November
"Ilang oras pa ba tayo maglalakad?! Pagod na ako eh! Daig ko pa ata nag death march dahil sa haba nang nilakad natin eh!" Reklamo ni Jorie habang nakasunod sa akin sa paglalakad. Paano ba naman kasi, nilibot namin ang buong school para tingnan kung may ibang tao pang gising maliban sa amin, pero lahat sila, talagang tulog at hindi ko alam kung kailan pa sila magigising. Pero naiinis lang ako, dahil kanina pa siya tanong nang tanong kung kelan daw kami natatapos sa kakaikot dito, daig niya pa babae kung mag reklamo amp! "Please naman! Pagod na ako-"
"Bahala ka sa buhay mo. Kung pagod ka na, nasa sayo nalang yan kung magpapaiwan ko o ano." Saad ko at parang nagningning naman ang mga mata niya sa sinabi. Tatangkain na sana niyang umupo nang magsalita ako. "Hindi naman ako ang mahuhuli kapag may mga taong taga labas na naglilibot parin dito hanggang ngayon eh." Sabi ko na ikinalaki nang mata niya at siguro alam niya naman na ang ibig kong sabihin, dahil sa panlalaki nang mga mata niya, kaya napa ayos siya nang tindig at tinignan ako nang masama.
"Pwede naman kasing sabihin kung magpapatuloy pa o hindi na eh, mananakot pa nang ganoon." Inis na sabi niya sa harap ko.
"Ikaw lang ang nag-iisip na tinatakot kita. I am just stating a fact." Sagot ko naman sa kaniya na ikina inis ko.
"Pwede ba?! Ang dami mong satsat eh!"
"Hindi naman kasi ako magdadaldal nang ganito kung gagawin mo lang ang gampanin mo, at yun ay ang manahimik at tulungan akong tingnan kung may mga tao pa bang gising nang maka usad at makalabas na tayo dito upang hanapin ang solusyon sa kaganapang ito!" Kunot noo at halos pasigaw ko nang sabi, kaya natameme ulit siya. Hay, ito na ang pangalawang beses na nainis ako. Iba talaga ang dala nitong lalaking 'to sa akin. Nakakainis.
Nauna na akong maglakad sa kaniya at narinig ko naman ang mga yabag niyang sumusunod sa akin. Pero nakaramdam ako na parang hindi lang kami ang gising. Pakiramdam ko may ibang kaluluwa na nakamasid sa amin dito. Nung una ay hindi ko lang muna ito pinansin dahil sa baka si Jorie lang iyon na naiinis na rin sa akin. Pero nang marinig ko ang pagtigil nang paglalakad niya, ay napahinto na rin ako.
"Humarap ka nang dahan-dahan at huwag kang gagawa nang kahit na ano mang kilos kung ayaw mong dumanak ang dugo nitong kasama mo." Pananakot sa akin nang kung sinong hindi ko kilala. At dahil sanay na ako sa ganitong pam ba blackmail, ay napabuntong hininga nalang ako at humarap sa kung sino mang nagsasayang nang oras ko.
Nakita ko naman ang isang nakamaskarang tao na hawak si Jorie at tinututukan pa ito nang baril sa ulo. Kita ko rin ang pamumutla nang kasama ko, kaya natawa ako sa kanilang dalawa. Nagtaka naman ang hitsura nilang dalawa.
"T-Tangina k-k-ka November... Mamamatay na ako at lahat... T-Tumat-t-tawa ka pa?!" Sambit naman ni Jorie, kaya napa singhal nalang ako.
"Nakahawak o nakakita ka ba nang totoong baril? If not, malas mo dahil madali ka lang matatakot sa ganiyan." Sambit ko na ikinalaki nang mata nang dalawang nasa harap ko.
"Manahimik kang bata ka! Kung ayaw mong-"
"Edi ituloy mo. Pake ko ba?" Sabi ko at pinag krus ko pa ang aking braso.
"I-Ikaw?!" Hindi mapakaling tawag sa akin ni Jorie.
"Tch! Sipain mo siya... Tapakan mo yung paa, ikaw bahala. Walang baril na sasabog ngayon." Sabi ko sa kaniya at kita ko naman kung paanong higpitan nung naka maskara si Jorie. Halos himatayin naman ang kasama ko dahil aside sa takot, ay mahigpit na siguro ang hawak nung tao sa leeg niya. "Tch! Lakas magsalita, wala namang binatbat." Sabi ko nalang at patakbong sumugod. "Tapos ka na!" Sigaw ko at bigla nalang binitawan nung naka maskara si Jorie at yung baril habang natatakot na tumakbo paalis, habang sumisigaw.
Rinig ko naman ang pagbagsak ni Jorie sa sahig, kaya napatingin ako sa kaniya at sa baril na nahulog sa sahig. Nilapitan ko ito at imbes na tulungan siya ay kinuha ko yung baril na nasa tabi niya. Kita ko naman sa peripheral visions ko ang pagkunot nang noo niya. Hindi ko nalang ito pinansin at kinuha ang laruang baril gamit ang scarf ko.
"Sa laruan palang takot ka na? Ano pa kaya kung totoong baril na ang itutok sa'yo. Baka himatayin ka na." Sumbat ko sa kaniya, pero kumunot lang lalo ang noo nito.
"Pwede ba? Balak ko na nga sanang sikohin yung lalaki kanina eh, kung di ka lang umentrada." Saad niya pa kaya tumingin ako sa kaniya. Nayayabangan ako sa lalaking 'to letche!
Tumayo nalang ako at nauna nang maglakad, pero dali-dali na siyang tumayo at pumantay sa kilos ko.
"Tch! Hindi daw siya natakot, pero kung makahabol sa lakad ko parang tumatakbo na." Sabi ko, pero natahimik na siya. Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa canteen. Ang huling destinasyon namin. Katulad sa iba, tulog ang lahat nang nandito at walang ni isang gising, kaya naoagpasiyahan naking uminom muna nang tubig. Nung una sabi niya ay 'wag na daw magbayad dahil hindi naman malalaman iyon, pero sabi ko na kapag hindi kami nagbayad ay iiwan ko siyang mag-isa dito. Kaya sa huli ay napapasimangot siyang sumunod.
Nakaupo na kami ngayon dito sa isang table, sa canteen parin. Medyo naibalik na rin namin ang lakas namin, kaya wala nang problema.
"Ano na'ng susunod na gagawin natin?" Tanong niya, kaya napa isip ako. Naalala ko kasi ang sulat na nakita ko kanina. Mukhang sinadya talagang iwan iyon doon.
"Pero paano naman nila nalaman ang patungkol sa titulo?" Sambit ko, kaya nang marealize ko ay nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa kasama ko. Nakakunot ang noo nito na parang nagdududa.
"Ibig sabihin may alam ka sa mga nangyayari?" Tanong niya sa akin at tumayo. Humarap siya sa akin at masamang nakatingin. "Bakit hindi ka makasagot?! Tinatanong kita!" Bulyaw niya, pero hindi ako nagpatinag. Hinayaan ko siyang ganoon hanggang sa kumalma siya. "Please, sabihin mo lang sa akin kung may nalalaman ka at kung ano ang nasa sulat na ito." Sabi niya at iniabot sa akin ang papel na nakita ko kanina.
Sinuri ko ang papel at napatingin ako sa kaniya.
"Dinala ko na, baka kailanganin eh." Sabi niya at naupo sa kaninang inuupuan niya."May silbi ka rin naman pala kahit papaano." Sabi ko at nainis naman siya.
"Nandato?!" Parang nagliliyab naman ito sa inis dahil sa sinabi ko.
"Manahimik ka nalang at hayaan mo akong makapag-isip dito." Sabi ko, kaya natigilan siya at buti nalang madali siyang sumundo kaya hindi na ako nahirapan.
Natutok naman ako sa papel at naningkit ang mga mata ko. Inabot na ako nang tatlong oras kakaisip, pero hindi ko parin makita ang hinahanap ko.
There must be something in this paper. Sambit ko sa sarili at nang mapagtanto ko ang hinahanap, ay napasigaw ako."Alam ko na!" Sigaw ko dahilan para magising at muntikan pang ma out-balanced ang katabi ko.
"Ano ba namang-?!" Nagugulat na sabi ni Jorie habang iniaayos ang sarili. "Ano ba?! Bakit kailangang sumigaw?! Nakakapang alimpungat eh!" Bulyaw niya, pero ngumisi lang ako.
WRITTEN BY:
minaurum©All rights reserved
2019
BINABASA MO ANG
Bullied to Love [Revision On-Going]
ActionDati niya akong binubully pero ngayon, siya pa ang magiging partner ko sa paghahanap sa mga kasama namin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa?