Chapter 21

6 1 0
                                    

Third Person

Halos hindi makapaniwala sa nakikita ang lahat nang dalhin sila ni Kevin sa isang kainan na hindi pa nila napupuntahan kahit kailan. Manghang-mangha sila dahil sa sobrang ganda nang loob nito at kung baguhan ka palang ay iisipin mong isa itong five star restaurant dahil sa ganda pa nang musika nito.

"Ugh... Kev? Sigurado ka bang dito tayo kakain? Baka kulangin ako sa pera ko eh." Sabi ni April habang hindi naman mapakali sa kakatingin sa paligid si June at Sept. Si Risza naman ay hindi pa umiimik dahil sa sobrang mangha niya sa paligid.

"Baka maubos yung pera ko sa credit card ko ha? Konti lang ang laman nito. Isa pa, ayaw ko nang masyadong gagastos." Napatingin ang lahat sa sinabi ni November. Kita sa mukha nang mga ito ang pagkagulat kaya nagtaka si November sa ikinilos nila.

"May credit card ka na? Pero akala ko ba hindi ka makakakuha niyan hangga't wala ka pang trabaho?" Tanong ni June.

"Baka bigay ni papa niya o ni mama niya?" Sabi naman ni Sept kaya napatango na lamang yung iba.

"So, sure na ba kayo dito?" Nagdadalawang isip na tanong ni Risza sa lahat. Napatingin naman sila kay Kevin.

"Napaka kabado niyong lahat ha? Don't worry dahil ilang beses na akong kumain dito at kahit nung mga nakaraang years ko diyan sa Reix High School at hindi ko pa kayo nakikilala ay dito na talaga ako kumakain." Paliwanag naman ni Kevin, kaya sa huli ay napapayag niya rin ang lahat. "Ako na ang o-order, diyan na kayo." Nakangiting sabi niya pa sa lahat.

"Uy! Teka! Ito yung bayad ko." Sabi ni Risza at sumunod naman ang lahat.

"No need guys. Promise, hindi tayo napapamahal dito." Nakangiting sabi nito at umalis.

Nagdaldalan lang sila saglit at makalipas ang dalawang minutong paghihintay ay bumalik na si Kevin.

"Buti walang masyadong tao dito ngayon. Dati kasi, halos mapuno na ito sa sobrang pagdagsa nang tao." Natatawang sabi nito.

"Syempre, kakain sila sa malapit sa kanila, dahil isang oras lang ang pahinga at tuloy ulit ang trabaho o klase." Sabi naman ni Sept na sinang-ayunan nang lahat.

"Nga pala. Nasaan yung resibo nang mga pagkain?" Tanong ni November at ibinigay naman ni Kevin sa kaniya ang hinihingi. Napatingin din naman si Risza dito, dahil nasa tabi niya (November) lang ito.

"Wow! Ang mura pala?! Tignan nyu guys. Fifty pesos lang ang nagastos niya para sa ating anim!" Gulat na sambit niya kaya napatingin silang lahat sa ngayon ay nakangising si Kevin.

"Wow! Kaya pala nagpupumilit HAHAHA!!!" Biglang tawa ni June, kaya napatawa na rin yung iba. Si November naman ay napangiti.

"Whooop? Did I just saw the one and only November Holmes De Hunyo smiling?" Tanong ni Risza na nang-aasar pa, kaya napa poker face ulit si November.

"Pinagsasasabi mo?" Tanong niya at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Say all you want, pero may nakita ako." Pang-aasar pa nito, pero hindi na siya sinagot ni November, kaya napanguso nalang siya. "Nubayan? Kailan ka ba matututong makisabay sa uso ngayon ha?" Tanong niya na ikinatingin ni November sa kaniya na nagtataka.

Bullied to Love [Revision On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon