Chapter 15

1.4K 115 67
                                    

This chapter is dedicated to Modernong_Writer Enjoy!
~

Wala akong maramdaman na kahit ano bukod sa kaba at takot habang nakasakay kami sa aming sasakyan pauwi ng bahay. Mas lalong nadagdagan iyon nang mapansing sobrang tahimik at seryoso lamang ni Silas.

I can always see his jaw clenching whenever I took a glance on him. Pagkadating sa bahay, nauna na akong bumaba at mabilis na umakyat sa aking kwarto. Malalim akong nag-isip sa aking kwarto kung ano ang sasabihin ko kay Silas sakaling magtanong siya. Panigurado nito, kakabahan lang ako at sa huli'y 'di na makasagot.

Napakagat ako sa labi habang iniisip iyon. I checked my phone for any text messages because I'm really bothered by Beatrice too. Nang walang makita, nagbihis ako ng komportableng damit na cotton short at isang sky blue t-shirt. Naghilamos din ako at nagsuklay ng buhok.

Iniisip ko pa rin kung anong gagawin ko kung sakaling magka-usap kami ni Silas. Napapikit ako nang mariin sa sobrang frustration.

Takasan ko na lang kaya? O kaya iwasan? But that's impossible since we're living in the same roof!

I was sitting on my bed while combing my hair when my phone vibrated. Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang mensahe. Halos hindi na ako makagalaw nang mabasa iyon.

Oh shit!

Silas:

Mag-usap tayo tungkol doon sa nangyari sa'yo. Kung sa tingin mong palalagpasin ko 'yon, nagkakamali ka.

Ito na nga ba sinsabi ko, eh! Parang gusto ko na lang umatras at magtago lalo na ngayong galit siya. Kinakabahan na talaga ako ngayon pa lang, paano na kaya 'pag kaharap ko na siya? Silas is very different when he's all serious or angry. Para sa akin, nag-iiba talaga siya at hindi siya ang Silas na nakilala ko kapag ganoon siya.

Lumabas ako ng kwarto, kabado at hindi malaman ang gagawin. Nawala lamang ang lahat ng inaalala ko nang makasalubong ko si Mommy sa hallway malapit sa office ni Daddy.

"Mom, andiyan na po pala kayo," agad akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi. Napansin ko ang dala niyang tray na may tasa at platito na may nakapatong na bread.

"Maaga kami ngayon dahil mabilis natapos ang meetings at schedules namin ng Daddy mo. Halika, pasok tayo sa loob. Kasama ng Daddy mo si Silas," pag-aaya niya at ngumiti sa akin.

I swallowed hard and gathered my strength to prepare for the unknown battle. Dapat talaga hindi makita ni Silas na nagpapaapekto ako sa kanya at wala lamang ang lahat ng nararamdaman ko. I should composed myself infront of him.

Naunang pumasok si Mommy sa loob bago ako sumunod sa kanya. Naabutan kong seryosong nag-uusap si Daddy at Silas sa kung ano. Napairap naman ako sa nakita ko. Wala pa rin talagang magbabago sa lahat ng ito dahil halatang palagay na ang loob nila sa isa't-isa.

They were seated in the sofa of the office when Dad noticed us. Nailapag na ni Mommy ang tray sa mesa bago siya umupo sa tabi ni Dad. Nakita ko na mabilis na naipulupot ni Dad ang kanyang bisig sa bewang ni Mommy.

"Maupo ka, Laurie. I heard that your Christmas break will start a week from now. I was planning that we could take a break in the hometown of Silas," Dad said and gestured the seat beside Silas.

Oh no. Sana huwag ng mabanggit ni Silas ang nabalitaan niya sa akin sa school. Nangangatog man ang tuhod, pinilit ko pa rin na makalapit sa tabi ni Silas. I can feel his intense stares at me. Parang bawat galaw ko ay sinusuri niya at walang makakalagpas sa tingin niyang iyon.

Marahan akong umupo sa tabi niya at diretsong tumingin kila Mommy. Nasa kabilang side sila ng sofa nakaupo at kaharap namin sila ngayon.

"Kung umabot tayo ng January doon, mas okay siguro kung mag-celebrate na rin tayo ng birthday mo roon," Mom said to Dad.

Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon