Felix
Flashback~"Hindi ka parin talaga nagbabago. Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Then why follow his steps."
"Wag mo akong ihalintulad sa kanya. Iba ang pamamaraan namin nang pag execute nang plano."
End of Flashback~
Simula nung matapos ang palitan namin nang usapan kanina, ay hindi na kami muling nagka-usap pa at hindi na kami nag pansinan ni Citrine. Nakakatawa yung hitsura niya kanina, mukha na siyang papatay nang tao.
Pero yung nakapag painis nga lang talaga sa akin, ay iyong hindi niya pagkagalit sa akin. Kaya ko nga siya iniinis para makita nang lahat kung ano yung ugali niya, at malaman nang lahat ang katauhan niya para mapa sa akin ang titulo, pero hindi maipagkakailang malakas talaga ang hinayupak na yun eh!
Asar pa 'tong teacher namin sa M.A.P.E.H na dumagdag pa sa problema ko. Hindi ko tuloy siya pwedeng kausapin kapagka oras ni sir. Asar talaga!
"Woy! De Hunyo? Bakit ang lalim ata nang iniisip mo?" Tanong ni Luke na isa sa mga ka grupo ko. Hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi ko naman alam kung sino ang may pangit na pangalan na yun.
"Malalim ang iniisip ni Felix ngayon kaya wag nyu na munang guluhin." Sabi naman ni Larry na ikinagulat ko. Ako pala yung pinag-uusapan nila.
"De Hunyo?! At kelan pa naging ganyan kapangit ang-" Doon ko lang din na realize na nagtatago lang pala ako nang identity ko. Kaya napatikom kaagad ang bibig ko at napa poker face.
"May problema ka ba De Hunyo?" Tanong naman sa akin ni Lysa na akala mo eh ang ganda mag pronounce nang malademonyo kong apelyido, boses manok na paos naman.
"Wag nyo akong alalahanin, napapagod lang ako. At saka pwede ba? Wag nyo akong tawaging De Hunyo? Felix nalang." Ampangit kasi pakinggan eh. Namili nalang kasi nang apelyido si Citrine, di pa man lang ginawang Stanford o Mendeliv. Edi sana ang angas pakinggan. De Hunyo ba naman amp! Mukhang naka survive sa WWII amp!
Yan ang naisip ko at nanahimik nalang habang isinusubo ang binili kong spaghetti. Hindi ko pala na sabi sa inyo na nandito kami ngayon. Ang buong grupo nang P.E group, sa canteen para mag recess obviously. Nagkasundo kasi kaagad ang buong grupo at andami kaagad nilang nai share sa amin patungkol sa buhay nila.Habang ako naman ay nanahimik nalang at sumasabat kapag tinatanong ako. Yun nga lang, kapag sinusubukan nilang halungkatin ang buong buhay ko ay inililihis ko ang topic sa iba, baka kasi may malaman sila eh.
"Sabi mo eh. Pero alam mo? Kanina ka pa tahimik. Ano bang iniisip mo? Pwede mo naman sigurong i share para makapag advice kami kung problema man yan." Sabi ni Wes sa akin na ikinatingin ko lang sa kanya with matching poker face. Sa lahat kasi nang mga ka miyembro ko dito, siya lang ang kanina pa tanong nang tanong sa akin. Ganoon ba talaga ako ka problemado sa paningin niya. Pero dahil simula ngayon ay magiging kasama ko naman na rin sila, ay pwede naman na siguro akong mag share nang buhay ko.
"Naiinis ako kay Citrine." Sabi ko nalang na ikinatingin nilang lahat sa akin.
"Who is Citrine by the way?" Tanong ni Larry, ang pangalawa sa aming matalino dito. Well, I am the first in rank dito sa amin when it comes to brain. Pero nang marinig ko siyang magtanong ay nagulat ako. Oh shit! Busted! Naisip ko pero hindi ko pinahalata sa kanila na nagulat ako and still kept my pace.
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?