Tigagal si Miles habang tinatahak ng sasakyan nila ang loob ng isang exclusive subdivision sa Makati. Puros bloke ng mga mansiyon ang nasisilip niyang nadadaanan nila.
"Teka lang. Sigurado ba kayong dito tayo magde-deliver?" untag niya sa dalawang kasama. "Hindi kaya mali kayo ng nakuhang address? Hoy Joanne!" Kinalabit niya na ang katabing babae dahil hindi mapuknat ang tingin nito sa cellphone.
"Keri lang 'yan. Matalik na kaibigan ni boss 'yong kliyenteng babae. Sobrang yaman daw ng mapapangasawa. Isa lang tayo sa tatlong supplier na kukuhanan nila ng bulaklak. Mukhang hindi sila kuntento sa Celts at Francine," tukoy nito sa dalawang pinakalamaking flower shop sa siyudad. "O kaya naman talagang trip lang nilang paulanin ng bulaklak sa wedding venue. Haaay... napakasuwerte naman ng bride."
Napabuntong-hininga siya at tumingin sa pambisig na relo. "Halos mag-aalas-nuwebe na ng gabi. Talagang gusto nilang gawin ng ganitong oras ang seremonyas ng kasal?"
"Ano ka ba naman?! Uso na kaya ngayon ang night wedding lalung-lalo na sa mga celebrity. Nagbabayad sila ng mahal sa videographer dahil gusto nilang makuhanan ang perfect moment at kailangang perfect din 'yong mga angulo at effects. Hindi ko kaya ang talent fee ng isang Jason Magbanua kaya hanggang pangarap na lang ang isang magarbong kasal para sa amin ng bebe kong si Carl. Naku kung hindi ko lang talaga siya love, naghanap na ako ng isang papa material."
"Kaya relax ka lang diyan, Miles," singit ni Drew na siyang nagmamaneho ng van. Katrabaho nila ang binata although hindi ito mukhang empleyado sa isang flower shop. Mas mukhang ito ang may-ari. "Hindi mo kailangang ma-intimidate dahil mas maganda ka pa sa mga bulaklak na ide-deliver natin," banat nito na ikinasimangot nilang pareho ni Joanne.
"Ang kornik!" Tumatawang hinampas ito sa balikat ng babae. "Alam 'kong hindi ka marunong mambola, Drew pero tunog nambobola pa rin ang dating. Paano ka sasagutin nitong si Miles kung ganyan ang mga pick-up lines mo? Para kang isang amateur actor na bumibigkas ng script sa isang romcom series. Maging natural lang tayo, kuha mo? Manok kita kaya galingan mo."
Siya naman ang pumalo sa braso ni Joanne. "Ano ka ba? Hindi ako nililigawan ni Drew."
"Hindi pa lang. Torpe e."
"Salamat sa pambi-build-up, Joanne. Ang laking tulong," sarkastikong sabat ni Drew. "Huwag kang maniwala diyan, Miles," baling sa kanya ng binata. "Hindi ako torpe."
"Hindi ka torpe at hindi ako babae," muling hirit ni Joanne.
"Inaamin mo nang nagpa-sex change ka?" si Drew naman ang nangantiyaw. Inulan ito ng hampas sa likuran ng napikong si Joanne.
Natatawang inawat niya ang mga ito dahil nagmamaneho si Drew.
"Grabe, pangmayaman na subdivision pero parang ghost town. Walang katau-tao," pamaya-maya pa ay komento ni Joanne. "Kahit tahol ng aso, wala. May nakatira ba sa mga mansiyong 'yan? Aba'y mamigay sila ng espasyo at bubong na masisilungan sa mga sawing-palad!" Nakababa ang windshield sa side nila kaya ramdam ni Miles ang pagtama ng malamig na hangin sa kanyang mukha. "In fairness mas maluwag pa ang daan dito kaysa sa main road ng Metro Manila. May ganito pala sa Makati. Para tayong nasa suburban ng Amerika. Pati ang lamp post nila sosyal. European."
"Kilala mo ba ng personal 'yong kliyente ni boss?" tanong niya dito.
"Isang beses ko lang natiyempuhan sa shop. Maganda pero simple lang. Hindi mukhang isnaberang mayaman. Here's the name o. Nasa kontrata." May itinuro ito sa hawak na paper clipboard. "Pheobe Alejano."
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...