November
Nang makarating sa village ay dumiretso kaagad kami sa bahay. As usual, wala sina commander at si donya. Hindi pa sila nakakauwi. Busy siguro sa pag entertain sa mga buysita nila doon sa Great Britain. Anyway, nang makapasok sa bahay ay napansin kong nagdadalawang-isip pa si Jorie, nung una ay iiwan ko na sana ito sa labas dahil baka nag-iinarte lang ito, pero nang maalala ko yung mga naghahabol sa titulo, ay napilitan akong kausapin ito.
"Oi! Papasok ka ba o magpapabaril diyan?" Tanong ko at namutla naman ito kaagad. Nagmamadali itong pumasok na para bang nasa likod lang namin yung tinutukoy ko.
"Hindi mo naman kasi kailangang manakot nang gano'n!" Sabi niya pa at tuliyan nang pumasok. Isinara niya ang pinto at inilock ito.
"Huwag mo nang i-lock. Hindi naman tayo magtatagal dito." Sabi ko pero hindi siya nakinig. Dapatpala iniwan ko nalang siya doon sa labas, lara kung sakaling may magtangka man sa kaniya ay bahala na siya sa buhay niya. Ang tigas nang ulo nitong hinayupak na 'to! "Pupunta lang ako sa kwarto. Dito ka lang. Kung gusto mo, may pagkain sa ref. Pero may passcode yun."
"Ano?! Pati ba naman ref, kailangan may pa gano'n pa?!"
"Hindi lang yun. Halos lahatnang gamit dito may passcode."
"Huwag mong sabihing pati gamit sa C.R. nyu may password, tapos yung sink din meron?"
"Bahala ka nang mag-isip nang sagot diyan." Hindi ko alam kung niloloko ba ako nito o talagang iba lang talaga ang pamamalakad namin dito sa bahay. Hindi ko naman masabi, kasi baka mamaya niyan eh hindi lang ako yung may ganito ka strict na parents.
Nga pala, iniwan ko na nga siya doon sa sala at umakyat na sa kwarto ko. Hinawakan ko ang doorknob at kahit hindi pihitin, ay bumukas na ito. Tama nga ang hinala nyo. Fingerprint ang dahilan nang pagbukas nang pinto. Ipinagawa ni commander ang lahat dito sa kadahilanang baka daw may hindi magandang mangyari at least daw ready kami, at hindi nga siya nagkamali doon, dahil heto na at nangyayari na ang totoo.
Pagkapasok sa kwarto ay binuksan ko yung ilaw. Wala namang pinagbago sa kwarto ko eh. Gano'n pa rin, medyo madilim, may bintana nga sarado naman. Kahit na may maliit na balkonahe ay mayroon paring harang ito na sliding glass door at sa loob ay natatakpan nang dark brown na kurtina. Halos lahat nang kulay sa kwarto ko ay nakasunod sa kulay na mga dark. Simula pagkabata ay nagustuhan ko na talaga ang mga dark colors. Yun nga lang, andaming nagtataka kung bakit daw gano'n. May iba namang iniisip na baka daw isa akong mangkukulam na takot sa araw. Mga sira ulo amp! Makakalabas ba ako nang bahau, makakapag-aral ba ako, mamamatay ba ako kapag nasinagan nang araw?! Utak talaga nang mga tao, sobrang saklap pa sa utak nang lamok. Minsan mapapakunot nalang yung noo ko kapag naiisip kong sinasabi nang mga tao yun eh.
Pumunta ako sa cabinet ko at kumuha ako nang damit. Kinuha ko yung black plane t-shirt ko, yung short ko na hanggang taas nang tuhod ang abot, medyas na itim, at tuwalya. Naligo muna ako at wala na akong pakialam kung ano man ang ginagawa ni Jorie sa baba, alam ko namang walang magagalaw yun eh. Takot na baka mali ang gawin at mapasabog ang bahay. Anyway, nang matapos maligo ay nagbihis na ako syempre. At bago lumabas ay tinignan ko muna yung hitsura ko. Lahat nang suot ko ay kulay itim. Itim ding sapatos ang susuutin ko eh. Naupo muna ako sa harap nang salamin ko sa make-up table. Dalawa kasi ang salamin ko, isang pahaba at yung isa ay para sa pag-aayos ko. Kung iniisip nyo na dahil ganoon ka strict ang parents ko, well si donya lang naman ang dahilan kung bakit kumpleto ang make-up kit ko dito sa bahay. Isa pa, hindi ko man masabi nitong mga nakaraan, pero nag aayos din ako nang mukha. Naglagay lang ako nang konting blush on at liptint, tapos tinapalan ko lang nang pulbo para hindi ako magmukhang namumutla. Nang matapos sa mukha ko, ay inipitan ko ang aking buhok, syempre binlower ko muna. Inipit ko siya nang ponytail, tapos tinirintas then ginawa kong bun. Gets nyo? Bahala kayong umintindi.
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
एक्शनDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?