This chapter is dedicated to @SkyeKnightttt. Finally, nakapag-update na. Enjoy reading. Just comment your name for dedications. Thank you.
~We were both breathing calmly as we look at each other after the hug. Para akong nawawala sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. I looked down.
"Bati na tayo?" mahinang sambit ko ngunit sapat na para marinig niya. Medyo hindi pa komportable ang pagkakasabi ko niyon.
Hindi siya sumagot at naramdaman ko na lamang ang marahang pag-angat niya sa baba ko. I swallowed hard at that. Damn! Heto na naman ang puso ko.
"Hmm?"
Mapupungay ang mga mata niya ngunit nakitaan ko rin iyon ng pagtatanong. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Ang sabi ko, bati na ba tayo? I mean, okay na ba ang lahat sa atin?"
I wanted to be okay with him. Para sa akin, sobrang hirap kumilos kapag hindi kami ayos. It's like something from me is currently in chaos. Nagugulo ang sistema ko at parang mababaliw na ako kapag nagpatuloy iyon.
Narinig ko ang paghalakhak niya niya kaya napakunot ang noo ko. Nakakainis naman. Parang natutuwa pa siya ngayon? Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong kabahan.
"Ano ba ang gusto mo?"
Napakagat ako ng labi nang mapansing masyado siyang nakatitig sa akin. Parang pinipilit ko na lang talagang maging ayos sa paningin niya pero ang totoo, nagkakagulo ang sistema ko.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"Gusto ko sanang maging okay na tayo. I mean, 'yung hindi nag-aaway," wika ko. Nakita ko kung paano niya hawiin ang buhok niya nang bahagyang hinangin iyon.
Tumango siya sa akin na para bang naiintindihan ang sinasabi ko.
"Kung iyon ang gusto mo, ganoon na rin ang akin."
Huminga ako ng malalim at tumango na rin. Malapit ng dumilim ang paligid kung kaya't nagdesisyon na kaming umalis upang makauwi na kami.
Pagdating sa bahay, hindi ko maiwasang problemahin ang aking project. Isang araw na lamang ang mayroon ako upang makagawa muli ng panibago. Umahon ang galit sa akin nang maalala ang ginawa nila Mara. Dapat naman talagang ma-report ko sila sa Guidance. They bullied me.
Bigla akong pinanghinaan ng loob kapag naiisip ang lahat ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang araw.
But then, I remembered my one subject teacher who is great in counseling students. Fear, anxiety, loneliness are some of the great battles of the teens today.
Hindi ko alam pero nagiging interesado ako sa mga bagay na ganoon ang pinag-uusapan. I just found myself listening to the discussion seriously.
Those were battles that teens have to make actions to conquer it. Afterall, it was all in their minds to fully win the battle. Kaya kung iisipin ko ang mga bagay na nararanasan ko ngayon, baka matagpuan ko na lang ang sarili ko na talunan na.
But of course, I am Laurie. I am born with a full armor in my heart and mind. Sa sobrang tatag, walang makakabuwag. That moment, I started to realize that I am strong.
Stronger than those bitches!
If they want to humiliate me, then go. But they have to make sure to do some efforts. Masyadong mababaw pa nga ang ginawa nila sa akin.
They have to do it in a blur because when I got my chance to do it in return, they might probably quiver in fear and kick their ass off from this planet.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomanceCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...