyak ko nang wika.
Mom touched my father's arms. Pinunasan ko ang mga luha ko mula sa aking pisngi.
"My decision's final. He clearly manipulated you. Nakausap ko si Rogaciano. Totoong bumuo ng plano ang anak niya kasama si Silas. That's his fault."
Umiling lamang ako habang patuloy na lumuluha.
"Ako na lang po. Please."
"You'll never see him again, Laurie. That is your punishment. Take a rest now," he said in a dismissive tone. They left my room after that.
Nanikip ng husto ang aking dibdib. Umiyao na lamang ako sa aking mga unan. There are so many regrets that I'm feeling. It was unending. Parang wala ng katapusan ang mga iyon.
Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko noong mga sumunod na araw. I kept myself busy with those school works.
Naging usap usapan sa loob ng school ang nangyari kaya mas lalo akong nanlumo. Beatrice had made sure that she's on my side. Ganoon din ang mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomansCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...