Kabubukas pa lang ni Miles ng pinto nang biglang bumulaga sa kanya si Ramses.
"Ay kabayo!" Tinuptop niya ang dibdib sa gulat.
"You are easily startled. Didn't you expect me? Nag-beep ako sa'yo, di ba?" Hindi na nito hinintay ang sagot niya at nagtuloy-tuloy ito papasok sa loob ng kuwarto.
Isinara niya ang pinto at sinundan ang amo. "I-I'm sorry, Sir. Ang akala 'ko kailangan ko pa kayong babain sa gazebo."
Bigla itong humarap kaya bumangga siya sa dibdib nito. "Sir?" walang kangiti-ngiting gagad nito.
Mabilis na dumistansiya si Miles. "Yes, S-sir. Iyon naman talaga ang tawag ng mga katulong sa amo nila."
"I don't like it. But I guess I just have to live with it." Tinitigan siya nito. "But I really want to hear my name. Kahit isa lang sa mga taong nakapaligid sa akin ang tumawag sa akin sa pangalan 'ko. Para hindi 'ko makalimutan kung sino ako."
Kumurap si Miles. Habang nakatingin siya sa asul na mga matang 'yon ay para siyang hinihila palapit. "T-then kung gusto niyo, Sir Ramses ang itatawag 'ko sa inyo."
Bahagyang ngumiti ang binata na lalong nakapagparalisa sa kanya. "Much better." Tumaas ang kamay nito sa tuktok niya at humaplos doon.
Pakiramdam ni Miles ay malalaglag ang puso niya sa pagkakalapit nilang iyon.
"Hold this for me, Miles." Nasalo niya ang remote control ng beeper na hinagis nito. Tumungo ito sa partition ng dresser. Balak niya pa sanang sumunod pero naestatwa siya nang magsimula itong maghubad. Awtomatikong nag-about-face siya. "Can you prepare the bathtub for me? Maliligo ako."
Para siyang robot na humakbang papunta sa oversize bathroom. Huminga siya ng malalim at pinahiran ang noo kahit wala namang pawis. Tinahak niya ang bathing area. Puting-puti ang tiles at bathub sa loob na naaadornohan ng mga gintong disenyo ng flower filigree. Pinihit niya ang kulay ginto ring gripo.
Dalawa ang pihitan no'n. Ang asul ay para sa tap water at ang pula ay para sa hot water. Tinimpla niya ang tubig at binudburan ng salt bath na naroon. Umalingasaw ang amoy ng lavender. Sinindihan niya ang ilang scented candles na nasa counter sa harap ng mahabang salamin.
Paglabas niya ng banyo ay kamuntikan pa siyang bumangga kay Ramses. She held her breath because the guy was wearing nothing but a bathrobe. Nasisilip niya ang matipuno at makinis na dibdib nito dahil maluwag ang pagkakatali ng sash.
"Puwede bang ikaw na rin ang mag-prepare ng isusuot 'ko? Anyway it's your job as my personal maid," kaswal na wika ng lalaki.
"A-ako?" Nakangangang itinuro niya ang sarili. "Wala akong sense of fashion. Baka ma-disappoint ka lang."
Bahaw na tumawa ito. "Hindi mo kailangan ng sense of fashion para ihanda ang mga damit na isusuot 'ko. I'm not that vain."
Hindi raw vain pero daig pa niya ang mga modelo sa dami ng mamahaling damit at sapatos.
"O-o, sige." Sumang-ayon lang siya para hindi na humaba ang usapan. Iniiwasan kasi niyang dumako ang mga mata niya pababa sa siwang ng bathrobe nito. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang dumeretso na ito ng banyo.
Sapo ang dibdib na pumasok siya sa closet. "Diyos ko makatagal kaya ako bilang personal maid niya? Unang araw pa lang 'to pero heto't kulang na lang ay himatayin ako sa sobrang pagka-conscious."
Umiling-iling siya at hinang-hina ang tuhod na kumapit sa rack ng mga naka-hanger na damit. Pumili siya ng mga damit mula sa hanay ng mga cashual wear. Puting pants at itim na knitted shirt na may mahabang manggas ang nahugot niya. Miles imagined those clothes on Ramses.
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...