Chapter 11

5 1 0
                                    

November

(Riiiiiinnngggg!!!)

Nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. As usual, 5:00 na nagigising. May nagluluto naman na para sa amin iih. Kaya ang ginawa ko, ay naghanda na para makapasok na ako sa eskuwelahan.

Pag tapos kong ilatad sa kama ang lahat ng susuutin ko, ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Habang nagsasabon, ay napaisip ako.

Panibagong araw nanaman. Panibagong buhay, pero hindi parin nagbabago ang katotohanang alipin pa rin ako sa bahay na 'to.

Dahil sa naisip ko, ay parang nanikip yung dibdib ko at may tumulong luha sa mga mata ko. Ang sakit pala sa pakiramdam ng ganito. Pero dahil naliligo ako ay sumasama lang sa agos ng tubig ang luha ko, yun nga lang ay mainit ang luha ko kaya ramdam ko talaga parin ito.
Tumagal ako nang 20 minutes sa loob ng banyo dahil sa pag e-emot, pero nung lumabas na ako ay siniguro kong walang bakas ng lungkot ang mapapansin. Ni ang pag pula nang mata ko ay siniguro ko na hindi mahahalata.

Nag-ayos naman na ako iih, at konting pulbo at lip balm na may kulay lang... Ayos na. Bawal kasi akong maglagay nang kahit na anong kolorete sa mukha dahil siguradong mababalatan ako nang buhay ni donya pag nagkataon. Wala sa pamilya namin kasi ang mahilig sa make-up, kesyo daw magmumukha lang daw kaming mga chaka dolls or clowns. Anyway, bumaba na ako dala ng bag ko, at naupo na sa mesa. Ibinigay naman na sa akin ng katulong yung pagkain iih, pero nang susubo na sana ako ay biglang naupo si Jade sa harap ko, kaya napatigil ako at napatitig sa kanya.
Nagkatitigan kami ng halos isang minuto, pero siya ang unang kumalas. Narinig din naman namin yung mga yapak ng paa ni commander, kaya naman ay kahit na nahihirapan eh pinilit kong kumain.
Nawalan na kasi ako ng gana dahil nandito na sila. Gusto ko pa namang kumain ng mag-isa. Pero dahil ayoko namang mapansin ni commander, ay tahimik na lang akong kumain at minamadaling ubusin yung pagkain. Gusto ko na kasing umalis, para kahit papaano ay matahimik yung buhay ko.

Umupo naman si commander sa may dulong bahagi ng mesa, at hindi ito kumikibo, kaya di na rin namin ito pinansin. Natapos na akong kumain at lahat, parang wala man lang siyang kasama, kaya tumayo na ako at aalis na sana ng bigla siyang magsalita.

"Aalis kami ng donya ngayong araw. Pupunta kami sa Amerika. Maiiwan kayo dito." Sabi nito na ikinagulat namin ni Jade.

"Maaari ko po bang itanong kung bakit?" Tanong naman ni Jade habang nag-aalangan, pero may bahid ng pagtataka sa boses nito.

"Gusto kong subukan kung paano kayong mabubuhay ng hindi kami kasama. Pero hindi ibig sabihin niyon na hahayaan ko nalang kayong dalawa na gawin ang gusto niyo.

Kung ano ang nakasanayan ninyong gawin ay iyon mismo ang kailangan ninyong sundin. Maliwanag ba?! At hindi rin ibig sabihin no'n, ay makakatakas na kayo sa paningin namin."

Wala naman kaming ibang magiging choice kundi ang umuo iih. Nagtanong pa siya, kaasar talaga! Yumuko nalang ako at nagsalita na. Baka mas lalo lang akong mainis kapag nakita ko pa ng mas matagal ang pag mumukha nilang lahat. Lalo na ni Jade

"Kung inyo pong mamarapatin, ay kailangan ko na pong umalis. Baka po kasi ay mahuli ako sa klase." Hindi ko na pinahaba pa at pumayag naman siya, kaya naman ay tumalikod na ako at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Hindi ko alam, pero iba ang pakiramdam ko kapagka nakakalabas ako sa bahay na ito. Ang luwag sa dibdib, para bagang wala akong pinoproblema sa buhay.
Nga pala, nandito na ako ngayon malapit sa main gate ng Village, pero may bigla akong naalala.
Ano na kaya'ng ganap kay Kevin? Kumusta na kaya siya?

Bullied to Love [Revision On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon