Jorie
Bakit kaya ang tagal niya? Hindi kaya pumalpak ang plano niya? Paano na yung mga kaibigan ko doon? Ano na ba kasi ang nangyayari?!
Nandidito parin ako sa damuhan hanggang ngayon. Hinihintay ang hudyat niya. Mag da dalawang oras na, hindi pa rin siya nag-i ingay. Wala pa rin ang hudyat. Kaya naisipan kong puntahan na sana siya, kaso may biglang dumaan sa harap ko, kaya napatigil ako at muntik pa niyang mahuli dahil sa ingay nang mga dahon, buti tinawag na siya nang kasama niya kaya napahinga ako nang maluwag. Napag-isipan ko rin na manatili nalang muna, para kung sakali mang humudyat siya, ay madali kong mapupuntahan ang mga kasama namin. Naaalala ko pa ang sinabi sa akin ni General Yuan, about sa cignal ko.
"Isang putok ang hudyat."
Kaso paano ko naman gagawin ang putok kung wala pa akong naririnig na...
"De Luna!!!" Nagulat ako at biglaang naiputok ang baril na hawak ko. Buti nalang at sa harap ko iyon naiputok. At sa sobrang lakas nun, bigla kong narinig ang boses ni General Yuan.
"Huwag kayong magpapakita nang awa sa kanila! Patayin lahat nang mga kumakalaban sa pamilya De Luna! Naiintindihan ba?!" Matapang na sigaw nito.
"Sir! Yes sir!" Sigaw nang lahat.
"Sugod!" Dahil sa sinabi niya na iyon ay narinig ko na ang putukan nang maiingay na baril.
Lumabas na ako at nagtungo na sa daanang tinahak ni November kanina. At hindi naman talaga maiiwasan ang mga kalaban sa warzone, kaya wala akong ibang nagagawa kundi ang makisabay sa putukan nang lahat. Hindi na ako naninibago pa sa tunog nitong baril na ito. Kahit sabihin na nating nakakabingi itong pakinggan, kailangan ko talagang gamitin. Isa pa, nasanay na ako nito doon pa sa basement nina November.
Anyway, nang maka dating sa bungad ay nagkakagulo na talaga. Pero hindi ako nagpatinag at dumiretso sa dulo. May mga nagtatangka sa akin, pero pinapaputukan ko lang din pabalik, dahilan para tumumba kaagad sila. Puro sentro ang tama nila eh. Courtesy of me and my great coach, si November.
Nang makakita nang isang kaaway ay nilapitan ko ito. Tangka niya sana akong barilin, pero sinipa ko yung baril kaya ayun, nalaglag sa tubig.
"Nasaan ang boss? Sumagot ka!" Sabi ko at binaril ang nasa tabi nito.
Itinuro niya naman ang bahay sa dulo, kaya napangisi ako. "Sorry, but addicts must be killed or they will be the killer." Sabi ko at hindi na nagdalawang isip na paputukan ang noo niya.Dumiretso na ako sa dulong bahagi at sakto namang nakita ko yung mga kasama ko.
"Tyler!" Tawag ko sa isa sa kanila na ikina tingin nila sa akin. Nagulat pa sila nung una.
"Jorie?!" Lumapit sila sa akin at kinausap ako habang patuloy na bumabaril sa mga nagtatangkang kalaban. "Ano ba'ng pumasok sa isip mo at pumunta ka pa rito?! Kanino mo narinig? Kay November ba?!" Galit pang tanong nito.
"Whoa bro! Ang cool mong tignan sa suot mo ah? All black. At terno pa talaga." Sabi naman ni Harry, kaya napatingin silang lahat sa akin.
"HAHAHA! Alam mo? Kung hindi lang talag kita kilala, mapagkakamalan kong magkasintahan kayo ni November dahil sa suot niyo. Couple clothes pa ah?" Nang-aasar pang sabi ni Lei sa akin, kaya naoakunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?