This chapter is dedicated to candylollipops18. Enjoy reading guys.
~Hendrick spent his time in my office. Doon din siya nagtatrabaho gaya ko. He didn't waste any chance to be with me. Noong nagkaroon muli ng ilang meetings nang mga sumunod na araw, palagi na siyang nakadikit sa akin.
"Madam, kayo na po ba ni Sir Hendrick?" tanong sa akin ni Carol nang minsang pumasok siya sa loob ng opisina.
Naitigil ko ang pagtatype sa aking laptop. Nasa isang meeting pa si Hendrick ngayon ngunit matatapos na rin naman na agad iyon. Dalawang oras na ang nakalipas at malapit na ang lunch.
"Uh... Manliligaw pa lang, Carol."
She flashed a warm smile. I looked at her and pouted. Eh siya kaya? Kailan? Sa ilang taon na ako ang nanungkulan sa kompanya, kaibigan rin ang itinuring ko sa kanya.
"Ayos po 'yan, Madam. You've been spending your time in the company. Kaya magandang balita po na may manliligaw ka. Boto po ako kay Sir Hendrick!"
I laughed at her cuteness. We both returned to our works. I sighed and fixed my eyes on my laptop. I knew it. I need to give time for myself. A time wherein I can refresh and start again. And that would be giving Hendrick a chance. Ngunit sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari noon.
Ang pangyayaring nagdulot sa akin ng matinding kaba at kalungkutan. Lahat ng iyon nasaksihan ko dahil sa pagmamahal. Kumusta na kaya si Mara? I remembered that she left Azagra that night. Lumipat siya ng school at lumipad din ng ibang bansa.
I still have doubts. Not only for this decision that I had but also for myself. Makakaya ko nga bang pumasok muli sa isang relasyon? Iyon lang naman ang naiisip kong patutunguhan ng panliligaw ni Hendrick.
My door opened. Nagbaba ako ng tingin sa laptop at tinapos na ang mga huling dapat itype.
"I'm done. How 'bout you?"
I smiled and closed my laptop after finishing typing there. Iginilid ko ito sa lamesa bago ibinalik ang tingin kay Hendrick.
"Tapos na rin. Mag-oorder na lang ba tayo?"
He crouched on my desk. Tinaasan ko siya ng kilay, may ikinukubli ng ngiti sa aking labi. Humalakhak siya. He finds me amusing whenever my brows were arched up.
"I'll bring you to a restaurant. Bukas magbabaon ako para sa ating dalawa," he licked his lower lip and bit it.
Umirap ako at tumayo na. Kinuha ko ang aking bag at isinabit sa braso. We walked in the elevator. Nasabay pa namin ang ilang employees doon kaya nakaramdam ako ng pagka-asiwa.
Nitong mga nakaraang araw, kumalat ang balita na nanliligaw si Hendrick. I can feel their stares at us. Tumikhim ako. Itinuon ang atensyon sa pinto ng elevator.
"Hey, you look stiff," he chuckled near my ear.
Tiningnan ko siya nang masama. Bahagyang gumilid upang makaiwas. Lalo siyang naaliw sa ginawa kong iyon. Namilog ang mga mata ko sa paghapit niya sa aking bewang gamit ang isang kamay. I felt his sides on my waist.
"What the fuck Hendrick?" gigil kong bulong.
I heard some giggles from the employees. Most of them are girls. My face heated and stayed quiet. Nakarating kami sa kanyang sasakyan. He was now driving quietly. Alam niyang nainis ako kanina.
Malalim ang hininga ko, kalmado na ngayon. Sumulyap ako sa kanya at pilit na ngumiti.
"Saan ba tayo?"
His tongue grazed the insides of his cheek. Slowly, a smile crept on his lips.
"Hindi ka na galit?"
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomanceCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...