Kevin
Ang saya na sana nang araw ko, kasi ayus na kaming dalawa ni Holmes eh. Kaso, tangina! Bigla ba namang sumingit sa eksena yung lalaking nakita ko na kasama ni Holmes kahapon. Bwisit tuloy, sira na araw ko. Lalo na nung makita siya ni Holmes.
Pero ang ipinagtataka ko lang, eh bakit parang lumalayo ata si Holmes sa kanya? I mean, magkasama sila kahapon, at ok naman yung pag punta nila sa gym at parang normal na nag e sparring lang. Pero bakit kita ko sa mukha ni Holmes kanina na para bagang may galit sa mga mata niya? Para bagang ayaw niya na makita yung lalaki na ito dito. Tatanungin ko nalang siya pagkatapos ng klase.
Meron pa akong ipinagtataka. Kung magkasama sila ni Holmes kahapon, bakit hindi niya kilala si Holmes? Ano yun? Magic? Lokohan lang ganoon? Nagka amnesia kaagad 'tong mokong na 'to after nila mag sparring kahapon?!
"Tch! Nakakatawa." Bigla kong naibulalas, kaya napatingin sa akin ang lahat.
"Mr. Abela? May problema po ba?" Tanong sa akin ni Ma'am Estepa habang kumukuha na sana ng chalk, kaso nga lang, napurnada dahil nga sa kaanohan ko.
"Wala po ma'am, mayroon lang po kasi akong naalala, sorry po." Sabi ko nalang at tinignan siya sa mata para maniwala nga siya. Napatingin naman ako kay Holmes na nakataas na yung kilay sa akin ngayon. Tapos bigla niya akong tinignan na para bang sinasabi niya na: 'Mag-usap tayo mamaya.' Kaya wala na akong nagawa kundi tumango nalang. Baka sakaling makakuha ako nang sagot mula sa kanya.
"Ngayon. Tatanungin ko kayo. Ano ang pagkakaintindi ninyo sa salitang Sanaysay?" Tanong ni ma'am at tiningnan niya kaming lahat at tinawag niya naman yung lokong nasa tabi ko, at tumayo naman din ang uto-uto.
"Ang Sanaysay po ay isang uri ng akda na siyang naglalaman po ng kuro-kuro ng awtor o nang may akda." Sagot niya naman, kaya kahit na ganoon lang ang sagot niya ay pumalakpak ang mga kaklase kong mga babae sabay sabi ng kung ano-ano sa kanya. Matalino daw, pogi. Aba! Hayop lang ha?! For the info, hindi siya pogi! Hindi siya gwapo! Dahil mas gwapo ako sa kanya!
"Salamat sa iyong sagot Mr. Felix." Nakangiti pang saad ni ma'am at pinagpatuloy naman niya yung klase. Maya-maya pa ay nagpalabas siya ng papel at magkakaroon daw kami ng short quiz. Andami namang nag reklamo, pero mas marami naman ang nagpaparinig dito sa katabi ko na gusto daw nilang mangopya. Anlalakas naman talaga ng loob ano?
Natapos na yung quiz namin at andami paring nagrereklamo hanggang sa huli, tapos nag check na. Palitan ng papel, nagpalit kami ni Holmes kahit na sabi ay exchange with your seatmate daw. Ayoko nga! Baka mamaya niyan eh dayain pa nitong mokong na ito yung papel ko. Wala akong tiwala sa kanya, pagkatapos niyang balewarain si Holmes kanina! Hmmph!
"Mr. Abela? Ang sabi ko ay seatmate, hindi forward." Napansin pa talaga pala ako. Hayst.
"Ma'am, pwede po bang kay Holmes nalang ako magpa check ng papel? Sa kanya lang kasi ako may tiwala sa ngayon." Sagot ko na binigyang diin pa yung salitang 'tiwala'. Hindi naman sa nagpaparinig ako sa katabi ko ha? Pero, parang ganoon na nga.
Nagkatinginan pa kami ni ma'am ng ilang segundo pa, bago siya umiwas at pinayagan din naman pala ako.Tapos na ang pag che-check ng mga papel at nag sabihan na nang score. Hindi nga lang ako makapaniwalang kaming tatlo pang yung naka perfect. Ako, si Holmes, at yung Felix. Huta?! Baka naman coincidence lang na nangyari iyon. Sinuwerte lang siya, panigurado. Kasi, usually, kaming dalawa lang naman ni Holmes ang nakaka perfect sa mga quizzes o kahit sa mga activities. Sa lahat naman eh. Kaya paniguradong sinuwerte lang 'tong tukmol na ito.
"Mukhang mayroon tayong tatlong nag-aagawan para sa Best in Filipino natin ah?" Namamanghang sabi pa ni ma'am na ikinainis ko. Porque na perfect niya?! Parang dati eh dalawa lang kami nun ha?! Pati ba naman ikaw ma'am? Nag pa brain wash ka din?!
"Sige, tapos na ang klase natin. Ah! Bago muna ang lahat, may ibibigay akong assignment sa inyo." At nagkaroon ulit ng ingay na nag rereklamo ang buong room. "Ay shush? Madali lang yun! Kailangan nyu lang hanapin ang ibig sabihin ng Tula at magbigay ng halimbawa dito." Saad nito bago binitnit ang mga kagamitan at nagpa alam na sa amin.Pumunta naman sa harapan si Sept na siyang class secretary namin, at isinulat sa pinaka-sulok ng blackboard ang assignment, para kung may magsabi mang nakalimutan nila ito, ay may proweba kami na hindi dapat ito makalimutan. Ganito kami sa room.
Sabihin niyo nang pabibo, sipsip kami sa mga guro namin, pero ang totoo ay responsable lang kaming mga estudyante dito sa Section 2-A. Lahat gagawin namin para sa grades.Ngayon ay P.E namin at kailangan naming pumunta sa locker room, para magpalit nanaman. Tumayo na ako para kausapin na sana si Holmes. Pero nung tatawagin ko na siya, ay bigla ko silang nakita ni Felix na nagkakatitigan na para bagang nag uusap silang dalawa telepathically. Pero grabe lang ha? Iba yung naramdaman ko bigla. Nanikip kasi yung dibdib ko eh, ano kayang meron?
Nagulat naman ako ng kusang gumalaw yung katawan ko nang hindi ko alam, at hawak ko na pala sa balikat ngayon si Holmes at nakatingin na ito sa akin, pati na si Felix."Ugh... Ano... Tara na?" Naisambit ko na lamang habang nako confuse sa sarili ko.
Buti nalang at tumango lang siya at nagpasiuna nang maglakad papalabas. "Teka lang, hintayin mo naman ako." Sambit ko at huminto naman siya, at nung naabutan ko na siya ay ngumuso ako. "Wag ka namang mang-iiwan nang ganoon lang." Sabi ko, at hindi ko alam pero napansin kong... Ngumiti siya. Wait what?! "Ngumiti ka ba?" Tanong ko nalang bigla at napatingin naman siya sa'kin habang nakakunot ang noo, at kahit na hindi siya mag salita ay alam ko ang ibig niyang sabihin. "Ayiiieee! Ngumiti siya." Pang aasar ko, kaya lalong nangunot ang noo niya. Maya-maya pa, sa sobrang kakulitan ko ay nagsalita siya."Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ako ngumiti, ngumisi o kung ano man yang pinagsasabi mo. Kaya pwede ba? Tumigil ka na? Baka mamaya, layasan kita dito." Sabi pa niya, kaya natawa ako. Habang siya, ay napatingin nalang siya sa akin na para bang naka poker face lang.
Patuloy lang ako sa pang-aasar sa kanya, habang siya naman ay naiinis lalo, kaya itinigil ko na. Baka kasi mamaya ay ituloy niya yung sinasabi niya eh. At ayun, nakarating kami sa locker room na tumatawa ako at siya ay kunot noo.
"Sige, bihis ka na ha? Sabay tayo pumunta sa gym." Sabi ko at tumango lang siya. Sanay na ako, palagi naman siyang ganito eh.
Ano kayang gagawin namin mamaya sa gym?
WRITTEN BY:
minaurum©All right reserved
2019

BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
AksiDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?