Chapter 24

2 1 0
                                    

November

Nagising nalang ako na nananakit yung ulo. Nagulat pa ako saglit nang tignan ko yung paligid ko. Akala ko patay na ako at nasa langit na nang mga kaluluwa, pero naalala ko na nandito lang pala ako sa dating paraiso na ngayon ay impyerno na para sa akin.

Kung hindi lang sana siya lumipat dito. Kung hindi nalang sana ako ang nabigyan nang titulong 'yon!

Nanguyom ang mga kamay ko dahil sa naisip. Ang sama nga siguro nang kapalaran ko at ganito ako. Akala ko pa naman nung hinayaan ko nalang na matulog ako ay mawawala nang lahat nang gulo sa isipan ko, pero nagkamali ako. Mas lalo lang palang papasok sa isipan ko iyon.

Tinignan ko nalang ang relo ko at napagtanto ko na halos tatlong oras na pala akong natutulog. Siguro dahil sa gusto kong kalimutan ang lahat, kaya inisip ko na wag nalang magising. Pero kailangan kong tumayo. Kailangan kong gawin 'to. Ito lang ang paraan para makaalis ako sa problemang ito. Ayoko na. Pagod na ako. Kailangan ko nang lumaban. Kahit pa sila ang mas nakakataas.

Tumayo na ako sa kinahihigaan ko, at binigla ko naman ito kaya nahilo ako saglit at parang mabibiyak na ang ulo ko, sandaling nawala ang isipin sa akin dahil sa pag igting nito, pero buti nalang at nawala din ang sakit nang ulo ko kaya nakatayo na ako nang tuwid.

"Ambilis naman nang oras." Saad ko sa sarili nang makitang alas tres na pala nang hapon.

Nagdadalawang isip naman ako kung babalik na ba ako sa room o hindi pa, pero dahil nga sa isang oras nalang din naman ang hihintayin ko doon ay napagpasyahan ko na bumalik nalang. Tinignan ko muna ang paligid ko at nilasap muli ang malamig na hangin na nagmumula sa mga puno dito. Pagkatapos ay pumunta na ako sa entrada nang garden at lalabas na sana nang makitang may nakaupo sa may bench, di kalayuan sa kinaroroonan ko, kaya napahinto ako at tinignan kung sino man ang nandodoon.

Si Kevin lang pala. Hahakbang na sana ako nang ma realize ko na. Baka malaman niya ang patungkol sa lugar na ito. Kaya naman ay naghintay muna ako nang ilang minuto at nanalangin na sana ay umalis na muna ito para makalabas na ako dito.

"Kev!" Tawag sa kaniya nang isang boses lalaki. Hindi ko makilala ang boses nito.

"May problema ba?" Rinig ko na tanong niya.

"Wala naman, papasama lang sana."

"Para saan?"

"Hehe, gagawa nang assignment? Sa library sana." Sabi pa nito at nakita ko naman ang pagtango ni Kevin sabay alis nito kaya napanatag na ang loob ko.

Ayaw ko kasi muna na lumapit sa kahit na sino man sa kanila. Ayaw ko na makarinig pa nang masasakit na salita, lalo na at galing sa kanilang mga kaibigan ko. Anyway, dahil sa wala na rin naman akong nakikitang ibang tao dito ay lumabas na ako at inayos ang entrada para hindi halatang may daanan dito. Umalis na rin ako kalaunan at dumiretso muna sa canteen.
Pagdating ko doon ay nakita ko nanaman yung nambu bully sa akin at mukhang may napag diskitahan nanaman siya maliban sa akin.

Hindi ko nga lang makita kung sino man yung binubully niya dahil nakatalikod yung lalaki sa akin at nahaharangan niya yung binubulas niya.

"Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin?! Hindi ko nga alam kung nasaan siya kaya pabayaan mo na ako!" Rinig kong wika nang isang pamilyar na boses nang babae. Nakaramdam ako nang biglang kaba, parang kilala ko yung babae yun ah?

"Uy 'min? Tama na kaya yan, you've done too much na eh." Sabi naman ni Lei sa kaniya, kaya napatingin ako dito. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko parin kung paanong parang pakiramdam ko eh kilala ko siya.

Bullied to Love [Revision On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon