I am glad that you are here in the last chapter of this book. Don't worry, there is an Epilogue for this. Magkita-kita tayo roon. Also, there is a note after posting the Epilogue. I hope you enjoyed reading this book.
This chapter is dedicated to Goodgirl__24. Enjoy reading guys!
~"Congratulations, Ms. Mendoza! Successful ang skyscraper!" one of our investors said.
I smiled and continued to fix my things. Katatapos lamang ng aming meeting. It was a very long meeting. Late na kami maglu-lunch ngayon. After launching a big project in Azagra, many businessmen became interested on us.
"Of course it will be. That building was designed by our finest Engineers and headed by Mr. Alcalde. Automatic na iyon," sabay halakhak ng isa ring investor.
"Yes, you can say that but your unending trust and support for the company made it more successful. So, thank you for that," I said.
The Engineering Department got so busy these days. Full pack sila ngayon kaya nagdesisyon akong maghatid sa kanila ng libreng pagkain para sa tanghalian. I ordered it by a restaurant owned by Ate Chanel. She didn't expect the number of orders but she was delighted about it.
"Heto na ang mga orders. Nagdagdag ako ng garlic bread para sa kanila. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong kadaming orders."
"Naku! Nakakahiya naman sa iyo, Ate Chanel," I said while picking up the plastics. Nasa labas si Silas ngunit nang makita ako na nagbubuhat na, pumasok siya sa loob at tinulungan na ako.
"Salamat, Laurie!" kumaway si Ate Chanel sa amin.
Dala ni Silas ang kanyang sasakyan. Pumasok kami sa loob at nagmaneho na siya.
"Ang daming pumuri sa ginawa niyong skyscraper. I am so proud of you, Silas," I said out of the blue.
He chuckled and held my palm through his right hand. Ngumuso na ako at hinawakan din iyon.
"Thank you, baby. I am glad that I impressed you," mapaglaro ang ngisi niya sa akin.
Suminghap ako, sinulyapan siya. Nakita niya ang pag-ikot ng mata ko.
"Oo na, hangang hanga na ako sa iyo," sabi ko.
Dumating kami bitbit ang mga plastic. Two employees saw us and helped us with the plastics. We distributed those with the Engineers. Tuwang tuwa sila at iba'y tinutudyo kami.
"Madam, salamat po sa pakain. Sana araw-araw na po ito!"
Humagalpak ang isa.
"Tumahimik ka nga, baka di na masundan. Pero, salamat po sa inyong dalawa. Bagay po kayong mag-asawa!"
Everybody roared with a laugh. Nag-init ang mukha ko sa mga panunuya nila. Minsan lang ako madaan sa work area nila at hindi ko alam na ganito pala kasaya rito. Silas will only laugh at them for their teasing. Hindi na ako nakapagsalita pa.
"No more teasings for her. Baka hindi magpatali sa akin," seryoso niya iyong sinabi ngunit hindi nakalagpas sa akin ang pagsilay ng ngiti niya.
Nagkagulo muli silang lahat at kinantyawan kami. Ang mga babae ay parang kinikilig na rin sa amin. After that, we returned to my office. We also bought our lunch and ate there.
"I already took a leave from work. I will fetch you tomorrow," sabi niya habang kumakain kami.
I sipped my water. Nagulat ako nang kinuha niya ang akin at doon din uminom. Tumaas ang kilay niya at inilapag muli iyon sa lamesa.
"Nakapag-ayos na ako ng gamit. I'll call you," wika ko sa kanya.
Nabusog na ako kaya ibinigay ko sa kanya ang hindi ko naubos na pasta. He ate it all. I took a picture of him eating it. Nagtaas siya ng tingin sa akin at nag-peace sign pa siya. Tumawa ako at agad na nag-post.
BINABASA MO ANG
Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)
RomanceCOMPLETED✓ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki siya na buhay prinsesa ngunit nagbago ang lahat nang maranasan niya ang buhay sa lugar ng Azagra. Sh...