Jorie
Ang saya nang araw ko ngayon, grabe! Nagkakatawanan kami nang mga kaibigan ko nang biglang...
Blag!!!
Biglang may bumangga sa akin, dahilan para mapadaing ako sa sakit. Nagulat naman ang lahat nang nasa loob nang Canteen."Uy! Min? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tyler sa akin, habang sila Lei at Harry ay tinulungan akong tumayo.
"Mukha ba akong okay sa mukha kong 'to?!" Inis na tanong ko sa kanya at tiningnan ko yung bumangga sa akin.
Sakto namang nakita ko ang isang babae na namimilipit sa sakit, at parang hindi na makatayo. Pero imbes na maawa, ay lalo lang akong nainis nung makita ko yung pag mumukha nito. Eh kaklase naman pala ni ano to eh. Ni... Sino ba yun? Yung ano! Tang-ina! Basta yung babaeng napagtripan ko kaninang break time. Lunch na kasi kung di nyu lang alam, at dahil sa naiinis ako sa pagmumukha nitong babaeng 'to, ay siya yung naisipan kong pag tripan ngayon.
"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?!" Kunwaring galit na tanong ko habang nakatingin doon sa babae.
Bigla naman siyang tumingin sa akin at mababakas sa mukha niya ang pagkagulat, at dahil sa nakita niya yung pinaka-gwapong mukha dito sa balat nang lupa ay bigla siyang napaluhod sa harapan ko at nagtangka na sanang hahawakan ang pants ko, pero bigla akong umiwas."Pasensya na po. Pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya, maawa na po kayo sa'kin." Nagmamakaawang sabi niya, pero natawa naman ako dahil sa pagda-drama nito.
"Tch! Sa tingin mo ba matatapos yun nang ganon ganon lang? Magdusa ka!" Pang-aasar ko at tinapakan yung kamay niya, dahilan para mapasigaw siya! Alam kong masakit yun, pero ano nga bang magagawa ko? Ganito na talaga ako eh.
"Maawa na po kayo sa akin!" Padaing na sabi niya habang nakahawak sa kaliwang kamay kung saan tinatapakan ko.
Hinawakan naman ako nang mga kasama ko at inawat, pero di ako nakinig sa kanila. Makita lang yung pagmumukha nitong babaeng to, ay sapat na para maalala ko yung hinayupak na 'yun' at kumukulo ang dugo ko kapag nagkakataon.
"Alam mo? Kung sanang hindi ka nalang nagtanga-tangahan, di sana hindi ka magkakaganito ngayon." Sabi ko sa kanya at inawat nanaman ako nang mga kaibigan ko.
"Jorie, tama na nga yan? Di na nakakatuwa." Awat sa akin ni Tyler, pero sinamaan ko lang siya nang tingin.
"Tumigil ka na nga Min!" Pagpupumilit ni Harry.
"Sa tingin nyu ba natutuwa pa ako sa lagay na to?! Nanggigigil na ako! Tigil-tigilan nyo ako kung ayaw nyong madamay dito!" Matigas na saad ko, dahilan para mapatahimik sila at di na nag-ingay.
Sakto namang, nakita ko yung bote nang mineral water sa may bandang paanan ko, at parang may bigla akong naisip. Sigurado ako na matatawa talaga ako dito... Hehehe.
Kinuha ko yun, at tinutok doon sa babae. Tinignan nya naman ito na parang timang, at nung magsawa na ako sa kaka-asar sa kanya ay tinangka kong hambalusin siya nang hawak kong bote, pero laking gulat ko nang bigla nalang may humawak sa kamay ko at pinigilan akong gawin ang napakaganda kong balak."Ano bang-?!" Wala sa sariling saad ko at tiningnan ko kung sino ang may gawa nun, at laking gulat ko nang makita ko nanaman yung babae kanina.
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
AzioneDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?