Epilogue

2.5K 98 37
                                    

Thank you very much for reading this book! I can't describe in words what I am feeling right now. Thank you for being with me in this journey. Please read my note after this. Enjoy reading.

This Epilogue is dedicated to all of you who witness this couple's heavenly harmonies.
~

"Silas..."

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Magaling ako sa pagkontrol ng galit ngunit ang makitang umiiyak sa takot si Mara, parang gusto ko na lamang maging bayolente.

"Ayoko na rito. This place will always be a nightmare for me. Kung hindi ako nakatakas..." pumalahaw muli siya ng iyak.

Ibinalot ko siya sa isang mahigpit na yakap. Putangina, malaki ba talaga ang galit nila sa mga Buenaventura? Noong gabing iyon, patuloy lamang sa pag-iyak si Mara. Ayaw kong iwan siya mag-isa ngunit kinailangan na naming maghiwalay.

"Hindi pa naibibigay ang sahod sa amin. May bayarin pa itong si bunso. Anak, kailangan mo na ba talagang bayaran iyon sa Huwebes?" wika ni Mama nang nakarating ako sa bahay.

Unang taon ko na sa kolehiyo. Hindi pa natatapos ang unang semestre, may babayaran na namang muli. Sa aming pamilya, tiyaga at pagtitipid sa pera ang pinakamahalaga.

Araw-araw man akong magsaka sa bukirin, magtanim ng binhi ng palay, maghayupan, katotohanan ang hindi sapat iyon upang makapag-aral at makatulong sa pamilya.

"Papa! Ako na po magbubuhat niyan," kaagad na tumayo si Anjhela upang lapitan si Papa na may buhat na balde ng isda.

Ako na ang lumapit at pinabalik na muli sa upuan si Anjhela. Kinuha ko ang balde mula kay Papa. Seryoso ang mukha nito haban nagpupunas ng pawis sa kanyang mukha.

"Bayaran mo na iyon, Silas. Iyong sukli nito, ipambaon mo."

Nag-abot si Papa ng pera sa aking palad. Nagtagis ang bagang ko nang mahawakan ang salapi. Nagbaba ng tingin at huminga ako nang malalim.

"May kinita po ako sa pagsasaka, Pa. Ibibigay ko na lang kay bunso.Wala pang uniporme, maliit na sa kanya iyong luma."

Mayaman ang kalikasan dito sa Azagra. Mataba ang lupa, bagay na bagay sa mga pananim. Ang malawak na dagat na tahanan ng mga isdang aming nahuhuli. Dahil tabing-dagat, pangingisda ang pangunahing trabaho. Pero madalas ay nasa bukid ako.

"Magpasa ka ng dokumento mo, Silas. Mayaman si Ser Luis kaya matutulungan ka sa pag-aaral. Pero ang sabi, mage-exam ka muna," sabi ni Mama na malawak ang ngiti.

Tumitig ako sa aking ina. Kailan ko nga ba huling nakita ang ngiting iyon? Kadalasan kasi ay puno ng pag-aalala at lungkot ang mukha. Magkunwari man siyang masaya minsan, hindi ako papaloko roon.

"Sige po, Ma. Aayusin ko agad ang mga dokumento."

Mendoza raw ang pangalan ng pamilyang tumutulong para sa aming kapos sa pera. Usap usapan iyon sa isla kaya marami ang interesado.

Ngunit karamihan ay hindi talaga nakapag-aral o nahinto sa kalagitnaan ng taon nila. Lumabas ang resulta ng exam, marami ang hindi natanggap at bumagsak.

"Congratulations! Nakapasa ka. You have met the expected average," Mrs. Mendoza said to me.

Sa tabi niya ay ang kanyang asawa na parehong nasa aming bahay. Ibinigay sa akin ang papel kung nasaan ang resulta.

Pinaghalong saya at pag-asa ang aking nadama. Napadako ang aking tingin kila Mama na nakaupo sa gilid ko. Bakas sa kanila ang kasiyahan.

Mariin akong pumikit. Mawawalay ako sa kanila nang matagal. Dapat nga ba akong matuwa sa balitang ito?

Encircled with Warmth (Heavenly Harmonies Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon