Thank you for reading.
~They say that no matter how long the distance between the two destined hearts, they will still beat the same rhythm for them to be connected with each other. Nababaliw na yata ang puso ko dahil sobrang lakas ng tibok nito. I was stunned for minutes. I am very much aware of Silas' capabilities but seeing him like this, it made me breathless.
Kung hindi gumalaw ang bata sa aking bisig, hindi pa talaga ako makagagalaw sa aking kinatatayuan. The child continued to wigggled his body in my arms so I chose to put him down.
"Karlo! Nasa'n kang bata ka?!" an angry voice made me flipped. I saw a middle-aged woman wandering her eyes in the wide shore of the sea.
Tumawa ang bata saka patakbong lumapit sa kinaroroonan ng babae. The woman noticed him and immediately embraced the child. May dala siyang towel, ipinunas niya iyon sa pawisang mukha ng bata. I smiled at the sight.
"Ikaw bata ka, kung saan-saan sumusuot. Kapapalit mo lang ng damit," kausap na ng babae ang batang lalaki na hawak ko kanina. Nakita kong tinignan ako ng babae habang pinupunasan ng pawis ang bata. Nakakunot ang noo na para bang kinikilala ako. Inalis niya ang tingin sa akin at binuhat na ang bata. Naglakad na sila palayo sa akin.
Isang malupit na hangin ang aking nadama kasabay ng marahang paghampas ng alon. The sound of the waves soothed my ears. Papalubog na ang araw nang tumingin ako sa kalangitan.
Naglakad ako patungo doon sa bangkang nakita ko kanina. Wala na ang mga bata doon. Naiwan na lamang ang isang lalaking hinahatak ang lubid na nakakabit sa bangka. Sumadsad ang dulo ng bangka sa buhangin kaya tumigil na ang lalaki sa paghatak ng lubid.
Nahalata ko ang gulat sa mukha niya nang humarap na siya. My eyes widen when I saw some features of his face that resemble someone.
I was about to open my mouth to say something when I heard my Mom's voice in my back.
"Silvano, kumusta ang pangingisda?" Mom asked.
Inilipat ng lalako ang tingin mula sa akin patungo kila Mommy na naglalakad na patungo sa amin. Nasa likuran si Daddy, nakapamulsa. Gumilid ako nang makarating na sila.
"Marami ang huli namin ni Silas ngayong hapon. Mabuti at nakarating na kayo," bumalik muli ang tingin sa akin ng lalaki.
So, he's the father of Silas. Mata pa lang, kitang kita ko na ang pagkakapareho. Mas mapungay nga lang ang mga mata ni Silas.
"Siya ba ang panganay niyo?" the man asked.
Napatuwid agad ako ng tayo.
"Nag-iisa lang naman 'yan. Laurie, anak siya ang tatay ni Silas," Mom turned to me.
Tumikhim muna ako. I was not prepared for this. 'Di bale, magpapakilala lang naman ako. Act natural, Laurie.
"Uhm... Hello po. Ako po si Laurie," pagpapakilala ko sa sarili, nakatago na ang mga kamay sa aking likod.
The man stared at me before flashing a smirk. I swallowed hard thinking that I introduced myself like a kid! Matangkad siya, kayumanggi ang balat at mayroong matalas na mga mata.
"Mabait naman ba si Silas sa 'yo?" tunog pang-aasar ang boses niya habang naninimbang ang tingin sa akin.
Humalakhak si Das sa aking likuran, mukhang natutuwa akong pagmasdan na halos hindi na makagalaw. I just find him intimadating just like the first time I've met Silas. Feeling ko, hindi ako puwedeng magsinungaling sa kanya.
"Mabait naman po," nakurot ko na ang sariling palad dahil halatang kabado ako.
"Natatakot yata sa 'yo 'tong anak ko, Silvano," Dad said.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomanceCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...