Eternity 22

2K 85 11
                                    


"As a servant, paglilingkuran mo si Master sa lahat ng aspeto."

Parang sundalong tumuwid ng pagkakatayo si Miles nang tapunan siya ng istriktong sulyap ni Raven. Naroon sila sa gazebo sa harap ng mansiyon ng umagang 'yon. Yesterday, the first floor of the house was still a mess. Basag ang lahat ng bintana at may bakas ng sunog ang sahig at ang dingding. Pero ngayon ay parang walang ano mang naging pinsala ang mansiyon na naibalik agad sa dating estado. 

Napakaraming trabahador ang paroo't-parito ng nakaraang araw upang ayusin ang mga nasira. Nagtataka nga siya dahil walang nag-report na taga-subdivision hinggil sa nangyaring insidente. Imposibleng walang makapansin na kapit-bahay sa mga naganap doon. Saka niya lang nalaman na ang umookupa sa halos lahat ng mga bahay doon ay kabilang sa Fortuna clan—isang clan ng mga bampira sa na nasa ilalim ni Ramses.

Marami pa siyang hindi alam tungkol dito. But there was only one thing she knew, Ramses saved her life. Kung ano man ang ginawa nito sa kanya ng gabing 'yon, ginawa nito ang bagay na 'yon para iligtas ang buhay niya. Nalaman niyang lahat 'yon mula kay Raven

"He put his mark on you by sucking your tainted blood. Kumalat ang lason sa dugo mo nang inumin mo ang elixir na ibinigay sa'yo ni Gypsy. Puwedeng ikamatay ni Master ang ginawa niya pero hindi siya nagdalawang-isip na sagipin ka. Kung may nangyaring masama sa kanya, susundan kita hanggang sa kabilang buhay para pagbayarin."

Umiling-iling siya upang palisin sa isip ang nakakatakot na pagbabanta ni Raven. Sinalat ang marka sa gilid ng leeg na mistulang isang tattoo. Iyon daw ang tatak na nagpapatunay na isa siyang servant ng isang pure blood at true ancestor.

"Hey, are you even listening to me?"

Napaigtad siya nang pumitik ang daliri ni Raven sa harap niya. "Y-yes, Sir Raven."

Huminga ito ng malalim habang nakatingin sa kanya. "Drop the Sir, you can call me Raven from now on. Hindi ka na katulong dito. Tulad ka na rin namin nina Corey at Darius. May lugar at posisyon ka na sa bahay na 'to, Miles. Ang tanging titingalain at susundin mo lang sa loob ng tahanang ito ay si Master." Bumaba ang mga mata nito sa kamay niyang nasa leeg kaya agad niyang tinanggal 'yon. "It's an ancient Egyptian hieroglyph. That symbol on your neck is the symbol of immortality."

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig sabihin no'n, Sir Rav—este Raven?"

"Noong panahon ng mga pharaoh, magkakalaban ang mga pamilya sa loob ng palasyo. Nilalason nila ang kapwa isa't-isa dahil lang sa isang trono. Greed was always the cause of people's problems. Pero hindi nila kayang itapon 'yon kahit ano pang problema ang hatid no'n. Dahil ang kasakiman ay natural na nakatanim na sa puso ng isang tao. Kasama ng paniniwala, prinsipyo, at pagkatao. If you trust anyone carelessly, you'll die. Protecting yourself is also an act of greed. Kinailangan ng excuse ng mga tao para hindi 'yon matawag na kasakiman. Bakit mo kailangang protektahan ang sarili mo? Lahat ng dumaang pharaoh ay alam ang sagot sa tanong na 'yon. Dahil ako ang buhay ng nasasakupan ko. That one stupid answer was enough to make those people bow to you. Ang mga nagsisilbing 'yon ay ginawaran ng tatak—kawal, espiya, alila, guro, tiga-payo, opisyal, at miyembro ng gabinete. Nakaukit sa balat ng mga taong 'yon ang simbolo ng pinaglilingkuran ng mga ito. Ang simbolo ng kanilang pharaoh. Ang simbolo ng buhay."

Napakurap siya. "Pharaoh? Hindi ba't sila ang mga itinuturing na hari sa ancient Egypt? Ang kilala ko lang ay ang pinakabatang pumanaw na pharaoh na si Tutankhamun at ang pharaoh na pinag-isa ang lower at upper Egypt who was Ramse—" Kusa siyang napahinto nang may mapagtanto. Tulalang binalingan niya si Raven. "Don't tell me... he's that Ramses."

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon