Third Person
Taimtim lang na naglalakad sina November at Kevin papunta sa kanilang silid aralan, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napahinto nalang bigla si November. Napansin naman kaagad ito ni Kevin, kaya naman ay napahinto na rin siya.
"May problema ba Holmes?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang kasama sa noo, para malaman kung may masama ba itong nararamdaman.
"Wala naman. Parang nawewirduhan lang ako." Sagot naman ni November sa lalaki. "Tara na, baka nandoon na si ma'am sa room." Dugtong naman nito at nagsimula nang maglakad. Nauna naman nang maglakad si Kevin pagkatapos sumang-ayon sa kanya at sumunod naman siya. Pero bago siya maglakad ay lumingon-lingon muna siya para tignan kung mayroon mang nagmamatyag sa kanila, at nung wala naman siyang nakita ay nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa classroom nila.
Nung una, napatingin muna ang lahat sa kanilang dalawa at natahimik ang mga ito, kaya napatigil sila at parang na-estatwa sa kinatatayuan. Pero hindi naman natagal, ay nagkaroon nang mag-uli nang ingay dito dahil sa mga hiyawan at asaran nila patungkol kay November at Kevin.
"Yiiieee!!! Ano'ng ginagawa nyong dalawa ha?" Kinikilig na saad nang isa nilang kaklase.
"Kayong dalawa ha? Hindi man lang kayo nang-i-inform." Nang-aasar na saad nang lalaki nilang kaklase at sinuntok pa sa braso si Kevin na parang close talaga sila.
Nangunot naman ang noo nang dalawa, at hindi kalaunan ay tuluyan nang pumasok si November sa silid aralan at dumiretso na sa kanyang upuan nang hindi man lang nagsasalita.
Patuloy pa rin siyang inaasar at kung minsang mapadaan siya sa mga kaklase niyang babae ay todo hampas ito sa kanya na akala naman ay talagang mga kaibigan niya ang mga ito. Pero imbes na pansinin, ay tumuloy lang si November sa paglalakad at naupo na sa may upuan niya."Uy! Kevin. Nahihiya yung asawa mo oh?" Nang-aasar at tumatawang saad naman ng lalaking kaklase nito.
"Ano ka ba naman-?"
"Sus~ President... Hindi nyu kami matataguan, magaling ata kami pagdating sa mga ganiyan?" Naputol niya ang sasabihin dahil sa kinikilig na saad naman nang babaeng kaklase nito.
"Oo nga naman President Abela. So, ano'ng cs nyo? Ano'ng oras ka niya sinagot? Kailan kayo start na magde-date?" Sunod-sunod na tanong nang kaklase pa nito, dahilan para mainis si Kevin at wala itong nagawa kundi ang magpaliwanag.
"Ano ba naman kayo? Hindi naman kami ni Holmes! Ano ba yang pinagsasasabi nyo? Sinamahan ko lang siya kanina, dahil kailangan niyang magbihis at may kailangan lang siyang gawin.
Kaya pwede ba? Tumigil na kayo, dahil wala naman kasing kami." Mahabang paliwanag nito, dahilan para mapatigil ang lahat at manahimik.
Hindi rin naman nagtagal at dumating na rin naman ang teacher nila, kaya bumalik na ang lahat sa kanya-kanyang mga upuan at nakinig na sa bagong lesson nila."Ok class. Today our topic is all about persuasive writing. Now, can anybody tell me what persuasive writing is for your own opinion?"
Tanong nang teacher nila sa English. Ngunit walang sumagot dito, kaya napilitang tumawag nalang nang maestra nila. "Baveron? Care to answer my question?" Tawag nito, ngunit napatayo nalang ang estudyante at wala itong naisagot. Kaya nagtawag ulit ito nang bago. "Abela?" Tawag nang teacher nila."Persuasive came from the word persuade or to make people agree with your opinion and writing means to write something." Sagot nito, dahilan para mapangiti lahat nang mga kaklase niya. Pero nang tignan niya si November, ay nadismaya lang siya dahil parang wala man lang itong ganang nakikinig sa klase nila.
"Yes that is correct. Persuasive writing is a piece that is needed to convince someone to believe in your opinion or if you want others to listen and follow you, you will need a Persuasive kind of writing." Paliwanag pa nang teacher at puro ito lesson, lesson, lesson, hanggang sa matapos ang klase nila. At bago ito lumabas ay may sinabi muna ito. "We will be having a short quiz about what we have tackled for today ok? So please review everything that you need to review." Nakangiting sabi nang teacher nila at tuluyan na itong lumabas.
"Grabe! Ambilis nang klase ano?" Nagulat si November at kamuntikan pang masapak si Kevin nang bigla itong magsalita sa kanyang tabi. "Grabe naman to. Teka nga lang? Bakit ka nakatulala dyan? Ano'ng ganap mo?" Tanong pa nito, pero hindi ito pinansin ni November at tuloy ay inayos na niya ang gamit para sa huling subject nila. Ang specialization nila, o spec. kung tawagin. "Uy! Ano bang spec. mo?" Tanong nito, pero hindi pa rin siya sinasagot nung huli. "Sige, bahala na, malalaman ko rin naman yun iih... Kaya kahit di ka magsalita, ayos lang." Nakangising sabi pa nito at tiningnan naman siya ni November, nang nakakunot ang noo. Naging dahilan iyon para mapatigil siya at napatitig din. "Bakit? Ano'ng meron?" Kabadong tanong pa ni Kevin sa kanya, pero nakatingin parin siya habang nakakunot ang noo.
Maya-maya lang ay tumayo na si November at isinukbit na yung bag niya sa likuran niya. Tanda na aalis na siya sa classroom nila at pupunta na sa specialization niya.
"Sabay tayo mamayang uwian?" Tanong ni Kevin habang nakatingin parin kay November, pero binalewala niya lang ito. "Seryoso yung tanong ko. Sagutin mo naman." Nakanguso na ngayong sabi nito at dahil doon ay napayuko nalang si November sabay napangiti. Gusto niyang matawa sa hitsura nang lalaki, ngunit alam niyang dapat ay pigilan niya yung sarili niya. Kaya naman ay napayuko nalang siya.
"Teka, may masama ba akong nasabi? Hindi ba pwede? Pasensya na kung ganoon... Nangungulit na pala ako. Sorry talaga. Sige na, baka ma-late ka sa spec. mo." Nag-aalala, pero ngayon ay nalulungkot nang sabi ni Kevin sa kanya at nagpasiuna nang umalis at naglakad papalayo.
Nakaramdam naman nang konting pagka-guilty si November kaya hindi niya na napigilang tawagin siya ulit.
"Oi! Abela!" Napalingon naman si Kevin dito dahil sa sobrang pagkagulat. Akala niya ay nagagalit na si November sa kaniya, pero ang totoo ay pinagti-tripan lang pala siya nito.
"Ok? So payag kang sabay tayo mamaya?" Tanong nanaman nito, pero imbes na sagutin siya ay isang malakas na buntong-hininga lang ang pinakawalan nang babae.
"Mauna na ako sa'yo." Sabi ni November at tuluyan na itong umalis dala ang kanyang mga gamit, at nalungkot naman si Kevin.
Ngunit nang maalala niya ang mga huling kataga ni November ay napangiti ito. Hindi siya tumutol! Ibig sabihin, payag siyang samahan ko siya pauwi!
Natutuwang aniya sa sarili at nakangising pumunta na sa kanyang spec. para gawin ang dapat niyang gawin nang may inspirasyonSana nga, ibalik mo din sa akin ang pagpapasaya ko sa'yo, para naman araw-araw ay palaging tawa at buo ang araw ko. November, kung pwede lang talaga kitang maging kaibigan. Kung malakas lang talaga ang loob ko. Pero natatakot ako na baka kapag sinabi ko ang totoo, ay biglang layuan mo nalang ako at bigla mo akong iwan.
Pasensya na kung maglilihim man ako sa'yo ngayon. Pero pangako, ipagtatapat ko rin ang totoong nararamdaman ko para sa'yo.Written by:
minaurun©All rights reserved
2019
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?