Chapter 22

5 1 0
                                    

November

"Holmes?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Kevin. Napatingin ako dito at bigla ko nalang nabitawan si Felix, kaya nahulog ito na kinakapos pa rin nang hininga.
Ako naman ay napapunta sa ka miyembro ko at tinulungan itong tumayo. "Ano'ng nangyayari? Bakit parang ang sama nang aura mo?" Mahinang tanong niya, pero dinig ko pa rin ang konting pagdaing niya kahit pilit niya itong tinatago. "Nasaan ang ibang mga kasama natin?" Tanong pa nito at ngayon ko lang napagtantong, wala nga dito yung iba.

Napalingon-lingon ako sa paligid at nakita ko naman silang apat na nasa dulo at nag-aalalayan sa isa't-isa habang namimilipit sa sakit si Sept. Hindi ko man lang napansin ang lahat nang iyon. Tinulungan ko si Kevin makatayo at inalalayan ko siya papunta doon sa mga kasamahan namin. Nang makalapit ako, ay napansin ko na parang lumalayo sila sa amin. Ewan ko lang kung sa kaniya ba? O sa akin, pero nang hahawakan ko na sana si Risza ay nagulat ako nang sigawan ako nito.

"Lumayo ka sa'kin! 'wag mo akong hawakan!" Napagtanto ko naman na pareho lang ang sinasabi nung iba, kaya hindi na ako umimik at basta nalang na inilagay si Kevin sa tabi nila.

Lumabas ako nang hindi nagsasalita para pumunta kaagad ako sa clinic. Nang makalapit ako sa ngayon ay nagkukumpulang ka-grupo ni Felix, dahil sa parang siya pa ata yung napuruhan, ay hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon na lang ang takot nilang umiwas sa akin habang hinahawakan si Felix na parang isang mahalagang tao na kailangang protektahan.

Hindi na ako lumingon at baka lumala lamang ang sitwasyon, bagkus ay lumabas ako at ipinagpatuloy na ang gagawin. Habang naglalakad sa hallway ay iniisip ko kung bakit ko nga ba nagawa ang bagay na iyon.

Bakit nga ba? Dahil ba sa pananakit niya sa mga kasama ko? Dahil ba sa naubos na yung pasensiya ko? O baka tama siya na... Iba talaga ang ugali ko at hindi ko alam yun.

Puno nang isipin ang utak ko ngayon at wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari kanina. Napatingin nalang ako sa mga kamay ko. Naikuyom ko ito nang wala sa oras at inis na ibinagsak.

Siguro nga tama nga siya. Siguro nga nakuha ko na yung ugali niya. Siguro nga sinusunod ko ang mga yapak niya.

Naluluha kong nilakad ang hallway. Sobrang sakit nang dibdib ko at naninikip ito habang inaalala ang mga kaganapan kanina.
Hindi naman kalayuan nang makita ko yung clinic, kaya sinubukan kong iwaksi ang isipin kanina, at nagmadali na akong pumasok doon.

Nang makapasok ay binati kaagad ako nang head nurse doon. Sobrang ganda niya at napaisip naman ako kung ano yung itatawag ko. Mukha pa kasi itong bata, at wala pang asawa. Pero bahala na. Kailangan ko lang naman nang tulong para mapagamot yung mga kaklase ko. Napansin niya naman ako kaagad kaya ngumiti ito.

"Ano'ng maitutulong ko sa'yo ija?" Tanong niya sa akin.

"Ma'am-"

"Naku po! Ms. Ramos, kailangan ko ang tulong mo!" Nagulat ako nang maputol ang sasabihin ko. Napatingin ako sa maestrong nagsalita bigla sa likod ko at nagulat din ito nang makita ako. "Ikaw! Pumunta ka sa guidance office, ngayon na!" Nagulat ako nang makita si Sir Dela Fuente na galit na nakatingin sa akin.

"Sir? Ano po ang nangyayari?" Tanong naman nung nurse. Si Ms. Ramos daw.

"Kailangan ko ang tulong mo. Ang dami kong mga estudyanteng sinaktan nitong maliit nga, pero daig pa lalaki kung manakit!" Sabi pa ni sir, kaya napayuko na lamang ako at hindi na nagsalita.
Ipinasok naman kaagad ang mga ka grupo ko. Sina Kevin, June, April, Sept at Risza kasunod nina Felix, Larry, Luke, Lysa, Pia, at Wes.

"Dyos ko po! Ano ba ang nangyari?" Nagulat na tanong nang nurse pero hindi lang ako umimik.

"Maiwan ko na muna sila sa'yo, kailangan ko munang disiplinahin itong bata'ng 'to." Sabi niya at pinasunod kaagad ako sa office.

Bullied to Love [Revision On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon