Chapter 53

1.4K 65 36
                                    

This chapter is dedicated to iam_guardianangel21. Enjoy reading!
~

Lumakas ang bulungan ng mga taong nakasaksi. Hindi pa rin ako gumagalaw sa akin kinatatayuan. I saw some droplets of wine on my exposed thigh. Nanginig ako nang umihip ang hangin.

"Silas, ang babaeng ito ay walang kahihiyan. May plano pa yatang sirain muli ang buhay mo..." pag-aakusa sa akin ni Nanay Hermana.

To hear those words from her made my heart clenched in pain. Pakiramdam ko wala na akong kakampi sa lugar na ito. Purong awa at lungkot ang nasulyapan ko sa mga mata nila. Huminga ako nang malalim. Sana matapos na ang gabing ito.

In a flash, I smelled his manly scent beside me. His warm body gave home to my cold skin. Hinubad ni Silas ang kanyang coat at mabilis na ibinalot sa akin. I looked at him miserably. His eyes were merciless and cold. Gumalaw ang kanyang panga. He is breathing hard.

"Silas," humawak ako sa kanyang braso.

"Naririnig mo ba ako, anak? Magiging magulo ang buhay mo kung pipiliin mo siya! Kaya bitawan mo na siya, ngayon din!" his mother screamed when Silas starts to wipe my things.

"Are you okay? Iuuwi na kita," bulong niya.

Dumako ang kanyang mata sa mga mata ko. I licked my lips and lookes at him wearily.

"Ang mama mo," mahinang wika ko.

Umiling siya habang patuloy sa pagpupunas. Marahan ang mga galaw niya na nagpakalma sa akin. I saw Krisanta Sy from a corner. She was standing there, looking at us. Her eyes shine through the dim lights in that corner. Umiwas siya ng tingin nang maabutan kong pumatak ang kanyang luha.

"Silas, bitawan mo sabi siya!"

He didn't even glance at his mother despite of her rants. After drying my exposed skin, he hooked his arms on my legs. Napatili ako nang inangat niya ang aking katawan ng walang kahirap hirap.

"Hermana, tama na. Hayaan mo na sila," maging si Tito Silvano ay lumapit na sa kanyang asawa. Sinubukang lumapit sa amin ni Nanay Hermana nang magsimulang maglakad si Silas.

I immediately put my arms around his neck and leaned on his chest. I don't care about the people who were staring at us. What matters to me is the loud thumping heart of Silas in his chest.

"Your mother is extremely mad at me for what I've done to you in the past," panimula ko.

He muttered at curse and his hands gripped on my legs tightly. Maliwanag ang buwan ngayong gabi sa kalangitan. The clouds were scattered freely. I stared at Silas's face.

"Ako ang sumira sa iyo, Silas," mapait kong wika bago kinagat ang labi.

"Tss. Stop it, Laurie. Handa akong masira basta ba ikaw ang muling bubuo sa akin. Baby, tear me down whenever you want to, okay?" he planted a kiss on my temple as he opened his car door.

Hindi ako nakapagsalita at hinayaan siyang mailapag ako sa upuan na katabi ng driver's seat. He made sure to put the seatbelt around my body. Nagbaba ako ng tingn nang huminto siya pagkatapos maisuot ang seatbelt.

"Huwag mo ng isipin iyon. Mas mahalaga ang opinyon ko kaysa iba, kaya huwag ka nang mag-alala," paos niyang wika at hinawi ang buhok na nakatabing sa aking mukha.

Tumango ako at tipid siyang nginitian. Isinarado niya ang pintuan bago naglakad patungong driver's seat. He started the engine and drove off. My hands gripped on his coat around my shoulders. We were both silent throught out the whole drive.

"Uhm... Sa bandang kaliwa ang condominium na tinutuluyan ko," itinuro ko ang direksiyon nang makarating kamia sa intersection.

Namilog ang mga mata ko nang idiniretso niya ang sasakyan. Napasulyap ako sa kanya na patuloy pa rin sa pagmamaneho. He smirked playfully upon seeing my reaction.

Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon