June
Oras na para sabihin ang pangalan nang bawat grupo. Lahat nang lider ay nagsipunta na sa harapan. Mayroong pagpili kung sino ang mauuna, at sa bawat sasabihin ay may points na sapat para sa grupo.
sakto namang napunta ito kay Michael kaya nagsalita na siya."Mula sa grupo nang mga magagaling! Magtutulungan kami, magkakaisa para sa grado namin! Ako, si Michael Diaz. Ang grupo nang grupong tinawag na The Chosen One!" Pagkatapos nang mga sinabi nito ay nagkaroon nang ugong nang sigawan sa room.
"Mabuhay ang TCO!"
"Mabuhay!" Sigawan nang bawat miyembro nito. Hindi rin maipagkakaila, eh kaya naman kasi The Chosen One, ay dahil palagi nalang sila ang napipili kapagka may mga pageants or mga activities sa school na may kaugnay sa runways.
"Sige, sige. Ngayon sa grupo naman tayo ni... Felix Jade De Hunyo." Palakpak lamang ang isinagot nang grupo at wala nang ibang ingay.
"Felix Jade De Hunyo representing the most fearsome genius group of all groups ever made. P.E group." Taas kamaong sambit nito at dito nagkaroon nang sigawan mas malakas pa sa una ang ingay na ito.
"P.E group! Stands for?" Sambit naman ni Elena.
"People of Einstein!" Sagot nang grupo, kaya nagpalakpakan ang lahat.
"Wise decision for making the groups name out of my subject. Pero hindi ibig sabihin nun na may incentives kayo sa akin." Napatango lamang ang lahat nang nasa grupo.
Hindi rin ako makatanggi sa pangalan nang grupo nila. Lahat naman talaga sila sa grupo na iyon ay matatalino eh. Nasa top yang mga yan last year. Hindi na nakakagulat kung pati ngayon.Kusang naglakad si Mavis sa harap nang walang sinasabi ang teacher. Nagsalita na rin ito kaagad.
"Good morning everyone. I am Mavis Leandro, leader of the group, descending from the east... Obviously, Eastwood group." Sabi niya na ikinagalak nang lahat. Eastwood? Dahil ba lahat nang nasa grupo niya ay sa East part nang room nakaupo?
"May I ask why Eastwood ang name nang group ninyo? No offense." Tanong ni sir sa kanya, kaya lahat nang miyembro niya ay nagsitayuan.
"That is because, we all sit at the East part of the room. And we came up with the word wood for we are sitting in a chair made out of wood." Isa-isa ang sagot nang lahat, kaya medyo na impress ang teacher dito.
Kami naman ay napatanong. Bakit nga ba Pearl of Phoenix ang name nang grupo namin? At si November ang sasagot. Sana maging maayos ang pagpapaliwanag niya. Tumayo na ito dahil tinawag na siya ni sir.
"November? Ayoko sanang sabihin sa'yo to, pero... Please, step aside your attitude and you know what I mean. Try to speak friendly, ok?" Sabi ni April sa kanya na parang kinakabahan pa dahil alam naman namin kung anong ugali meron si Nov.
Hindi naman sumagot si Nov at basta-basta nalang dumiretso sa harap na ikinakaba namin lalo.
"Hindi niya talaga kayang gawin yun. Ganiyan na siya eh." Si Risza naman ang nagsalita na parang gusto nang umalis kanina pa.
"Ano nalang ang gagawin natin? Baka mabawasan tayo nang points kaagad dahil sa attitude niya." Naiiyak na saad naman ni Sept. OA mo teh.
![](https://img.wattpad.com/cover/201867889-288-k710017.jpg)
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?