Someone's P.O.V
Bakit kaya ang tagal niyang dumating?! May pina iniwan naman akong sulat doon ah? Hindi niya ba nakuha? O baka naman natatakot na siyang pumunta sa akin?
"Sigurado ka bang sa pwestong madaling makita mo lang nilagay iyon?" Tanong ko sa isa kong tauhan, habang masama ang tingin dito.
"Opo, deputy. Panigurado po iyon. Dalawa pa nga po ang inilagay ko eh. Magkahiwalay pa po." Saad pa nito sa akin bilang sagot.
"Saan mo ba kasi nilagay banda? Umiinit na yung ulo ko kakahintay." Bulyaw ko, kaya medyo nakita ko ang takot sa mukha niya.
"Isa po sa may podium nang stage, at yung isa po ay sa upuan nang kuya niya." Sagot nito sa akin. Tinignan ko naman siya na parang nagsasabi nang 'At ano pa?' "Yun lamang po ang aking maisasagot." Buti naman at hindi ito bobo katulad nung ibinitay ko nang patiwarik bago ko pagbabarilin at puguan nang ulo yung nauna sa kaniya.
"Sige, lumabas ka na muna doon, magbantay ka. At kung kailangan ay tawagan mo si lieutenant para mapadali ang pagkuha sa titulo." Sabi ko rito na ikina tango niya lang bago siya lumabas. Maaasahan talaga siya, kahit kailan.
Kevin
Aray! Putcha! Ang sakit nang ulo ko. Parang mabibiyak na ito ah. Ano ba naman kasi ang nangyari? Nahihilo parin ako hanggang ngayon. Sarap itulog, pero nagulat ako nang malamang wala pala ako sa kwarto namin. Napatingin-lingon ako sa buong silid, pero wapa akong nakita kundi purong itim. Itim na ipuan, itim na pader, halos lahat itim. Ang tanging may kulay lamang, eh yung ilaw na kulay puti. Kita namab ang kabuuan nang silid kung saan kami nanduduon. Yun nga lang, ang nagpakaba sa akin, ay yung tali sa kamay at paa ko, may mga kasama din ako dito, pero mga wala parin silang malay hanggang ngayon. Kaya imbes na mag-aksaya nang oras, ay ginising ko na sila. Alam ko naman kasing hindi maganda ang mga nangyayari ngayon eh.
"Uy! Uy! Gising... Gumising kayo uy!" Mahinang boses, ngunit rinig nilang sabi ko. Pero walang kwenta.
"June? June?! Gising!" Tawag pansin ko rito, pero hindi man lang ito gumalaw nang kahit konti.
"Uy! Ano ba! Gumising na nga kayo!" Halos pasigaw kong sabi, kaya nagulat silang lahat at yung isang hindi ko kilala, pero pamilyar sa akin, ay natumba, dahil nung tumayo siya, na out balanced siya dahil sa tali sa mga paa niya."Ano ba namang-?!" Nagulantang ding tanong nung isang kasama namin dito na pamilyar din sa akin.
"Kevin?" Tawag pansin ni June sa akin. "Nasaan tayo?" Tanong niya ulit, pero bakas ang pangamba at takot sa boses niya.
"Ano ka ba naman? Wala pa ngang nangyayari sa atin, natatakot ka na? Ano pa kaya pag may nangyari na, baka namatay ka na bago pa mangyari yun." Natatawang sabi nung isa sa mga lalaki na kasama namin dito. Natahimik naman si June, kaya nainis ako. Pinapahiya niya ang kaibigan ko?!
"Sino ka ba? At bakit ba nangingialam ka sa amin?!" Inis sa tanong ko. Kung hindi lang talaga ako naka tali ay baka nasuntok ko na ang mokong na ito.
"Tch! Nasa iisang eskwelahan tayo pero hindi mo kami makilala? Ano ba'ng nangyari sa'yo? Nagka amnesia ka ba?" Tanong naman nung katabi nung unang nagsalita. Napaisip din ako saglit, at nang ma realize ko ang lahat ay nagulat ako. Kung ganoon?
"Holmes? Holmes naririnig mo ba ako?" Tawag ko sa kaniya, pero walang sumasagot. Nakaramdam ako nang kaba dahil doon.
"Kevin, wala si November dito." Sabi ni Sept, pero hindi ako naniwala at inilibot ang tingin sa loob nang kwarto.
"Tyler? Bakit wala si Jorie?" Tanong naman nung lalaking katabi nung nagsalita kanina. Tyler pala ang pangalan, at naalala ko, yung nagtanong ay yung tinawag ni Jorie na pulbo.
Katulad ko, ay nalibot din ang paningin niya sa loob at mukhang wala nga ang hinahanap niya dahil sa ekspresyon niya. Mukhang hindi halata, dahil sa kalmado ito at wala lang, pero yung mata nito ay medyo nanlaki sa gulat. Tch! Ano ba naman yan? 'wag mong sabihin na mayroong Holmes the second dito?!
"Ok. So bakit wala ang dalawang leader dito?" Biglang may narinig kaming usapan sa labas kaya natahimik kaming lahat.
"Yun nga po ang problema. Dahil ang sabi lang po nang deputy ay kuhanin ang mga kasama nito at iwanan lamang sila. Pero may sulat na iniwan doon, may patungkol sa pagkuha sa titulo nang commander." Rinig namin dito, kaya lahat kami, maliban doon kay Tyler, ay nakunot ang noo.
"Ganoon ba? Kung gano'n, ay kailangan nating maghanda. Maging mapagmasid sa paligid. Hindi natin alam kung ano ang maidudulot sa atin nang pesteng tagapag mana na iyon." Saad pa nito sa kausap at narinig ko naman ang pagsabi nito nang sir at ang pag-alis nito.
"Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi ko maintindihan eh." Sabi ni April, kaya napatingin ako dito.
"Ewan ko lang ha? Pero parang may patungkol sa titulo eh." Si Rizsa.
"Ano naman kayang titulo ang tinutukoy niya?" Tanong ni Sept na nakapagpa tahimik sa aming lahat.
"Maaaring hindi pa natin alam ang mga nangyayari, pero iisa lang ang nasa isip ko at iyon ay ang maka isip nang paraan para makalabas dito." Bigla namang nagsalita si Tyler na naging dahilan nang pagtingin naming lahat sa kaniya.
"At paano mo naman gagawin iyon aber?" Tanong nung pulbo sa kaniya. Bakit ba? Eh sa hindi alam ang pangalan niya eh. At tinawag siyang pulbo nung kasama niya, kaya 'wag nyo akong sisihin!
"Tch! Para namang wala kang alam." Parang rinig kong saad niya sa kasama, kaya napatutok ako sa kaniya. Seryoso, hindi ko mapigilang hindi mapaisip sa sinabi niyang iyon. Nakita ko naman kung paanong nag smirk si pulbo, kaya nakunot talaga ang noo ko.
Ano kayang nalalaman nila? May hindi ba sila sinasabi sa amin?
Yan kaagad ang mga katanungang pumasok sa isip ko nang mapansin ang kakaibang ikinilos nila na iyon. Ang weird lang kasi na, nasa ganito kaming sitwasyon, pero nagawa parin nilang mag-usap na para bagang alam nila ang lahat nang ito. Sooo weird!
WRITTEN BY:
minaurum©All rights reserved
2019
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?