November
Nakakatuwa namang sa wakas ay alam ko na ang gagawin sa lahat ngayon. Ang kailangan ko nalang gawin, ay umuwi muna at tignan kung may magagamit ba ako. Wala naman sigurong masama kung hihiramin ko ang ilan sa mga gamit ni commander eh.
"Ano ba ang iniisip mo at ngising-ngisi ka diyan? Ang creepy mo." Sabi ni Jorie sa akin, kaya tumingin ako dito at ngumisi lalo. "Tumigil ka nga! Kung bata lang siguro ang kaharap mo ay baka umiyak na 'yon dahil sa takot." Sabi niya, kaya natigil ako at napa poker face nalang. Bahala na nga lang.
Tumayo na ako at naglakad na papalabas sa canteen. Hindi ko na siya hinintay dahil alam ko namang susunod at susunod siya sa akin. Sinusubukan ko lang talaga kung gagawin niya, dahil baka sumusunod lang sa akin ito nang walang dahilan para asarin nanaman ako. Pero simula nung kaganapan kanina sa hallway, ay napagtanto ko na seryoso siya at gusto niyang malaman din kung nasaan ang mga kaibigan niya, kaya hinayaan ko na siyang sumunod. Alam ko rin naman kasing hindi siya papayag na maiwan, kahit delikado.
"So... Care to tell me where on earth are you going now?" Tanong niya sa akin at mukhang hindi pa maganda ang mood. Nagalit talaga siguro siya dahil nagising siya nang wala sa oras.
"Sa bahay." Diretso kong sagot, kaya narinig ko ang pag hinto niya. Lumingon naman ako dito at kita ko kung paano kumunot ang noo niya.
"Teka lang ha? At bakit naman ako susunod sa iyon doon?" Tanong niya, nagugulumihanan.
"Hindi ko sinabing sumunod ka. Ikaw ang kusang sumusunod."
"Wow lang ha?! Eh sa sino ba kasing may sabi sa'yo na magtapang-tapangan ka at pakunwaring hahanapin yung mga kasama mo at mga kaibigan ko?"
"Sino din ba kasi ang nagsabi sa'yo na sumunod ka sa akin at huwag nang gumawa nang sarili mong aksyon?" Natigil naman siya at saglit na natahimik dahil sa itinanong ko sa kaniya. "Nasa sa'yo nalang iyon kung gusto mo pang pumunta o hindi, basta ako, uuwi muna sa amin dahil may mga bagay na makakatulong sa akin doon upang mahanap ang mga kasama ko." Dugtong ko at tumalikod na. Hindi na ako nagsalita pa at tuluyan nang naglakad.
Kabanas 'tong lalaking 'to. Panira nang araw amp! Tahimik na buhay ko kung hindi lang dumagdag 'to eh. Siya pa may lakas nang loob na magakit sa akin samantalang hindi ko naman sinabing sumunod siya sa akin. Kainis talaga!
Nakalabas na ako sa gate. Tulog din kasi ang guwardia, kaya madali ko lang nalampasan ito at nang tuluyang makalabas, ay mayroon ulit akong nakitang papel sa gate, isinabit lang ito doon. Nilapitan ko ito at nakita kong sinadya ito, dahil may nakatusok ito sa may isang design na patalim at nasa itaas ang sulat nito.
Pumunta ka sa Barangay San Juan kung gusto mo pang makitang buhay ang mga kasama mo. Hanggang alas siyete lang nang gabi. Dalhin mo ang titulo.
Yan ang nakasulat dito, kaya napagtanto ko ngang sa akin pala talaga ang mga mensaheng iyon. Noong una akala ko ay nag-iisip lang ako nang kung ano-ano. Pero nang pagtagpi-tagpiin ko ang lahat nang kaganapan simula kaninang umaga, ay na realize ko na hindi lang pala biro ang lahat.
Tinignan ko ang oras sa guard house. Alas kwatro na nang hapon. May tatlong oras pa akong natitira. At kung maglalakad ako papunta sa bahay ay aabutin ako nang halos kalahating oras. Kaya naisipan kong sumakay nalang sana. Sa kasamaang palad, walang mga sasakyang dumadaan dito sa akin. Ang weird.
*peep!*
Nagulantang naman ako sa narinig kong busina nang isang motor, kaya napalingon ako. Si Jorielang pala. Teka, si Jorie? Nangunot yung noo ko dahil sa nakita ko.
"May motor ka pala?" Tanong ko sa kaniya at tumango lamang siya.
"Alam kong may hindi tayo pagkaka intindihan kanina, but for now... Can we just s-s-step aside o-our... *ehem!* Alam mo na... Yung m-mis-u-understanding na-tin?" May konting pagkakautal niyang tanong sa akin, kaya napakurap ako nang ilang beses. Hindi kasi ako makapaniwala na magtatanong siya nang ganito at sa ganitong sitwasyon pa. Aaminin ko na naging speechless ako ngayon. Nakakagulat lang kasi. "Tch! Ano ba? Kikilos ba tayo o tititigan mo nalang ang ka guwapohan ko?" Tanong niya kaya nagising yung diwa ko.
"Tch! Pwede ba? Wala akong oras sa mga paganyan-ganiyan mo. Isa pa, hindi ka guwapo kaya wag kang mag feeling artista na porque tinignan ka lang ay feeling pogi ka na." Sabi ko habang umaangkas sa motor. Narinig ko naman siyang suminghal, kaya napa irap ako. "Tara na." Saad ko at umandar naman na kaahad ang motor. Syempre, sinabi ko sa kaniya ang daan papunta sa amin.
Buti naman at naisipan niyang gamitin ang motor niya. Akala ko kasi hindi na siya mag-iisip at basta nalang susunod sa akin, kaya malaking himala na naisip niyang mag drive. Pero ang tanong ko lang ha? May lisensiya ba 'tong hinayupak na 'to? Baka mamaya nito eh ma check point pa kami!'
May helmet kami, pero iba pa rin kasi yung may lisensiya kasi kahit saan ka sumingit ok lang.
Hindi ko nalang ito pinansin at hinayaan ko nalang ang sarili ko na maupo na sa likuran nang motor at paandarin niya ito."Lead the way." Tugon niya sa akin, at tumango lang ako, kaya naman ay umandar na kaagad ang motor at walang pagdadalawang-isip na pinaharurot niya ito. Mabilis ang pangyayari at nagulat ako, kaya hindi ko na namalayang napayakap na pala ako nang mahigpit sa kaniya. "Uy? Ano? Kaya mo pa ba?" Nang-aasar na tanong niya, at nang ma realize ko na sobrang higpit na pala nang pagkaka yakap ko, ay umupo ako nang maayos. Nakahinto na ang motor, pero wala pa kami sa village namin.
"Dapat sa SF village tayo pupunta. Ano'ng ginagawa natin dito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. Mukha naman itong highway, yun nga lang, tahimik ito. Matatayog na puno, at mga ibon lang ang gumagawa nang ingay.
"Huminto ako dahil baka hindi ka sanay sumakay sa motor. Sobrang higpit kasi nang pagkakahawak mo, pakiramdam komapupunit yung damit ko eh." Paliwanag niya, kaya kumunot ang noo ko.
"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na bilisan mo ang pagpapa andar?!" Inis na tanong ko sa kaniya, atnatawa naman siya dahil sa sinabi ko. Bwisit!
"Edi sorry. Sakay na, para makarating na tayo sa inyo. Alam ko na kung saan pupunta." Sabi niya at dahil doon ay hindi na ako nag-aksaya nang oras at sumakay na ulit sa motor. Pero nang paandarin niya ito, ay mabagal na lamang at hindi na katulad kanina na parang any minute lang ay malalaglag na ako.
WRITTEN BY:
minaurum©All rights reserved
2019

BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?