Jorie
"HAHAHAHA!!! Ikaw?! Tagapagmana? So ano? Si Felix taga sunod mo lang?! Ang galing! Osang malaking SANA ALL sa'yo." Tumatawa pang ani ko. Sobrang sakit nang tiyan ko di ko mapigilan ang sarili na tumawa. "So where's the title? Nasa kwarto mo ba? Puwede patingin?" Tanong ko pa, pero hindi man lamang nagbago ang ekspresyon niya. Walang kwenta. Naka poker face lang siya.
"Kung hindi ka naniniwala ay edi hindi. Isa pa, hindi pa sinasabi ni commander kung nasaan ang titulo. Pero nakatakda nang ibigay sa akin iyon pagkatapos nang pasukan." Sabi niya na ikinagulat ko. Ibig sabihin ay seryoso siya sa mga sinasabi niya. Hindi siya nagbibiro.
"Paano ka naman natalaga bilang tagapagmana kung isa kang babae?"
"Hindi tinitingnan ni commander ang pagiging babae o lalaki namin. Kung sino ang pinakamalakas ay siyang ipapalit niya." Sagot niya sa akin, kaya natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napapaisip kasi ako eh. Yung dating binubully ko, magiging ganap na pinuno nang mga gangster pala?!
Kinabahan ako. Paano kung nagtitimpi lang siya sa akin, at naghihintay nang araw nang pagiging pinuno niya tapos ipapatay niya ako?! At kaya niya ako dinala dito ay para pag aralan kung ano ang mga kahinaan ko?! Nakaramdam ako nang takot sa sistema ko. Parang gusto kong lumuhod sa harap niya at magmakaawa, pero magmumukha naman akong talunan nun. Pero kung hindi ako magso sorry, ay baka mapatay niya ako nang wala sa oras. Buhay ko rin ang kapalit para sa pambubulas ko sa kaniya.
"Ba't namumutla ka? Daig mo pa nakakita nang multo sa malapitan." Tanong niya sa akin. Ganoon na ba talaga kabilis mabasa ang ekspresyon ko?!
"K-Kapag ba nakuha mo ang titulo. I-Ibig bang s-sa-b-bihin... K-K-Kaya mo nang gawin l-lahat nang gugustuhin mo?" Tanong ko at nag-isip naman siya.
"Hindi lahat. Sa bawat ginagawa kasi namin ay may kapalit na consequence. Bagay sa bagay, buhay sa buhay gano'n. Pero depende parin yun sa iyo bilang nakatataas. Hangga't buhay pa si commander, kahit nasa akin na ang titulo, siya parin ang magbibigay nang parusa sa mga nagkasala." Sagot niya, kaya medyo napanatag ang loob ko. Isa pa, mukhang di niya naman kayang pumatay nang tao. "Masyado ka nang maraming nalalaman. Dinala kita dito para makapag handa, hindi mag kwento." Sabi niya kaya napakurap nalang ako nang dalawang beses.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko at hindi siya nagsalita. Maya-maya lang ay sinuri niya ako, mula ulo hanggang paa. Nangunot naman kaagad ang noo ko dahil sa ginawa niya. Mukhang may pagnanasa sa akin 'tong babae 'to ah.
"Hindi dapat malaman nang Black Star na isa ka lamang ordinaryong estudyante. Kapag nagkataon, isang putok lang ang katumbas mo." Dahil sa sinabi niya ay kinabahan nanaman ako. "Sumunod ka sa akin." Sabi niya at naglakad na. Wala naman akong ibang choice eh, kaya sumunod nalang ako. Paakyat siya nang second floor at hindi maikakailang ang ganda nang hagdan nila. Bawat gilid sabihin nating isang dangkal ang layo, ay may mga litrato ito. Litrato nang pamilya nila. Pero isang isang picture frame ang nakakuha nang atensyon ko. Nasa pinaka dulo siya paakyat sa ikalawang palapag. Nahinto ako saglit. Sinuri ko ang larawan. Napaka pormal nila. May isang sofa lang sa gitna, nandoon ang dalawang bata nakaupo. Si Felix siguro at si November ito. Taena, hindi porque kaaway ko siya eh habambuhay ko na siyang tatawaging Gabi ok?! Isa pa, nalaman ko ang pangalan niya dahil kay Lei.
Anyway, ang linis tignan nang litrato, nasa tabi ni Felix sa kaliwa iyong ina nila, tapos yung ama naman nito ay nasa kanan katabi ni November. Nakatayo lang sila. Square shape lang kasi ang sofa na ginamit. Pero biglang nangunot yung noo ko dahil sa isang parte sa frame na nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/201867889-288-k710017.jpg)
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?