November
Ano ba ang pwede kong gawin para tantanan na ako nang kamalasan?! Nakaka irita na eh. Oo nakakapagpigil pa ako, pero dati yun. Malapit na kasi akong maubusan nang pasensiya eh. Konting-konti nalang, makakasapak na ako! Ayos na sana yung araw ko dahil wala nang magulo, kaso pagka labas ko nang C.R. eh mukha kaagad nung isa sa mga asungot nung lalaking bully sa akin ang nakita ko. Dalawa sila actually, yung isa ay yung pamilyar sa akin yung mukha, tapos yung isa? Ok, pareho silang pamilyar. Hindi naman nila ako napansin dahil mukhang seryoso naman yung pinag-uusapan nila eh, yun nga lang, nang mapadaan ako sa likod nila, eh nagulat ako nang tawagin ako nung tinatawag niyang pulbo.
"Hindi ba't ikaw yung binu bully ni Jorie?" Tanong pa nito sa akin, pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad papalayo, hindi na inisip yung tanong niya.
"Ano ka ba naman? Wag mo siyang takutin. Baka mamaya, eh maihi yan sa sobrang takot." Pangungutya pa nung isa.
Kalma Citrine, 'wag mo nalang silang pansinin. Tuloy lang sa paglakad.
Sabi ko sa sarili ko at hindi na huminto. Sinubukan ko ring kalimutan yung mga sinabi nila.
"Nanginginig yung tuhod niya oh?" Sabi pa ulit nung isa, and this time ay hindi ko na napigilan ang sarili at huminto na. Humarap ako sa kanila at kita ko naman ang mukha nung katabi nung pulbo na parang nananadya talaga siya, at nang-aasar pa. Naka ngisi niya kasi, parang nang-iinis eh. Yung pulbo naman ay hindi na maipinta yung mukha dahil sa takot nito. Ansama na kasi nang tingin ko sa kanila eh.
"Ano ka ba naman Tyler. Ginalit mo na ata siya oh?" Sabi nito at napatingin naman yung Tyler na katabi niya.
"Huwag mong sabihin na natatakot ka sa kaniya? Babae lang 'yan. Kinakana lang yan ni Jorie." Sabi pa nito na lalong nakapag pa igting nang tenga ko at siyang ikinagalit ko nang todo.
"Ano ba'ng problema nyo sa akin? Inaano ko ba kayo at pinagdedeskitahan nyo ako?" Tanong ko nang harapan sa kanila, dahilan para mapatingin sila sa akin.
"Hanla??? Ano yun? Eh yun yung sinasabihan namin oh? Hindi naman ikaw." Sabi nung Tyler at nagturo pa nang estudyante, napatingin din ito sa amin saglit at maya-maya lang ay umiyak ito habang tumatakbo papalayo sa amin.
"Tch! Sino kaya sa atin ang duwag? Nagtuturo ka pa, eh alam naman nating lahat kung sino yung tinutukoy mo dito eh. Isa pa, ako lang naman ata yung binu bully nung kasama mong kampon ni satanas." Sabi ko habang naka kunot ang noo. Kita ko naman ang paglaki nang mga mata nila at pagkainis.
"Excuse me lang ha? Huwag mong matawag-tawag na kampon ni satanas ang kaibigan ko, kung ayaw mong ako ang makaharap mo." Malakas na loob na sabi sa akin nung pulbo. Sa tingin niya ba matatakot ako sa kaniya.
"Bakit? Hindi ba totoo? Naging miserable lang naman ang araw ko dito sa school nang dahil sa kaniya. Kung hindi sana siya dumagdag sa isipin ko dito, edi sana tahimik yang buhay nyo at pati na rin ang buhay ko." Sabi ko din sa kanila, pero hindi pa rin sila talagang nauubusan nang salita.
"Tss. Pwede ba? Ano naman ngayon kung magugulo buhay mo? Edi lumipat ka nang ibang school. Bunso namin kinakalaban mo, at kung gusto mo, lumipat ka nalang sa iba." Sabi pa ni Tyler.
"Tch! Alam nyo na palang bunso nyo eh. Ang mga bunso ay masyadong immature, kaya dapat turuan nyu nang magandang asal yang bunso kuno nyo." May diing sabi ko at natahimik naman sila. "Maka alis na nga. Baka maka sapak pa ako." Sabi ko nang walang anumang gana sa boses at iniwan silang natameme doon sa kinatatayuan nila.
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
AzioneDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?