"Ate Miles..."
Kusang namasa ang mga mata ni Miles nang makita niya ang stepsister na si Hannah. Nadatnan niya ito sa harap ng isang bahay na may bombahan kung saan ito naglalaba. Dahan-dahang napatayo ito pero nanatiling nakatingin lang sa kanya na para bang isa siyang aparisyon. Siya na ang tumakbo sa direksiyon nito at yumakap dito. "Hannah!"
"Ate Miles!" Bigla itong humagulgol ng iyak at yumakap din sa kanya. "I'm sorry, Ate Miles! I'm sorry..."
"Na-miss ko kayo ng sobra..." Sumisinghot na lumayo siya dito. "Si Tita at si Anrdrew? Nasaan sila?"
"Wala sila dito sa bahay. Sinundo ni Mama si Andrew sa school. Bandang alas-singko, uuwi na rin ang mga 'yon." Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto ng maliit na bahay. "Pasok ka muna." Kinuha nito ang ilang mga paper bags na bitbit niya. Binitbit niya papasok sa loob ang patung-patong na kahon na inilapag niya sa mesa sa labas.
Muli niyang niyakap ang kapatid nang mailapag nila ang mga 'yon sa mesita. Nang humiwalay siya ay sinapo niya ang mukha nito at pinagmasdan ito ng husto. Magulo ang naka-clamp nitong buhok, medyo nangitim, at nangalyo ang mga kamay. "Nag-aaral ka pa ba?" tanong niya kahit obvious namang hindi ito pumasok ng school hours.
Umiling si Hannah at nagyuko ng ulo. "H-hindi na. Balak sana akong i-transfer ni Mama kahit man lang sa pampublikong college state dito pero hindi talaga kaya. Pumapasok akong cashier sa malapit na water district dito para makatulong sa gastusin sa bahay. Apartment lang 'tong tinitirahan namin dahil naipagbili na rin pala 'yong bahay ng pinsan ni Mama kung saan sana namin balak makipisan. Nangibang bansa na kasi si Tita Adela. Off ko ngayon kaya heto't nadatnan mo ako dito."
Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Kasing-laki lang 'yon ng kuwarto ng Tita niya sa bungalow nila sa Maynila. May pang-isahang kalan sa gilid ng lababo, maliit na sofa sa gilid, at lumang telebisyon sa kabilang panig. Para lang 'yong kuwarto ng isang nagbo-boarder. Lumunok siya at pinahiran ang mga luha. Pilit siyang ngumiti kay Hannah nang hilahin niya ito paupo sa sofa.
"May mga dala ko para sa inyo." Naghalungkat siya sa paperbag at kinuha ang isang nakabalot na kahon. "Na-miss 'ko 'yong birthday niyong dalawa ni Andrew pero hindi ko nakalimutang bilhan kayo ng mga regalo."
Kumurap si Hannah at tila wala sa loob na inabot ang mga ibinibigay niya. Saka pa lang ito tila nagising nang makita ang laman ng kahon sa inalis na gift wrapper. Laptop 'yon at cam corder. Naisip niya kasing magagamit nito ang mga 'yon sa kinukuha nitong kurso.
"May cake din akong dala para sa inyo ni Andrew. Tapos binilhan ko kayo ng mga damit nina Tita."
Miles received an unreasonable sum of money from Raven. Halos magulantang siya nang makita niyang eight digits ang laman ng bank account niya. Of course ay kinompronta niya ito pero sinabi lang nitong natural lang na magkaroon siya ng ganoong pera dahil parte na siya ng pamilya—specifically ng Trinity clan. Ituring na lang daw niya 'yong allowance bilang isang servant ng hari ng mga imortal.
Maliit na halaga lang daw ang ibinigay nito dahil alam nitong magrereklamo siya. Mukhang barya lang para dito ang eight digits na 'yon. At buwan-buwan siyang makakatanggap no'n. Umalma siya pero sinabihan lang siya nito ng nonsense. Kung gusto niya daw ay i-donate niya ang pera sa orphanage o sa animal welfare association. Hindi niya na raw iyon puwedeng ibalik dito dahil magagalit si Ramses.
At nang ang binata naman ang komprontahin niya ay nagkibit-balikat lang ito at muli siyang ipinasa kay Raven. Napagod na rin siyang makipag-argumento sa mga ito kaya hindi na siya tumanggi pa. At isa pa ay pinagre-resign na rin siya ni Ramses sa flower shop.
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...