Raven Trinity scanned everyone inside the spacious lounge. Lagpas sampung katao ang nasa loob. Subalit dalawa lang ang nabibilang sa lahi ng mga tao. Sa kaswal na pagkakatayo nina Lorien at Rick, para bang walang kamalay-malay ang mga ito na hindi mga ordinaryong nilalang ang naroroon.
Everyone else in that room knew the existence of immortals. Maaari ngang sabihin na lahat ng nasa mansiyon ay alam ang sekretong itinatago ng sanlibutan. Puwera na lang siguro sa babaeng dinala roon ni Zito at ilang sandali pa ay ihaharap sa altar upang pakasalan.
It was the first time in history that an immortal would marry a mere human. Walang naglakas-loob maliban sa isang imortal na itinatatwa ang pagiging imortal. Tulad ng inaasahan ay marami ang tumutol mula sa ilang matataas na pamilya. Ngunit nanaig ang impluwensiya ni Zito—na nabibilang sa pamilya ng Alexander—sa Royal Reverent. Higit sa sampung clan ang bumubo sa council ng mga imortal.
Ang pinakanangugunga ay ang pamilya ng Hemsworth. Pinamumunuan ito ni Cyphrus na siyang nagmula sa pinakamatandang dugo ng maharlika sa Inglatera. Cyphrus was a direct descendant and the one and only brethren of Prince Gunther—isang isinumpang prinsipe na nabuhay at naging abo noong five-hundred AD.
Seryoso ang mukha ni Cyphrus habang sinisimsim ang hawak na kopita ng wine. Halatang hindi nito gusto ang pagtitipong 'yon. Sa tabi nito ay naroon si Darius na kaswal na nakapamulsa at patingin-tingin lang kung kani-kanino. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay ngumiti ito at kumaway. Magalang na tumango at yumuko naman si Raven bilang tugon. Kahit na medyo may pagka-iresponsable si Darius, kabilang ito sa Blacksmith clan—pinakamalaking coven ng mga imortal.
Pinamumunuan iyon ng kapatid nitong si Cooper na nasa umpok nina Gypsy, Mhyrr, at Corey. Ang dalawang nauna ay miyembro ng Baltimore clan kung saan karamihan naroon ang mga upahang assassins ng council. Si Gregory na siyang pinakaulo ng Baltimore ay wala roon dahil may hinahanap itong ilang Nomads sa kabundukan ng Alps. Representative nito ang descendant na si Rick. Tao si Rick sapagkat tao pa si Gregory nang magkaroon ito ng anak na siyang ninuno mismo ni Rick.
Corey on the other hand was the leader of Wilson clan. Ang mga Wilson ay nag-iisang grupo ng mga imortal na nagmula sa hilagang Amerika. Ilan pa sa pamilyang kabilang sa council na halos nagmula sa Europa ay ang Colabel, Dorado, Fescilli, Mustafa, at Valencia. Ang panghuli ay ang nag-iisa at bagong tuklas na coven sa Asya—ang Fortuna. Sa haba ng naging pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, hindi na kataka-taka pa na nakarating doon ang isang imortal.
Coincidence na lang siguro na ang babaeng pakakasalan ni Zito ay descendant ng pinunong si Liberio Fortuna. O marahil ay tadhana talaga ang naghatid sa babae sa ninuno nito sa pamamagitan ni Zito. Gayunpaman, isa ang kaalamang 'yon sa nakatulong para sa positibong pasya ng Royal Reverent. Walang maglalakas-loob na kantiin ang dalaga kahit tao pa ito na napakadaling paslangin.
Layunin ngayon ng council na pag-isahin at gawing solido ang mga coven sa iba't-ibang panig ng mundo. Hindi makakatulong ang pagsalungat nila sa Fortuna dahil kailangang-kailangan nila ng impluwensiya ng mga ito upang malaya silang makagalaw at makapamuhay sa Pilipinas. Kung may gobyernong itinatag ang mga tao para maging organisado at protektahan ang mga mamamayan, ang Royal Reverent ang mistulang gobyerno ng mga imortal.
Dahil sa umuunlad na siyensiya at teknolohiya, hindi malabong mabunyag ang sekreto nila sa publiko. Kung dati-rati ay patago at sa mga liblib na lugar sila namumuhay, natuklasan nilang mas mainam kung makikihalubilo sila nang normal sa mga tao.
Pretending to be humans were the perfect camouflage to hide their true nature. Ideya 'yon ng isang imortal na tumatayo ngayon bilang leader ng Royal Reverent. Iyon ay walang iba kundi ang nag-iisang buhay na orihinal na imortal. Ang pinakamatanda at kauna-unahang imortal na nabuhay noong twentieth dynasty—Ramses Trinity.
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...