Chapter 30

1.2K 62 14
                                    

This chapter is dedicated to 1415batman. Enjoy reading guys. Sorry for late update.
~

My body moved lazily that Monday morning. I was still expecting that I'll not see Mara during the whole day. Pinalad naman yata ako dahil walang Mara na nagpakita sa akin. Our subject teachers said that there will unfinished discussion that will resume. I silently groaned in annoyance because I don't feel like doing it. Pinilit ko pa talaga ang sarili ko na makinig dahil kasama naman iyon sa exams.

Our teacher in Social Studies kept explaining things as she wrote in our blackboard. Sinulat ko naman ang mga impormasyon na iyon sa aking notebook ngunit napakagat na lamang ng labi dahil aking napansin.

Shit! Hindi ko na yata alam kung paano magsulat! Is this the effect of my vacation? Bahagya pang nanginig ang kamay kong may hawak na ballpen. Napailing na lamang ako sa sarili.

"I expect that you wrote down the details of our lesson today. Get ready for a long quiz next meeting. Goodbye class," our teacher said in a dismissive tone.

We stood up and said our goodbyes to her. When our teacher walked out, groans amd murmurs were heard in the room. I smirked to them. Mga halatang nasa vacation mode pa sila.

"Grabe talaga 'yang si Ma'am Bonifacio! Long quiz agad!" Beatrice ranted.

Bumaling ako sa kanya at nakitang inaayos na niya ang nga gamit niya sa desk. Ganoon na rin ang ginawa ko. My phone beeped in my pockets. I grabbed my phone to check at it.

Silas:

Good morning! Huwag mo kalimutang magrecess, ah.

I smiled to myself. I was typing a message for him when a new message popped. Napairap ako agad nang makita iyon.

Hendrick:

I'll wait for you in the canteen. Let's eat together, okay? No excuses.

Napataas ang kilay ko. It seems like he's really determined to do what he said last time. Akala ba niya papayagan ko talaga siya kapag ginawa niya ang mga ganitong bagay? Hendrick is handsome alright. With his boyish smile, gentle eyes, and incredible aura, he can attract anyone without knowing.

Ngunit iba pa rin sa akin si Silas. Ang mga mapupungay na mata niya at mapaglarong ngisi ang pinakagusto ko sa kanya. Nariyan din ang pusong nagwawala kapag lumalapit siya.

I giggled at my thoughts. I continued to type a message for Silas. Hindi ko nireplayan si Hendrick.

"Alam mo, nacu-curious talaga ako kung anong lasa ng Dalgona. Sana talaga may ganoong ibinebenta sa canteen," wika sa aking tabi ni Beatrice.

Nasa hallway na kami ng aming room upang magtungo sa canteen. Panay ang kuwento niya sa akin tungkol sa naging bakasyon niya sa Bicol at ngayon naman, napunta sa pagkain ang aming pinag-uusapan.

"I actually like the taste of coffee Dalgona. If you want, samahan kita sa weekend para matikman mo rin iyon," suhestiyon ko ss kanya.

"Sure! Sabi mo 'yan, ah! Namiss ko na talagang gumala kasama ka," she said and hugged me tightly.

Napangiwi ako dahil napili pa niya akong yakapin sa tapat mismo ng entrance ng canteen. Tumawa na lamang ako sa kaharutan niya. Humanap muli kami ng table. Nakakita namin kami agad ngunit parehas kaming napahinto nang makitang may bakante pa roon sa lamesa kaya nga lang, may mga nakaupo ng lalaki roon sa kabilang bahagi.

"Teka, sila Kuya Goyo naman iyon. Puwede naman siguro tayo maki-upo," hinawakan ko ang braso ni Beatrice nang tumalikod siya at sinubukang maghanap muli ng lamesa.

Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon