Pagkatapos ng isang mahabang araw at mga ilang subjects, nagdesisyon akong hintayin si Silas sa katapat lamang ng building niya. Mayroong bench doon kaya doon ako umupo. I glanced at my wristwatch and saw that five minutes more, their classes will end. Buti na lamang ay may whiteboard doon at nakadikit ang schedules ng bawat department.
Unlike Silas, mas maaga ang uwian namin kaysa kanila. Hindi naman gaanong mahaba ang paghihintay so I waited for him patiently. Hindi ko rin naman maiwanan dahil for sure, my parents will be mad.
I sighed heavily as I realized some changes in my school life. But I guess it was fine.
Hindi na rin ako nahintay ni Beatrice dahil sa project niya. She was problematic and decided to went home early for her to prepare. Ako naman ay chill lang. Kayang kaya ko 'yon.
Hindi nagtagal ay nakita ko na ang mga college students na isa-isang naglalabasan. I stood up and craned my neck to look for him. Some of the students greets me and I will smile back to them.
I even saw a guy wearing thick glasses as he waved his hand at me. Ngumiti ako pabalik at kumaway din. I saw his cheeks flushed a bit. Napayuko siya at napahaplos na lamang sa batok. Napailing na lamang ako at ngumiwi.
"Ayun si Laurie, oh."
Napabaling ako sa isang banda kung saan ko narinig ang pangalan ko. Hindi ko inaasahan na sila Kuya Gab ang naroon. Lumapit sila sa akin at mas lalo akong nagulat nang makita si Silas na nasa likuran nila. Si Kuya Dexter ay naka-jersey pa rin ngunit bagong palit na.
"Uhm... H-Hey," nauutal kong wika habang pabalik-balik ang tingin sa kanila.
I'm so dumbfounded for this. Kumunot ang noo ko nang makitang mukhang komportable agad ang aking mga pinsan sa kaniya. Nakaakbay pa nga si Kuya Goyo sa balikat ni Silas.
"Kanina ka pa dito?" Kuya Dexter asked.
Mabilis akong umiling at sinubukang ngumiti. I can feel his stares at me and I'm not really comfortable for that.
"Hindi naman. Nandyan na kasi si Kuya Fred sa labas at sabay kami ni Silas umuwi," sabi ko at dumako ang tingin kay Silas na ngayon ay madilim na naman ang mga titig.
"You didn't tell us that he was Tito Luis' scholar?" Kuya Hadeon said darkly. I can sense danger in his tone.
Damn! I'll never get used to him. Sa lahat talaga ng pinsan ko, siya ang pinakamahirap pakisamahan. Tahimik lamang siya ngunit may pagkastrikto.
"Chill. This guy must be kind that Tito Luis offered him a scholarship here in Manila. Balita ko ay galing pa siya sa probinsya," saad ni Kuya Gab na ngayon ay nakatingin na rin kay Silas. He was crossing his arms infront of his chest.
"Kung ganoon, mauna na kami," wika ni Silas at lumakad patungo sa akin.
Narinig kong sumipol si Kuya Goyo habang ang iba naman ay nakangisi na lamang sa amin. Seryoso naman akong tinignan ni Kuya Hadeon.
"Take care of her, Silas. Papanagutan mo 'yan kapag may nangyaring masama," sabi ni Kuya Xander na nakangisi rin.
Sumipol muli sila. Nakita kong nag-apir pa sina Kuya Goyo at Kuya Dexter. Umiling na lamang ako at nagdesisyon ng umalis. Nagpaalam kami at tahimik na lamang habang naglalakad patungo sa aming sasakyan.
"Kumusta ang unang araw, Silas?" nakangiting wika ni Kuya Fred habang pinagbubuksan kami ng pintuan.
"Ayos lang po. Mababait naman ang mga estudyante," he replied.
Pumasok na ako sa loob at doon muli sa dating puwesto. Tumingin ako sa kanya ng napansing hindi pa siya sumusunod. Muntik na naman akong atakihin sa puso nang makitang nakatingin na naman siya sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya kaya hirap akong intindihin siya.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomansaCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...