Chapter 10

3 1 0
                                    

November

"Hoy! Gumising ka na diyan. Gabi na oh? Umuwi na tayo." Narinig kong gising sa akin nang isang boses, pero hindi ko ito pinansin at tinalikuran lamang ito. "Kailangan ko pa atang tawagan si Commander ah." Rinig kong saad nito, kaya biglang nagising yung diwa ko at bigla akong parang hinila sa kinahihigaan ko at napatayo nang biglaan. Kaya kamuntikan pa akong matumba at mawalan nang balanse, buti nalang at nahawakan kaagad ako nang mokong sa kamay ko at napatayo ako nito nang tuwid.
Bumitaw naman ako sa kanya pagkatapos.

"Di ko kailangan nang tulong mo. Nabalanse ko naman na ang sarili ko iih." Walang ganang sagot ko sa kanya, pero sumama lang ang tingin nito sa akin. Asa naman siyang matatakot ako. Boplaks niya!
Lumabas ako nang kwartong tinuluyan namin kanina at iniwan siya doon. Bahala siya kung anong magiging reaksyon niya, para namang takot ako sa kanya.

"Tch! Siya na nga tong ginising... Bwisit na babaeng yun?!" Narinig kong saad niya bago siya tuluyang lumabas, at kita ko naman yung gulat sa mukha niya nang makita niya akong nakatitig sa kanya. "Oh, bakit ganyan ka makatingin? Ganoon ka na ba ka gwapong-gwapo sa akin?" Pagyayabang niya sa akin.
Pero tinignan ko lang siya. Hindi ako kumibo sa huli niyang mga sinabi. "Ano?! Nakakaasar na yang pagtitig mo sa akin ha?!" Nakakunot noong sabi niya sa akin, kaya napa irap nalang ako.

"Hiyang-hiya ako sa pa 'Siya na nga tong ginising, bwisit na babaeng yun?! Mo ha?" Panggagaya ko sa sinabi niya kanina, kaya napaiwas siya nang tingin sa akin at nauna nang maglakad pauwi.

Hindi ko nalang din siya pinansin, para namang may pakialam ako sa kanya. Pero nagulat ako nung bigla siyang bumwelo at tinangkang susuntukin ako sa may bandang tiyan ko, kaya mabilis akong umiwas at sinapak siya nang malakas. Kaya hayun, rinig ko ang paglagapak nang palad ko sa mukha niya, at nung humarap siya sa akin ay halatang halata yung bakat nang kamay ko sa kanang pisngi niya.

"Wag ka nang magtangka kung hindi ka lang rin naman makakatama." Saad ko sa kanya, at iniwan siya doon nang nag-iisa. Syempre uuwi na ako, alangan namang gumala ako nang alas siyete nang gabi?! Edi nakatikim nanaman ako nang sipa at suntok kay commander.




Third Person

Hindi kaagad nakakilos si Felix sa nangyari. Hindi niya inaasahan na ang mangyayari ay kabaliktaran nang naiisip niya. Nagbabalak sana siyang subukan kung hanggang saan ang kaya nang sikmura nitong nakababatang kapatid, ngunit nagulat na lamang siya nang bigla nitong maramdaman ang mainit sa sensasyon sa mukha, dulot nang pagkakadikit nang balat nang palad nang kapatid.

"Puta! Sinasabi ko na nga bang hindi ko dapat hinayaang matulog yung mokong na yun!" Parang naiinis pang saad nito at tuluyan nang sumunod sa naunang kapatid.

Habang naglalakad siya ay may napansin siyang parang mga tao na kahina-hinala. At dahil sa sobrang pagka curious niya, ay sinundan niya ito.
Nagulat naman siya nang mapagtantong papalapit ito sa bahay nila. At nakikita niyang sinusundan nito si November.

"Ano naman kayang binabalak nila kay Citrine?" Nagtataka pero tahimik na tanong niya sa sarili. Patuloy parin sa pagmamasid. Pero napa isip din siya na baka naman nagkakamali lang siya at nagkataon lang na napadaan sila dito habang pauwi sila.

Maya-maya pa ay napalingon siya nang maramdamang may parang biglang tumakbo sa likuran niya at nakita niya na mayroon ngang mga tao na nakamasid, ngunit hindi siya nito napapansin kaya nagtago nalang muna siya. Nang tignan niya naman ulit ang pintuan nang bahay nila ay nanlaki kaagad ang kanyang mga mata nang makita si November na nakatayo at parang hindi man lamang nasaktan habang yung mga sumusunod sa kanya ay nakahandusay na at yung iba ay namimilipit pa sa sakit.

Bullied to Love [Revision On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon