Chapter 45

7 1 0
                                    

Felix

"Hello? Bro? Ano'ng ganap?" Tanong ko nang masagot ang tawag.

"Bro you need to come here in the hospital... I mean, right now." Sagot nito at hindi ko mawari kung nag-aalala ba siya o ano. Iba kasi yung boses niya, natataranta siya.

"Why? What happened?"

"Just come here first, and fast."

Dahil sa sinabi niya ay nagpaalam na kami kay mama na aalis na para pumunta sa hospital kung saan nandoon parin si Citrine. Nagmamadali namang nag drive si papa at buti nalang ay hindi masyadong traffic, kaya madali kaming nakarating.

Nang makarating kami ay patakbo naming tinungo yung kwarto niya. Nakita naman namin sina Tyler doon sa labas, kasama yung mga babae. Kinabahan ako habang nagtataka habang tinitingnan silang umiiyak.

"Andito ka na pala." Sabi kaagad ni Tyler nang makita ako.

"What is going on?" Nag-aalala kong tanong.

"See for yourself." Sabi niya at binuksan yung puntuan.

Nang makita ko ang doctor at nurses na pinapalibutan siya ay lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang i re react ko. Nasa loob sina Mr. and Mrs. Abela, kasama yung dalawang lalaking anak nila at umiiyak ito. Lumapit ako sa kanila at niyakap naman ako ni Kevin.

"She is not fully recovered yet. Kailangan niya pang manatili dito for twenty four hours before leaving." Sabi nang doctor at nang umalis sa kinatatayuan nito ang nurse, ay nakita ko ang naka upong si Citrine at nakasimangot ito.

"Ano ba naman yan? Gusto ko nang umalis dito eh." Sabi niya, pero hindi ko na pinansin pa yung sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kaniya na parang ang tagal ko siyang hindi nakita samantalang araw-araw eh dumadalaw ako. Napatingin naman siya sa akin at napatabingi ang ulo niya sa gilid. Nakatutok lang siya sa akin na akala mo ay sinusuri yung mukha ko. "M-May problema ba?" Tanong niya at napakurap-kurap naman ako.

"A-Anak?" Tawag sa kaniya ni Mrs. Grace at napatingin naman siya dito.

"Ikaw po ba ang mama ko?" Hindi na kami nagulat sa tanong niya. Ngayon niya lang nakita yung totoong ina niya eh.

"Oo anak... Ako nga ang totoong nanay mo." Tumulo ang luha nang matanda nang sabihin niya sa anak ang mga sagot niya. Niyakap niya ito at unti-unti ding niyakap ni Citrine ang kaniya nanay niya habay pat sa likod nito.

"Ok?" Sabi niya at tumingin ulit sa aming mga nasa loob. "Sino po sila?" Turo nito sa amin na nakapagpa gulat sa aming lahat. Pati yung mga kasama namin sa labas na kakapasok pa lang ay hindi makapaniwala sa tanong niya.

"Uy? Holmes? Huwag mo kaming tatakutin nang ganiyan. HEHEHE! Kilala mo kami, niloloko mo lang kami na hindi mo kami kilala diba? Kasi gusto mo kaming matakot ano? Ikaw talaga." Si April na ang nagsalita dahil wala kaming masabi sa tinanong ni Citrine sa amin.

"Pero hindi ko talaga kayo makilala." Sabi niya pa at dito ay rinig na namin ang hagulgol nang mga kasama naming babae.

"Doc? What happened to our sister? Why did she forget?" Tanong ni Mark sa doctor, kaya chineck ulit siya at napailing-iling din ito.

"Sorry po sir. We forgot to check her brain for any problems, at ngayon ay nalaman namin na may post-traumatic disorder po ang patient." Sabi pa nito kaya napapikit nalang ako at napakuyom nang kamao. Hindi ko inakalang mangyayari ito.
"But don't worry po. Pwede naman pong maibalik ang mga ala-ala niya eh. Unti-untiin lang po ang memories na ibibigay, dahil baka pag nasobrahan po siya ay mag lead po sa totally pagkalimot po niya." Sabi nang doctor at si Citrine naman ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin. Nagtataka siguro sa pinag-uusapan namin. "Ms. Holmes-"

"Argh! Ouch! My head hurts." Sabi nito at kita ko talaga sa mukha niya ang nararamdaman niya. Si Mrs. Abela naman ay nataranta na, pero pinakalma lang siya nang doktor.

"It's normal Ms. Holmes to feel that way. So sabihin mo, may naaalala po ba kayo?" Tanong nang doktor at hinimas-himas muna ni Citrine ang ulo nito.

"I think I remember myself saying to someone or some people to call me Holmes? I don't really know, but I saw them." Sabi niya at itinuro kami. Nabuhayan naman nang loob ang mga kasama namin dito.

"I see. So that was your first memory. Madali ka lang makaka recover, lalo na at marami silang tutulong sa'yo. Isa pa, malakas ang loob mo at matapang ka.

Huwag mo nalang ipag-alala kung bakit minsan ay bigla nalang sasakit ang ulo mo, dahil iyan ay sign na makaka alala ka nang kaganapan sa past mo." Sabi nang doctor at may mga inirekomenda siyang mga gamot para sa kapatid ko at nagpaalam lang saglit dahil may ibang mga patient pa daw siyang kailangang i-check.

"Holmes? Naaalala ko ba yung nangyari sa'yo bago ka magising dito?" Bigla namang tinanong ni Sept si Citrine, dahilan para mapatingin siya dito.

"No, I don't." Sagot lang nito.

"Mas mabuti na 'yun kesa sa maalala mo pa. Hindi mo rin naman gugustuhing maalala pa iyon eh." Sagot niya na sinang-ayunan nang lahat.

"But I just feel weird." Sabi niya kaya nagtaka kami. "Before waking up from this bed, I had a dream and in that dream, I am in a little house made of wood and I am talking to three people. Dalawang matanda at isang kasing edad ko lang ata. I can't see their faces because it's blurry, but I have a feeling na parang isa iyong Deja Vu." Dahil sa sinabi niya ay napatingin kami sa isa't-isa at natahimik ang loob nang silid kung nasaan kami. "Did I say something wrong?" Sabi niya at walang sumagot ni isa sa amin. Naging awkward ang atmosphere, pero nawala din iyon dahil nagsalita si Kevin.

"How 'bout we talk some things that doesn't involve the past. Nakaraan na iyon at hindi na maibabalik. Let's talk about our future, kung ano yung gusto nating gawin yeah?" Sabi nito na sinang-ayunan naman ni Mark. Si Mr. and Mrs. Abela naman ay nagpa alam na pupunta muna saglit sa bahay ni commander at donya para daw bumisita. Si papa naman ay sumama na rin. After the incident, nagkasundo ang lahat nang pamilya namin. At ang laki nang twist, dahil si Lei at Tyler ay pinsan pala namin ni Citrine.
Ganito kasi iyon...

Si commander at donya ay lolo't lola pala nila Lei at Tyler dahil ang mga ina nito ay anak mismo nang mag-asawa. Ang ina ni Lei ay isang doctor sa Seoul at yung ina pala ni Tyler ay iyong principal nang school namin, which is yung lola ni Jorie. Meaning to say, tito niya pala si Tyler.

Sa case naman namin ni Citrine, kaya naging pinsan namin sila dahil nakuha namin ang apelyido nang De Luna. Kahit na malayo ang family ranking namin sa pamilya nila Lei at Tyler, naging magkamag-anak parin kami dahil sa apelyido namin. Isa pa, may lahing De Luna ang ama namin ni Citrine dahil si papa ay nagtrabaho under commander's right hand and trusted brother at yung papa naman ni Citrine ay pamangkin ni donya. Kaya sa huli. One big happy family pala kami kahit na mukha kaming mga strangers sa isa't-isa dati.

To make it simple... Pinsan ko si Lei, si Tyler, si Jorie, si Mark, si Kevin at si Citrine. Lolo at lola ko sina commander at donya, and the rest? Mga tito't tita ko na. That makes the De Luna family complete. At paano ko nalaman? Simple lang...

Ina ni Tyler ang nagsabi sa amin nang lahat. Dito sa hospital sinabi, nung time na pumunta lahat nang family namin para bisitahin si Citrine, kinuwento nila isa-isa. Lahat sa amin, walang labis, walang kulang. Doon din namin nalaman ang totoong dahilan kung bakit iniwan kami sa mga kamay nina commander, at imbes na ako, ay yung mga kasama ko ang naiyak sa kwento. Masyado kasing cheesy, kaya ayoko nang ikuwento.

At ngayong nagising na yung baby sis ko. Panibagong buhay nanaman ang haharapin namin. Not as an adopted child anymore, not as bullies to each other, not as strangers to each other, but a big happy family together.


WRITTEN BY:
minaurum

©All rights reserved
2019

Bullied to Love [Revision On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon