Third Person
(After three years~)Nagmamadali ang lahat sa kanilang ginagawa ngayon. Ang buong St. Francis Village ay nagsasaya habang ang iba naman ay natataranta na. Yung iba naman ay excited na. Hindi na kasi nila mahintay pa ang pagsisimula nang kasiyahan. Ngayon kasi ang kaarawan ni November Citrine Holmes De Luna Abela. Ang kaniyang ika labing walong kaarawan ay ipagdidiriwang na at napagpasiyan nang pamilya De Luna, lalo na nang padre de pamilya nang Abela na sa buong Village ito ipagdiwang. Nagkasundo sila nang padre de pamilya nang De Luna kaya isang enggrandeng handaan ang naganap. Lahat nang mga tao sa Village ay imbitado, kaya makikita mo ang tawanan, kulitan at asaran nang lahat. May mga naka pormal na suot, meron din namang katamtaman lang.
Sa bahay naman nang pamilya Abela ay hindi na mapigilan ni Kevin na katukin ang kwarto nang kapatid na babae.
"Mama? Tita? Hindi pa ba tapos 'yan? Andami na pong naghihintay sa labas... Nakakahiya naman po kasi sa kanila." Sabi nito at sinubukang pihitin yung pinto, pero bigo siya, sapagkat nakakandado ito.
"Konti nalang anak, matatapos na kami. Simulan niyo nalang muna doon at susunod nalang kami." Sagot naman nang tita nito, kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumaba at sabihin sa dalawang nakaupo sa sofa ang narinig na sagot nito.
"Ano ba naman itong mga babae na ito? Aayusan lang yung bunso eh katagal-tagal pa." Sambit naman ni Mr. Abela, kaya natawa ang panganay.
"Hayaan na natin sila papa. Minsan lang sa buhay mangyari ito eh. Alam mo na, para maging memorable talaga." Sabi pa ni Mark habang kumikindat pa. Lahat sila ay naka formal attire. Si Mark ay naka kulay blue na formal na may necktie na navy blue, si Kevin ay naka all black, ang ama naman nito ay naka brown. Nauna na nga silang lumabas gaya nang sinabi nang mga babae at naghintay muna sila nang limang minuto bago simulan ang kasiyahan.
Naupo na ang lahat nang marinig ang boses ni Mr. Abela sa stage. Kasama nito si Mr. De Luna at todo ngiti ang mga ito.
"Ngayon ang araw na pinaka hinihintay nang lahat. Ang kasiyahang hindi malilimutan. Dito, simula sa araw na ito, ay kasiyahan ang mamumutawi. Lahat ay ngingiti at magsasaya. Ito ang kaarawan nang aking anak. Ang anak na matagal nang nawalay sa akin. Anak na hindi ko alam nakalimutan ko na pala. Anak na simula ngayon ay makakasama ko na." Umiiyak na nitong sinasabi, kaya napaluha na rin ang ilan sa mga nandoon. "Kumpleto na ang aking pamilya, kaya wala nang mas hihigit pa, sa pamilyang minamahal ko na." Pumalakpak ang mga tao pagkatapos niyang magsalita, magpunas siya nang luha at ibinigay kay Mr. De Luna ang mikropono.
"Masyadong masaya ang padre de pamilya natin ngayon ah? HAHAHA!" Natawa ang lahat sa sinabi nito, maski ang amang tinutukoy ang napatawa na rin. "Matagal kong nakasama ang batang iyan. At ang masasabi ko lang? Sobrang tapang niya, hindi niya man ipakita nang harapan, madali mo lang namang malalaman. Kahit na naging malupit ako sa kaniya, nagawa niya parin akong ituring na parang isang totoong ama." Sabi nito at tinignan ang litrato na nasa tarpauling malaki na nakasabit sa stage. Napangiti siya dahil sa ganda nang ngiti nang dalaga. "Masaya ako dahil kahit papaano ay kamag-anak ko parin siya. At simula ngayon ay gagawin ko ang lahat lara hindi na maulit pa ang mga nangyari noong nakaraan." Sabi nito at nagpalakpakan nanaman ang lahat.
Bumaba na silang dalawa at naupo sa lamesang nasa pinakaharapan kung saan sila pupwesto. Nakita naman nila ang mama ni Tyler na kasama ni Mrs. Abela sa kwarto ni Holmes kanina, kaya napangiti sila. Magsisimula na ang kasiyahan.
"Magandang gabi sa inyong lahat... Ako si Rhyle Anderson tita nang ating debutant ngayon at masaya akong ipinakikilala sa inyo ang ating turning 18 baby girl... Si November Citrine Holmes De Luna Abela." Nang banggitin ni Rhyle ang pangalan ni Holmes ay dahan-dahang naglakad ang isang babaeng nakakulay blue na gown.
Au:
Nevermind the face guys, it's not her. Just look at the gown, yan yung tinutukoy diyan.Madami ang kumuha nang pictures sa kaniya. Halos lahat nang nadoon ay nagflash ang mga camera nang unti-unti siyang lumabas kasama ang ina niya.
"Siya ang babaeng masasabi kong matapang, maganda, mabait at higit sa lahat, may takot sa panginoong diyos natin." Sabi pa ni Rhyle at ibinigay kay Holmes ang mic. Medyo kinabahan naman si Holmes kaya hindi siya nagpaiwan. "Ok lang 'yan, samahan ka nalang namin dito." Sabi ni Rhyle at napangiti nalang ang dalaga.
"Ugh... Wala po akong masyadong masasabi. Medyo mahirap pong magsalita, lalo na kapag wala kang masyadong maalala sa mga kaganapan nang nakaraan mo HEHEHE!" Dumagundong naman ang tawanan sa paligid, kaya ngumiti nalang si Holmes. "Pero wala po akong pagsisisi sa pagkalimot ko, dahil hindi naman po nawalay sa akin ang pamilya ko. Nagpapasalamat din po ako sa lahat nang mga gumabay sa akin until now, nasa tabi ko parin kayong lahat. And that' what matters the most for me." Sabi niya at lahat ay naluha sa sinabi niya. Mahaba ang naging speech ni Holmes, pero lahat iyon ay worth it dahil nagawa niyang pangitiin ang lahat nga mga tao.
Pagkatapos nang speech ay nagkaroon nang sayawan sa 18 candles, 18 roses at iba pa. Kumanta din ang magpipinsan at si Holmes at vocalist. Natuwa ang pamilya nila. Ikaw pa nga ni Mrs. De Luna...
"Pwede na tayong bumuo nang isang banda. Sila ang performers." Nagtawanan naman ang mga kasama nito sa mesa.
Para sa kanila ay ito ay isa sa mga masasayang araw nila. Puno nang tawanan, kantiyawan at asaran ang paligid. May mga lumalapit sa magpipinsan para magpa picture. May mga lumalapit kay Holmes para makipag kaibigan. Masaya ang lahat.
Pero ang pinakamasaya sa lahat ay si Felix. Dahil alam niya na wala nang gulong mangyayari. Alam niyang magiging maayos na ang lahat. Kumpleto na ang lahat para sa kaniya at wala nang kukulang pa dito. Alam niyang panibagong buhay nanaman ang sisimulan nila bilang magpapamilya.
WRITTEN BY:
minaurum©All rights reserved
2019
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?