Chapter 1

18 2 0
                                    

November

Lunes nanaman, at bagong pasukan nanaman. Bagong mga kaklase nanaman, bagong mga kaibigan nanaman, kung magkakaroon nga ako nang mga kaibigan.
Hindi kasi ako palakaibigan simula nung mangyari yung 'bagay' na 'yun'.

Dapat nga hindi na ako mag-aaral dahil sa takot eh. Pero dahil sa mga magulang ko na masyadong strikto, na mas strikto pa sa strikto. Hindi nila ako papakawalan, hangga't hindi pa ako nakakapag graduate at hindi pa nakakapag trabaho. Ganun sila kahigpit sa akin.

Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko. Kung kaya ko nga ba talagang grumaduate? Kahit na, maraming mga hadlang?
Pero sabi nga nila. Kung gaano ka naman kasing naghihirap sa ngayon, ganun ka rin magiging matagumpay pagdating nang panahon.

Nasa harap yung teacher ngayon nag de-discuss, pero ni isang part nang lesson ay wala akong maintindihan. Paano ba naman kasi, kadaldal nitong katabi ko. Samantalang, dinadaldal ako dahil sa manliligaw niya. Which is, nakakainis na rin konti kasi anlalim na nga nung iniisip ko, dumagdag pa 'to.

"At alam mo ba? Nagkasundo kaming magkita mamaya." Natutuwa pang ani nya, dahilan para mapatayo ako at mahampas yung mesa ko nang hindi ko namamalayan.

Nagulat ang lahat syempre. Pati ako nagulat sa inasal ko ngayon. 'Anyare sa'kin?'

"May problema ba Ms. De Hunyo?" Tanong ni Ma'am Estepa sa akin na nakapagpagising na talaga nang buong diwa ko.
Ito pa naman yung teacher namin sa Filipino, at iba to pag nagalit.
Napatingin nalang ako sa loob nang buong klase habang nag-iisip nang ipapalusot ko dito.
Napatingin na rin ako dito sa katabi ko.

Alam ko namang una palang naming pagkikita to, pero wala na akong pakialam. Siya naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito iih. Isa pa, dinaldal nya ako, kaya ibig sabihin nun, iniisip nya na baka magkaibigan na kami.
Mukhang na-gets nya naman yung ibig kong sabihin sa mga tingin ko, kaya napatango nalang sya.

"Ay? Sorry po ma'am. Medyo nahilo lang po siya, masama daw po pakiramdam niya iih." Sabi nalang nito habang ako naman tong napakunot yung noo. Tapos tiningnan nya lang ako na parang sinasabi nya na makisabay na lang ako, kaya ako naman tong si mukhang tanga, nakisabay nalang ako sa pauso nito.

"Pasensya na po ma'am. Hindi na po mauulit. Medyo nahilo lang po ako pagkatayo ko. Kinuha ko po kasi yung ballpen ko po sa ilalim nang upuan." Sabi ko nalang, umaasang sana ay maniwala sya.

Tinitigan pa ako nito na para bang nagdududa habang nakatingin sa akin. Hindi ako kumalas sa mga tingin nya, dahil iniisip ko, baka mahalata nya.
Napabuntong hininga na lang ito at hinayaan na akong umupo.

Tinignan ko naman yung katabi ko nang masama at sinasabi ko doon sa mga paningin ko na tumigil na sya at kung hindi, ay malalagot sya sa akin.
Umakto naman itong parang sinesiper yung bibig nya at sa wakas ay nagkaroon na nang katahimikan sa buhay ko.

Natapos yung Filipino time namin at break time na, at ang nakakainis dun... Hindi ako tinatantanan nitong mokong na to. Sunod nang sunod sa akin, parang timang!
Hinayaan ko lang syang gawin ang gusto nya, baka kasi nag-a-assume lang pala ako, mapahiya pa ako dito.
Pero kasi, ibang klase na to iih. Para talagang sinusundan nya ako, kaya hinarap ko na siya.

"May kailangan ka ba sa'kin?" Tanong ko sa kanya nang harap harapan. Wala nang paligoy-ligoy, ba't ba?

"Ha? W-w-wala naman. A-ano kasi, pwede bang sumama sayo?" Nagdadalawang isip pa nyang tanong sa akin habang nakatingin sa ibang lupalop nang school.

Bullied to Love [Revision On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon